XVII

77 6 0
                                    

Mina's POV:

Habang naglalakad kami sa hallway papunta sa booth nila ay nag-uusap kaming lima.

"So, anong booth ba ang meron kayo?"

Tanong ni Nayeon sa kanila habang gumagamit ng phone. Sino na namang ka-text nitong babaeng toh?

"May naglista po ng pangalan ni Ate Mina sa marriage booth po"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko yung sinabi ni Jinni.

Ano daw? Tama ba pagkakarinig ko? Marriage booth daw ang meron sila?

Biglang natawa naman yung dalawa kong kaibigan.

"Mina, ikakasal ka na pala. Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin"

"Manahimik ka Sana. Baka gusto mo talagang hindi ko na ibigay wallet mo sa iyo? Itatapon ko toh kapag hindi ka tumigil"

"Hoy! Wag! Napaka sama talaga ng ugali mo. Binibiro ka lang eh"

Remember when I said na lahat ng booth dito sa campus nasubukan na namin? May nakaligtaan pala kaming isa at ayun ay ang marriage booth.

Hays, ayoko na uuwi na ko. Tama talaga hinala ko dito eh. Sino ba yung walang kwentang nilalang na nag-lista ng pangalan ko dun? Humanda siya sa akin kapag nalaman ko kung sino man siya. Magtago na siya.

"Ayoko. Uuwi na ako. Sana, ito na yung wallet mo"

Nilabas ko yung wallet niya mula sa bag ko at ibinigay sa kanya na agad naman niyang kinuha.

"Ate Mina, nagpromise ka po sa amin. At sayang naman yung binayad ng tao sa booth namin"

"Magkano ba binayad sa inyo? Ibabalik ko na lang sa kanya yung ibinyad niya"

"Oo na Mina. Alam na naming rich kid ka pero huwag mo namang ipamukha sa amin na poor kami. Kaya tara na. Minsan lang naman. Dali na, naghihintay na yung groom mo doon"

Pakipigilan nga ako. Baka makapatay ako ng aso ngayon.

"Yung nag-lista ba ng pangalan ni Mina ay yun din ba ang magiging groom niya?"

Mga bibig talaga nitong mga kaibigan ko pasmado. Isusunod ko na din kay Sana si Nayeon.

"Hindi po Ate Nayeon"

"Eh sino magiging groom niya?"

"Pagka-lista po kasi nung estudyante ng pangalan ni Ate Mina ay pinahanap na po siya agad sa amin ng president namin kaya hindi na din namin nakita kung anong pangalan ng magiging ka-partner niya"

Pag-eexplain ni Jinni sa amin.

"Pero ang narinig po namin bago kami umalis doon sa booth ay gwapo daw po"

Dagdag pa ni Sullyoon.

Tss, I doubt na gwapo yun. Parang lahat naman yata sa mata ng mga babae dito gwapo lahat ng lalaki eh.

"I said no"

"Napaka kill joy mo talaga kahit kailan. Dali na hindi naman totoo na ikakasal kayo eh"

"Sana, huwag mo kong pilitin. Kung gusto mo ikaw na lang pumalit sa akin"

"Magkano ba magpa-lista sa booth niyo? Ipapakasal ko sarili ko kay Tzuyu"

Ang galing talaga niya. Alam na nga na pinagpupustahan kami nung apat pero gustong gusto pa din niya yung pinsan ni Nayeon.

"Ate Mina pumayag ka na po please"

"Pagbigyan mo na yung mga bata, Mina. Pinaghirapan kaya nila yung booth na yun tapos hindi ka makiki-cooperate?"

Clash of the Nine StormsWhere stories live. Discover now