XXI

99 4 0
                                    

Chaeyoung's POV:

"Ehem, mawalang galang na po. Maaari po bang paki-explain ang nangyari kanina sa rooftop?"

Tsk, don't they know the word privacy?! Bigla-bigla na lang silang pumapasok.

"Tol! Kwento ka naman diyan. Handa akong makinig"

Ang kulit talaga nitong Tokwang toh! Umupo pa sa tabi ko at niyakap ako! Ang kapal ng mukha! Si Mina lang ang may karapatang yakapin ako!

"Kadiri ka Dubs! Huwag mo kong yakapin at layuan mo nga ako!"

Pilit kong tinatanggal ang mga braso niyang nakapulupot sa akin.

"Grabe ka naman. Parang hindi tayo nagyayakapan noong mga bata tayo ah?"

Yah! Ang kuliiit! Tapos yung dalawa pang kaibigan ko hindi man lang ako tulungan makaalis kay Dahyun. Tinatawanan lang ba naman ako?! Ang sama nila.

"Let go of my boyfriend, Dahyun"

Nahinto si Dahyun sa ginagawa niya at lahat kami dito sa loob ng kwarto ay nanlaki ang mga mata na napalingon kay Mina.

Sino ba naman kasing hindi magugulat sa sinabi niya?! Feeling ko lalabas na yung puso ko sa sobrang lakas tumibok. Tinawag niya akong boyfriend niya!

Nababawasan na pagka-lalaki ko dahil sa kanya!

"Saglit lang, masyado akong nabibilisan sa mga nangyayari ngayon. Paanong nangyari na mag-jowa agad kayo?"

"Chaeyoung and I are just pretending to be a couple, Nayeon"

"Let me explain it from the start. Somi is my ex-girlfriend. Nakipaghiwalay siya sa akin. Then now, gusto niya ulit kaming magkabalikan. Ayaw niyang tanggapin na I don't have any feelings for her na. Tapos kanina sa art club ay sinundan niya ako doon. Dahil sa kakulitan niya I told her na girlfriend ko si Mina and even showed her our marriage ring and certificate. That's why sinugod niya kanina si Mina"

"Hindi ba galit ka sa kanya?"

"Oo nga, parang kanina lang inis na inis ka sa kanya ah?"

"Anong nangyari Mina?"

"Ano teh? Change of heart?"

Pinag-kakaisahan nila si Mina. Sunod-sunod yung mga tanong sa kanya ng mga kaibigan niya. At itong katabi ko naman napansin kong bigla na lang namula ang mukha. Parang naiinis na yata siya sa kanila.

"Yah! Tumigil nga kayo! Bakit? Bawal bang tulungan ko si Chaeyoung? At isa pa, niligtas niya ko kanina. It's only right that I should pay him back"

Yup, I'm right. Lakas talaga mang-asar ng kaibigan niya. Then all of a sudden, I saw her smirk. Hoy! Anong binabalak mo Myoui!

"Do you guys want to hangout next weekend? My treat"

Hangout lang pala bakit kailangan may pag-smirk muna bago magtanong?

"Yeah sure. Free naman ako sa araw na yun. Subukan ko na din isama si Daniel para makilala niyo na ng personal"

"Saan ba?"

Tanong ko sa kanya.

"Sa anime convention lang naman"

Once she said that ay ngumiti siya at tumingin sa direksyon nila Nayeon at Sana. Why? Anong meron?

"It's fun there. You all should join me. Ako na bahala sa mga tickets niyo"

"Yeah sure, dahil sa libre hindi ko tatanggihan yan"

Kapal talaga ng pagmumukha nitong Dahyun na toh. Hindi man lang mahiya kay Mina.

"Okay, it's settled then. Hangout tayo next weekend kasama si Zyo with her boyfriend"

"Didn't you listened Jeong? Sabi ko susubukan kong isama si Dani. Hindi ko pa sure iyon dahil nga alam mo namang busy siya lagi"

"Chill. Mali na yung sinabi ko. What I mean is next weekend kasama si Jihyo and maybe with her boyfriend. Okay ka na?"

Jihyo just rolled her eyes at him.

"Tapos na ba? Gusto ko na kasi umuwi at mag-pahinga. Inaantok na ako"

Gininaw ako sa sobrang lamig mag-salita ni Tzuyu. Noong mga bata pa kami ganyan na po talaga siya. Kaya minsan natatakot ako sa kanya eh. Hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip niya lagi.

"Tara na nga. Malapit na din matapos yung event. Huwag na tayong makisabay sa labasan ng mga estudyante mamaya. May kasama pa naman tayong dalawang bata. Baka maipit sa sobrang dami ng tao. Kawawa naman"

Teka, kami ba ni Dahyun ang tinutukoy niya?

"Kawawa nga"

Aba sumasang-ayon pa talaga siya kay Jeongyeon?

"YAH!"

Sabay naming sigaw sa kanila ni Dahyun.

"Ano ba?! Nakakasakit kayo sa eardrums"

"Kayo kasi! Inaasar niyo na naman height namin ni Chaeyoung. Nakaka-hurt kaya ng feelings. Hindi ba bro?"

Sabi niya sabay punas ng mata niya kahit wala namang luha at-

Help! Niyayakap na naman ako ng Tokwa!

"Dahyun! Tigilan mo nga ako sa kayayakap mo!"

"Akala ko ba kampi tayo dito?"

"Huwag mo kasi akong yakapin. Baka kung ano pang isipin ni Mi-"

Pagkalingon ko sa tabi ko ay wala na akong Mina na nakita pa. Luh? Nasaan na yung katabi ko? Nandito lang yun kanina ah? Bakit biglang nawala?

"Iniwan na pala nila tayo dito"

"Ang iingay niyo kasi eh. Nauna na tuloy silang umuwi"

"Tara na nga"

Lumabas na kami ng infirmary. Habang naglalakad kami palabas na ng campus ay parang may nakakalimutan yata ako.

"Yung gitara ko!"

Shems regalo pa man din sa akin ni Dad iyon. Bawal kong maiwala iyon.

Dahyun patted my shoulder.

"Don't worry bro. Pagkaalis namin ng stage kanina ay ibinilin namin kay Manoban yung mga gamit natin. Nandoon na siguro iyon sa room"

Mabuti naman kung ganoon. Napabayaan ko na kasi kanina noong sinundan ko yung dalawa sa rooftop.

--Fastforward--

Nang makauwi ako ay bigla akong sinalubong ni Mama.

"Chaeyoung, bakit ngayon ka lang nakauwi?"

"Ngayon lang po natapos yung event sa school namin, Ma. Didn't I told you that yesterday?"

"Ah yes, sorry I forgot. Nawala sa isip ko dahil sa sobrang pagod ko from work"

Natatawang sabi niya at saka niyakap ako ng mahigpit.

"You know what? I really missed my son now. We're both busy. I'm with work and you with your school"

Hays, si Mama talaga naglalambing na naman sa akin. She's really like this to me since nakikita niya sa akin si Papa. Kamukhang kamukha ko daw kasi.

Papa's already gone. Iniwan na niya kami noong 7 years old pa lang ako. He got into a plane crash going home here.

Naramdaman ko na lang na bumitaw na siya sa pagkakayakap at muli akong tinignan.

"Do you have something to do tomorrow? Let's go out. Besides, it's my day off tomorrow"

"Hmm"

I hummed while axting as if I'm thinking something.

"Son Chaeyoung"

Hinampas niya ako sa kaliwang braso ko. At dahil doon ay natawa ako ng bahagya.

"Ma, ang sakit naman"

"Mas masasaktan ka pa sa akin kapag hindi mo inayos yang sagot mo"

"Si Mama naman hindi na mabiro"

"Siguro may scheduled date ka bukas kaya ayaw mong makasama si Mama noh? Binata na ang baby ko. Pakilala mo siya agad sa akin"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Huh?! Ako?! May ka-date bukas?! Sana nga. Pero wala naman talaga. Inaasar na naman ako ni Mama.

"Ma, don't worry. Kahit nasa sinapupunan pa lang yung nagugustuhan ko ipapakilala ko agad siya sayo"

"Okay sige. If you're not hungry, then you can now go to your room"

"Thanks Mama. I love you"

"I love you too big boy. Don't forget our date tomorrow, okay?"

"Yes po"

I immediately kissed her on her cheek at umakyat na patungo sa kwarto ko.

After kong maligo at magbihis ay agad akong humiga sa kama ko and check my phone.

Bumungad sa akin ang napaka-daming mensahe mula sa mga kaibigan ko.

But one caught my attention. It's from her.

***

From: Penguin

Chaeyoung, thank you again. I hope you're already home. If you don't mind, gusto sana kitang ilibre bukas bilang kapalit sana.

To: Penguin

Yeah sure. Chat mo na lang ako bukas kung saan tayo mag-kikita or do you want me to pick you up?

From: Penguin

No, it's alright. I can manage myself. Mag-kita na lang tayo doon sa coffee shop malapit sa school. Then chat na lang kita kapag paalis na ko dito sa bahay. Goodnight!

***

I set her contact name in my phone as Penguin. Kasi sabi ng mga kaibigan niya ay kung kumilos daw siya ay parang penguin. At hindi nga sila nagkakamali.

Hays, what did you do to me Mina Myoui? Sobrang pinapatibok mo itong puso ko.

I smiled widely sa last reply niya at hindi na ako nag-reply pa sa kanya dahil inaantok na ako.

My day was somehow great. Sweetdreams talaga sa akin.







Clash of the Nine StormsWhere stories live. Discover now