“Salamat po sa tulong nyo, Ate Hyp at Kuya Kyu. Kung hindi dahil sa inyo, hindi namin malalaman kung sino ung pumatay kay Mama. Nakakalungkot din na iniwan nya kami kaagad, laking tulong pa rin na nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Mama. Thank you po ulit,” pasasalamat ni Aiara habang bakas pa rin sa kanyang mukha ang kalungkutan.
“Condolence, Aiara at tsaka wala yun. Basta nandito lang kami ni Nero kapag kailangan mo ng tulong,” sambit ni Kyu sabay tapik sa likod ni Aiara.
“Condolence din pala, Aiara. Maging matatag ka lang at wag kang susuko. Nandyan lang mama nyo sa langit at ginagabayan kayo.” Pahayag ni Hypatia.
Niyakap ni Aiara sila Hypatia at Kyu bilang pamamaalam dahil may libing pa silang dadaluhan ng kanyang pamilya. Umalis naman kaagad sila Hypatia at Kyu para bumalik sa kanilang dorm dahil may curfew sila.
Habang naglalakad sila pauwi, huminga ng malalim si Hypatia. Napansin ni Kyu ang lungkot sa mga mata ni Hypatia. Dahil dito, hindi napigilang magtanong si Kyu.
“Ayos ka lang ba, Hyp? Napansin ko na kanina ka pa nagbubuntong-hininga.” Sabi ni Kyu habang halata naman na nag-aalala siya kay Hypatia.
“Oo, ayos lang ako. Hindi ko lang talaga gets na kayang pumatay ng mga killer nang hindi nakokonsensya sa ginawa nila. Parang hindi nila iniisip kung nangyari sa kanila iyon. O baka naman naiisip talaga nila, wala lang silang pakialam sa nangyayari.” Sambit ni Hypatia saka tumingin ng diretso kay Kyu.
“Posibleng na-guilty din sila, Hyp. Napagtanto na lang nila pagkatapos ng trahedya. Pero may mga tao talagang walang konsensya sa iba. Normal lang yun. Ganun naman talaga ang mundo, may mga taong pakialam sa paligid nila at meron ding wala.” Tugon ni Kyu at napabuntong-hininga.
“Ako tuloy 'ung nag-guilty kapag may nagawang mali 'ung mga kriminal na nahuhuli natin. As if na ako talaga ang may kasalanan,” sambit ni Hypatia saka bahagyang tumawa.
“You don't have to. It's not like it's your fault, Hyp. Besides, it's all in the past already. Hindi naman natin ginusto na mangyari yun, no one did.” Kyu replied then glanced at Hypatia.
“I guess. Tara na, balik na tayo sa dorm. Baka pagalitan na naman tayo ni Kuya Mark. Naalala ko tuloy nung nalate tayo ng uwi,” pahayag ni Hypatia sabay taray.
“Right, umakyat pa tayo sa gate kasi nasaraduhan tayo ng gate,” Kyu chuckled.
“Bagal mo kasi maglakad, hay nako.” Sambit ni Hypatia sabay paikot ng kanyang eyeballs. “Nagiging habit mo na talaga ang paikutin iyang eyeballs mo, dukutin ko yan eh.” Tugon ni Kyu sabay tawa.
“At tsaka hindi ako mabagal, ikaw itong mabagal maglakad sa ating dalawa eh,” patawang sagot ni Kyu nang paluin sya ni Hypatia sa balikat.
“Sus, denial ka lang. Dinedeny mo pa, masakit lang talaga paa ko. Anlayo ba naman ng nilalakad natin,” pag-irap ni Hypatia.
“Eh ayaw mo kasing nagd-drive ako pauwi para mabilis tayong makauwi.” Tugon ni Kyu. “Sa bilis mo ba namang magpatakbo, sinong gugusto na mamatay agad-agad. Parang nakikipagkarera ka kung magdrive. Ayoko pang mamatay ng hindi nagkakashota 'no, hmp!” Pahayag ni Hypatia at sabay na tumaray.
“Then be my girlfriend.” Dahil doon, napaubo si Hypatia. “Wait what?!” Tanong ni Hypatia.
“If you're that desperate to have a boyfriend then date me,” tugon ni Kyu habang nakatingin ng deretso kay Hypatia.
“May ubo ba iyang utak mo, Kyu? Tigilan mo nga ako,” pag-irap ni Hypatia sabay pinalo muli ang balikat ni Kyu.
Kyu chuckled at Hypatia's grumpy expression after what he just said. “Nagbibiro lang naman ako, Hyp. Sineseryoso mo kasi. Baka sa susunod nyan, iseryoso ko na talaga.” Sambit ni Kyu habang nakatingin pa rin sa daan.
“Magtigil ka nga, Kyu! Masasapak talaga kita!” Pahayag ni Hypatia at binilisang maglakad. “Sorry na po, kamahalan. Love you.” Tugon ni Kyu at sabay na binuhat si Hypatia ng pa-bride style.
“Ano ba, Kyu?! Ibaba mo ako! Omg, Kyu!” Sigaw ni Hypatia habang pinapalo ang dibdib ni Kyu.
“Don't shout, jeez. Baka mabingi na ako sa kakasigaw mo. Tara na po, kamahalan. Uuwi na tayo.” Tugon ni Kyu habang patuloy pa ring nagdadabog at sumisigaw si Hypatia.
“Pag di ka pa tumigil sa kakasigaw, baka ilaglag kita.” Nang sabihin yun ni Kyu, napatahimik si Hypatia at umirap. Kyu just chuckled and continued to walk while carrying Hypatia.

BINABASA MO ANG
Detective's Duties
Mystery / ThrillerA bunch of senior high school students who ended up solving crime cases. They are unaware of the tragedies and dangers that will come their way to destroy them. Will they make it out alive? Who knows.