Araw-araw na lang nadadala sa panganib si Hypatia. Kahit saan man sya pumunta, laging may mga krimen na nagaganap. Pero masaya naman syang makatulong kapag may humihingi ng tulong na kadalasan ay si Officer Hain.
Matagal ng magkakilala sina Hypatia at Officer Hain dahil dating director-general ang ama ni Hypatia na nagretiro na ngayon para makasama ang pamilya ng walang gulo. Ngunit dala-dala ni Hypatia ang panganib kahit saan man.
Nakarating na si Hypatia sa bagong milktea shop na pagkikitaan nila ni Saerian. Pumasok sya at lumapit kay Saerian nang kumaway sa kinauupuan nya. Nag-order na sila at bumalik sa table nila.
Dumating na ang order nila nang magsalita si Saerian. “Ang tagal mo naman, Hyp. Joke lang pero ang tagal mo talaga. Halos isang oras na ako nag-aantay sayo dito. Is it another case?” Panimula ni Sarian sabay inom ng kanyang inumin na Nutella milktea.
“You already know it. Dala-dala palagi ng pangalan ko ang panganib at kusang lumalapit sakin. This one's different na nga lang sa mga kaso na nasolve ko,” tugon ni Hypatia.
“Spill the tea, sis.” Tugon ni Saerian sabay sipsip sa straw. “Akala ng lahat na suicide ang dahilan ng pagkamatay ng biktima pero pinatay pala ng hindi inaasahan ng lahat na papatay sa biktima, yun pala ung chef nila ang pumatay.”
“For real? Let me guess, nahulaan mo kaagad?” Tanong ni Saerian habang nac-curious sa nangyari. “Oo, tinanong ko lahat ng mga kasama ng biktima sa bahay tapos chineck ko pa ung mga kwarto ng suspects at ng victim para maghanap ng clues kaya natagalan ko. Sorry naman na pinag-antay kita, akala ko naman kasi mamayang 2 pm ka pa dadating gaya ng napag-usapan natin.” Sambit ni Hypatia sabay pout.
“Ayos lang yun. As expected from you, ang galing mo magsolve ng mga crime cases. You're really the detective of Silenus High. Nagtataka lang ako kung bakit hindi ka crush ng crush mo.” Pahayag nya while looking at Hypatia like "what a shame" look.
“Alam kong magaling ako sa pags-solve pero masyado mo namang sinasabi ung totoo... At isa pa, hindi ko na sya gusto. Napakamanhid, sarap nyang i-freeze at kayurin pang-halo-halo kung may powers lang ako.” Ngiting tugon ni Hypatia at parang ilang segundo na lang ay masasapak nya na si Saerian. “Ayan kasi, bakit hindi na lang si Yohan. Pogi naman sya, matangkad, may pake sa acads, mabait pa. Literal na ideal type mo sya ah. Tapos himalang ikaw pa ang gusto nya.” Pahayag ni Saerian habang nginangatngat ang chocolate na hawak nya.
“Edi shotain mo. Sakit mo sa ulo, Sae. I don't like him. Alam kong nasa kanya na halos lahat ng gusto ko sa lalaki pero may kulang lang. Syempre gusto ko rin ung mahilig sa mga crime-solving para may kasama ako.” Tugon ni Hypatia sabay inom sa kanyang inumin na chocolate kisses milktea. “Well, goodluck with that. Kaunti lang din ang interesado sa mga pags-solve ng mga kaso. Halos wala kasi kadalasan sa mga lalaki ay mahilig sa paglalaro ng video games o pagf-focus sa pag-aaral,” sambit ni Saerian.
“Kawawa ka naman, bebe ko. Kiss na lang kita, 'lika,” pahayag ni Saerian na akmang hahalikan si Hypatia sa pisngi. “Tigilan mo nga ako, Sae. Kumukulo ang dugo ko sa kiss kiss mo na 'yan. Maghanap ka na lang ng shotang ik-kiss mo,” tugon ni Hypatia sabay paikot ng kanyang eyeballs.
“Hindi nga ako gusto ni Reaven, mas cold pa sya sa yelo. Sa ganda kong 'to, bakit hindi nya ako gusto?” ani Saerian at ngumuso. “Kawawa ka nga naman, ikaw kaya ang i-kiss ko. And don't pout, you look like a duck,” pa-irap na tugon ni Hypatia at pinagpatuloy ang pagngatngat sa kanyang hawak na french fries.
“Kaibigan ba talaga kita o hindi? At least cute ako na duck. Anyways, tapos ka na ba sa song project sa music? Sabi ni Ma'am Rheya next week na daw ang deadline,” pagbabago ng topic ni Saerian.
“Hindi pa. Wala pa nga akong partner doon eh. Too bad, kailangan daw na opposite gender ang kapartner mo. Partner sana tayo,” pagtatampong tugon ni Hypatia. “Miss na kitang maging kapartner, bebe ko. Luckily, naging partner ko si Reaven, my loves.” Pagtili ni Saerian habang shinishake si Hypatia.
“Mabuti ka pa, wala pa akong partner.”
“Bakit ayaw mo maging partner si Kyu? I heard na magaling daw sya kumanta ah,” tanong ni Saerian. “About that, hindi pa ako sigurado kung may partner na sya o wala. I'll ask him na lang later. Sana may mahanap na akong partner, ayoko bumagsak sa music.” Tugon ni Hypatia at bumuntong-hininga.
—
“Kyu!” Sigaw ni Hypatia habang tumatakbong hingal na hingal patungo sa direksyon ni Kyu. Nagpaalam si Kyu sa kanyang mga kaibigan at humarap kay Hypatia.
“Yo, Pat! May kailangan ka ba? Hinga ka muna, akala mo naman tumakbo ka ng 10 km dash,” tanong ni Kyu habang hinihingal pa rin si Hypatia.
“Malamang, kanina pa kita hinahabol kung saan saan. Hindi mo naman ako pinapansin, kainis ka,” ani Hypatia at tinarayan si Kyu. “Isa pa, sinabi ko na sayo na tigilan ang kakatawag sa'kin ng “Pat”, ang baduy kaya.” Dagdag nito.
“It's cute, though. Anyways, what do you need ba?” Tanong ni Kyu sabay tawa. “May partner ka na ba sa music project?” Tanong ni Hypatia.
“Wala pa nga eh, next week na agad ung deadline. Ikaw ba?” Tanong ni Kyu at napabuntong-hininga si Hypatia. “Wala pa din, si Saerian sana aayain kong maging partner kaso partner nya na si Reaven. Kailangan pa na opposite gender ang ka-partner mo,” patampong tugon ni Hypatia at bahagyang tumawa nang uminom sya ng tubig.
“Tayo na lang kaya?” Ani Hypatia at nabulunan sa iniinom nyang tubig. “Ha? T-tayo na lang?” Tanong ni Kyu habang hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ni Hypatia. “Oo, like tayo na lang mag-partner sa music project, I mean wala ka pa namang partner sa project diba?” Pagtatakang tanong ni Hypatia.
“Ah, oo. Wala pa,” tugon ni Kyu at tumawa ng bahagya. Nanliit ang mata ni Hypatia at narealize na may ibang naisip si Kyu. “Wait, teka nga. Iba ata inakala mo sa sinabi ko kanina eh, inuuto mo ba ako, Kyu?” Pairap na sabi ni Hypatia. “Hoy, hindi ah. Nag-aassume ka na naman, Pat.” Pagdeny ni Kyu.
“Tigilan mo nga ako, Kyu. Papayag ka ba o hindi?” Inis na sambit ni Hypatia. “Sige na nga, nagtatampo na naman ang bebe ko. Hali ka na, kamahalan,” pang-aasar ni Kyu kay Hypatia. “Papayag ka naman pala at tigilan mo nga ako. Kung ayaw mong makatikim ng suntok at sipa ko, Kyu.” Tugon ni Hypatia habang naka-punch motion at tinarayan si Kyu.
“Tara na, kamahalan. Magpa-practice pa tayo,” ani Kyu at hinila si Hypatia papunta sa cafe sa labas ng campus.
![](https://img.wattpad.com/cover/329513194-288-k348426.jpg)
BINABASA MO ANG
Detective's Duties
Mystère / ThrillerA bunch of senior high school students who ended up solving crime cases. They are unaware of the tragedies and dangers that will come their way to destroy them. Will they make it out alive? Who knows.