Tinignan ko agad kung may nagtext. Hmm. So, meron ngang nagtext. Siya! Siya nga! HAHAHAHA.
"Sige, welcome. :))"
Halaaa. Reply agad ako syempre.
"Kakauwi mo pa lang?"
HAHAHAHA. Wow ah. Daig ko pa ang nanay niya.
"Oo eh. May pinuntahan pa kame."
Ay. Kaya pala.
>.< Nahihilo ako.
"Uy? Mtutulog nako ah? Gd'Night."
Nireplyan ko pa din siya pra di niya masabi na tinulugan ko siya.
Bigla nalang talagang sumakit ang ulo ko. Parang binibiyak sa gitna. Nasusuka din ako. Ugh! Sakeeeet!
Humiga na lang ako. Hindi ko tinignan kung nagreply ba siya.
Masakit na talaga yung pakiramdam ko eh. Ayon, hanggang sa makatulog ako.
2:00 ng madaling araw, nagising ako. Sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Unbearable na yung saket. As in umiikot na talaga yung paningin ko na parang sirang TV yung paningin ko tapos sinabayan pa ng hilo.
Gising ako hanggang 4:00 pero nakahiga at nakapikit lang ako. Tapos hindi rin ako makatayo.
Bigla kong naalalang may gamot pala sa cabinet na malapit sa kama ko. So, kinapkap ko hanggang sa mahanap ko. Ininom ko yon kahit walang tubig.
After 1 hour, nakatulog ako.
Paggising ko, 1:00 na pala. Wow. Medyo nahihilo pa din ako. Tapis nanghihina yung katawan ko na parang pagod na pagod ako kagabi.
BINABASA MO ANG
How Little Things Become Special
RomanceAlam mo 'yung feeling na, "Wow. Teka. Hindi naman kame ah." 'Yung feeling na, "Seryoso ba 'tong taong 'to?" 'Yung bigla mo'ng masasabi sa sarili mo'ng, "Okay lang 'to. Basta mahal ko." 'Yung pagkakataong, hindi mo alam kung kikiligin ka ba o ano. '...