Natapos na 'yung first week ng pasukan. Start na talaga ng klase. Discussion, quiz, homeworks, seatwork. And'yan na ang mga 'yan. STRESS na talaga. E'to na, papasok na 'ko sa room. Medyo late na 'kong pumasok pero wala pa 'yung adviser namin. At dahil, wala pa 'yung adviser namin, may nagbabantay na isang student council samin. Hmmm. Gwapo. Matangkad. Mukhang matalino. Mukhang mabaet. PERO mukhang napakaseryoso. Marunong ba'ng tumawa 'tong taong 'to? HAHA.
"Pssst." tawag ko kay Cheska.
"Oh? Baket?" tanong niya.
"Kilala mo siya?" bulong ko.
"Ah. Oo. Si Kuya Algreen." sagot niya.
"Algreen? Ang weird ng name ah." sagot ko.
"Bakit mo natanong?"
"Wala lang. Ang angas ng dating eh." sagot ko.
"Crush mo na?" sabi niya.
"HAHAHA! Crush? Adik!" sagot ko. Pero kinikilig ako!
"Gwapo naman eh. Mabait pa 'yan. Matalino pa!" dagdag pa niya.
"Oh? So, tama pala 'yung impressions ko." sagot ko.
"Ano ba 'yung impressions mo sa kanya?"
"Matalino, mabaet, responsable tska napaka-seryoso niya eh, no?" sabi ko. Gosh. Nanlalamig na nag-iinit na 'yung pakiramdam ko. HAHA.
"Alululu. Bat kinikilig ka muna?" tanong niya bigla. Ewan ko ba bat kinikilig ako.
"Kinikilig? Hindi kaya!" sagot ko. HAHA. Oo, kinikilig ako! >.<
Grabe. Halos 1 week din s'yang nagbabantay sa classroom namen. So, inaagahan ko 'yung pagdating para makita ko siya ng matagal. Nakaka-gana kasi siya eh. 'Yung tipong, umaga palang masaya ka na tapos nabubuhayan ka. Hindi ko natiis, kinuha ko 'yung # niya dun sa student council na ka-year level namin. And yes, binigay niya.
I texted him pagkauwi ko.
Hi. Gd'Evening. -Sabrina Sinamban :)
I never expected na magrereply siya. And, hindi nga siya nagreply. Okay lang, sino ba naman si Sabrina Sinamban para replyan niya, diba? Pero, okay lang. I won't give up. HAHA. Umpisa palang ng laban 'to, kaya keri lang kahit ganito.
.
.
.
.
Ilang months na rin ang nakaraan mula nu'ng huli ko s'yang itext. Nakakawalang gana kasi s'yang itext kung hindi naman siya nagrereply, para lang akong tanga kaya kinukuha ko na lang sa pasulyap sulyap ko sa kanya during lunch time.
"Sab, birthday ni Papa Algreen mo ngayon!" sigaw ni Cindy. Papa talaga? Adik lang eh.
"Oh? Talaga? Yess!" sigaw ko.
"Ano'ng meron? Wag mong sabihing kakausapin mo s'ya? FC lang 'te?" sagot niya.
"Duh! Hinde no. Itetext ko lang." sagot ko.
Pagkauwi ko, tinext ko siya agad.
Happy Birthday Kuya Algreen. More birthdays to come!
Tuwang tuwa ako nung ginreet ko siya. Ewan ko kung bakit pero natutuwa talaga ako. Maya-maya, umilaw bigla 'yung phone ko. Nung pagkatingin ko sa pangalan, bigla kong nakita 'yung
Kuya Algreen <3
Salamat!
Yes! Yes! Yes! Nagreply na siya! Grabe! Ang saya ko, sobraaaa. Hindi ko maipaliwanag 'yung feelings ko. Gusto ko na ngang magtatalon eh! Iba kasi 'yung feeling pag nireplyan ka ng crush mo eh. Wait, did i say CRUSH? So, crush ko na nga siya? For real? Gosh. Hahaha. Actually, hindi siya 'yung tipo kong lalake. Pero he's kin'da, cute naman and I know na kahit hindi siya 'yung tipo 'kong lalaki, he's still my inspiration. Wait, I need to reply. Ano? Ano na'ng sasabihin ko sa kanya? Ano'ng irereply ko? Anghirap naman eh. Magpapaka-FC nalang ako. HAHA.
BINABASA MO ANG
How Little Things Become Special
RomanceAlam mo 'yung feeling na, "Wow. Teka. Hindi naman kame ah." 'Yung feeling na, "Seryoso ba 'tong taong 'to?" 'Yung bigla mo'ng masasabi sa sarili mo'ng, "Okay lang 'to. Basta mahal ko." 'Yung pagkakataong, hindi mo alam kung kikiligin ka ba o ano. '...