PROLOGUE

144 12 8
                                    

PROLOGUE

"Mas maganda siguro kung dun ka nalang sa ama mo," sabi ni Mommy sa akin. "Wala kang ginawa dito kung hindi problema. Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo? Hindi ka man lang ba nahihiya sa tito mo? Hinayaan ka na niyang tumira dito tapos ganyan ang gagawin mo?" 
 
"Sinabi ko ba na patuluyin niyo ako dito?" Bastos na tanong ko sa kanya.
 
Sana sumama nalang ako kay Daddy. Hindi niya ako mahal. Hindi niya ako minahal. 
 
"Aba't! Mana ka talaga sa tatay mong walang kwenta!" Sigaw ni Mommy sa akin.
 
Matagal na akong nagtitimpi. Matagal na akong nagtitiis.
 
"Si Daddy? Walang kwenta? MAS WALA LANG KWENTA! Anak mo ako, Mommy pero nang dumating yang si Phercyll nawala na ako. Iniwan mo si daddy dahil diyan sa asawa mo ngayon. Mommy, pamilya mo kami eh. Pamilya tayo pero bakit sinira mo? Kaya huwag mo akong sisihin na nagka ganito ako 'cause you made me like this." Sabi ko bago siya tinalikuran. 
 
Umakyat ako sa kwarto ko to pack my things. Kay Dad nalang ako. Hindi niya ako ginaganito. Lagi niyang pinaparamdam na mahal niya ako.
 
When I heard my phone ring, I picked it up, dahil alam kong si Daddy yun.
 
"Zehannah..." Sambit ni Daddy.
 
"Dad picked me here. I don't want to be here anymore. I'm sorry if I chose Mom instead of you." 
 
"Bakit sinagot mo yung mommy mo ng ganon?" He asked me softly.
 
"She said katulad mo raw ako na walang kwenta." Sabi ko. Aaminin kong nasaktan ako dun. "Dad, it hurts." Nag umpisang tumulo ang luha ko. 
 
"I'll pick you up there. Just wait for me, baby. I love you. I love you so much." Mas naiyak ako sa sinabi na yun ni Daddy. Lagi niyang sinasabi at pinaparamdam na mahal niya ako.
 
"I love you too, Dad. So much," sabi ko. 
 
"Wait for me." Sabi niya bago ibaba ang tawag.
 
Habang nag-iimpake ako nakita ko ang picture namin. 'yung mga panahon na buo pa kami. Yung mga panahon na mahal pa nila ang isa't isa.
 
I was loved by them so much. And it's freaking hurt when Mom told me that she's going to divorce my dad because she doesn't love him anymore.
 
Hindi ko alam sasabihin ko at that time kasi matapos niyang sabihin ang salitang divorce ay dinurog ako. 
 
Pinili kong iwanan ang picture frame doon at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko.
 
My phone beeps. It's dad.
 
 
Daddy: I'm already here, baby. 
 
I replied immediately.
 
Me: Pababa na ako, Dad.
 
Kinuha ko ang dalawang maleta ko at isang bag pack at yung isang sling bag ko bago bumaba. 
 
Nakita ko agad si Mommy. Mukhang gulat dahil dala dala ko na ang mga gamit ko.
 
"Where are you going?" Tanong niya. Natataranta.
 
"I'm going to live with my dad," sabi Ko. Aalis na sana pero pinigilan niya ako.
 
"I'm sorry, baby. Nasabi ko lang yun dahil hindi na ko natutuwa sa mga ginagawa mo. Since nang nag divorce kami ng dad mo lagi kang ganyan. I love you,baby. I'm sorry if mommy said that to you." Umiiyak na sabi ni Mommy. "Please. Don't leave Mommy here." 
 
"Sana inisip mo, Mommy ang nararamdaman ko bago ka magbitaw ng salita. Aalis na ako rito, Mom dahil kahit minsan hindi ko naramdaman na welcome ako rito. It doesn't feel like home.". Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "I love you, Mommy. So much. And it hurts like hell when you said those words earlier." 
 
"I'm sorry." Nakayuko na wika ni Mommy.
 
"Take care of Perchyll. Love her the way you love me before and don't hurt her the way you hurt me. That's all I asked," sabi ko bago siya talikuran.
 
Pagkalabas ko ay agad akong sinalubong ni Daddy. Umiiyak akong yumakap sa kanya.
 
"Ang sakit, Daddy..." Umiiyak na bulong ko habang nakayakap ako sa kanya.
 
"I'm sorry." Hinalikan niya ang noo ko.
 
Laging nagsosorry si Dad simula na
ng nag divorce sila. Hindi naman niya kasalanan. Nagmakaawa siya kay Mommy, pero desidido talaga si Mommy.
 
I was just 10 years old that time nung nag divorce sina Mom at Dad. I was 13 when Mom got married again, but Dad stayed single. I was 15 when Phercyll exists.
 
Ang pagbabarkada ko. Ang pag-uwi ng late. Ang pagsagot ko sa kanila. Ang hindi pagseryoso sa pag-aaral. Ang pakikipag away ko.
 
Dahil dito pinaramdam sa 'kin ni Mommy na hindi niya ako anak. Dito ko naramdaman na nakalimutan na ako ni Mommy.
 
Nasa kotse na kami ngayon at pauwi na ng probinsya. My dad is the governor of our province. 
 
"Are you hungry, Zehannah?" Tanong ni Daddy sa akin. 
 
"Yes, dad," sabi ko. Wala pa akong kain.
 
"What do you want to eat? Saan restaurant?" Tanong niya pa.
 
"Drive through na lang, Dad. I know you are tired. Matagal ang byahe mo," sabi ko.
 
Nag drive-through na lang kami. Lumipat na ako sa front seat dali maalog na sa likod.
 
"Put your seatbelt on," sabi ni Daddy. Sinuot ka muna bago siya mag drive.
 
We took 8 hours. Doon ko lang napansin na hindi pa pala ako kumain maghapon. It's already midnight, nang kumain ako.
 
Nang makita ko ang pamilyar na mga puno ay alam kong nasa probinsya na kami.
 
Pinagbuksan kami ng gate ng isa sa bodyguard ni Daddy. Unang bumaba si Daddy bago ako pagbukas ng pinto ng kotse.
 
Binitbit ng bodyguard ang mga gamit ko. 
 
"Pinaayos ko na ang kwarto mo. It's already 6 a.m, so you should sleep and take a rest. We will talk later." Sabi ni Daddy. Tumango ako bago na unang pumasok ng bahay.
 
I miss this house. This house used to be my home. With Daddy and Mommy.
 
Umakyat ako sa kwarto ko at hindi na pinansin ang mga pagbabago nito. Nahiga na lang.
 
Tiningnan ko ang phone ko ng maramdaman ang pag vibrate nito.
 
I just got a text from Mom. 
 
Mommy: Are you home already? I miss you and I'm sorry, anak.
 
Me: I'm already here at Dad's house. I'm going to sleep. Don't be sorry. Take care of yourself, and take care of Phercyll.
 
Nakatulog na agad ako. 
 
It's already 3 p.m., nang nagising ako. Naligo ako bago bumaba. 
 
"Hija, gising ka na. Halika at kumain ka na. Hinihintay ka kanina pa ng Daddy mo." 
 
"Maya na po ako kakain. Kakausapin ko na lang po muna si Dad bago kumain." Sabi ko.
 
"Ganun ba? O, sige."
 
Nagpunta ako sa labas dahil nandun daw si Daddy may kinakausap.
 
"Dad." Tawag ko sa kanya ng makita ko siya. Lumingon naman siya kaagad, pero ang nakakuha ng atensyon ko ang lalaking may kakaibang tingin sa'kin.
 
Who is he?
 
"Uh, sige na, Judeus. I will talk to my daughter." Paalam ni Dad. Tumango lang ang lalaki at malalim na tumingin muli sa akin. Nagulat ako dahil sa isang pagkurap ko lamang ay wala na agad siya.
 
Inikot ko ang aking paningin, pero hindi ko na talaga siya nakita.
 
Who the hell is he?

Vampires AffectionWhere stories live. Discover now