CHAPTER 22

53 3 10
                                    

CHAPTER 22

"Zehannah! You're home." Bungad ni Mommy. She's still here?

Hindi ko na siya pinansin. Aakyat na sana ako nang magsalita siya.

"Whether you like it or not, babalik tayo sa Manila," Sabi ni Mommy.

I look at her. "Just give me a year or two, Mom. Tatapusin ko lang ang pag-aaral ko rito," sabi ko. Sumang-ayon naman siya kaagad.

"Okay. That's a deal."

Hindi nama talaga ang pag-aaral ang pakay ko rito. Gusto ko na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga tao, ang pagkamatay ni Daddy.

Umakyat na kaagad ako. Dumiretso ako sa kwarto ko para maligo bago magpunta sa kwarto ni Daddy. Pagkabukas ko ng kwarto niya ay ang amoy niya ang nalanghap ako.

"Daddy..." I look around to look for him. Nadisappoint lamang ako. I know it's impossible to see him or even think that he's alive.

Dumiretso agad ako sa kanyang office table. Alam kong may alam siya tungkol sa animal attack na ito.

"Ano 'to?" Tanong ko sa aking sarili. May isang hindi kalakihang box dito na gawa sa kahoy. Bubuksan ko na sana ngunit kailangan ng susi. Kakaibang susi ang kailangan dito. Sobrang laki nito kaysa sa ordinaryong mga susi.

Nag umpisa akong maghanap ng susi. Sa mga drawer niya dito sa kwarto ngunit wala akong nakita. Gusto ko nang sumuko.

Inabot ako ng 3am sa paghahanap ngunit, wala talaga akong makita, kaya bumalik na ako sa kwarto ko. Kailangan ko nang matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas.

Na-late ako nang gising, kaya nagmamadali na ako. Patakbo akong bumaba.

"Hija! Maghunos-dili ka. Baka maaksidente ka sa ginagawa mo." Narinig kong sigaw ni Manang, pero hindi ko na ito pinansin kasi late na talaga ako.

Nakita ko ang bodyguard ni Daddy. Pinagbuksan niya kaagad ako ng pinto ng kotse.

"Kuya, pabilisan po. Sobrang late na po ako. Major subject pa naman yung na skip ko ngayon," sabi ko driver, sobrang natataranta na ako.

"Ma'am, kapit po." Seryosong sabi bago pinaandar ng sobrang bilis yung kotse. Wala sa sariling napapikit ako at napahawak sa upuan.

Pagmulat ko nasa school na kami kaagad.

"Kuya." Nanghihina na tawag ko dito. "Sabi ko po ay bilisan niyo, hindi po patayin ako." Narinig ko pa ang pagtawa nito. "Bye, Kuya. Thank you po," sabi ko bago tumakbo papuntang room.

Wala sa sariling napaupo nang makita kong sarado na ang pinto. Kaya nag abang nalang akong matapos sa tabi ng pinto. Nakadikit ang tenga ko sa pinto para kahit papaano ay may alam ako sa tinuro ng terror na prof namin.

Pinagtitinginan ako ng ibang estudyante dito. Ang iba pa nga ay natatawa sa akin. Wala pong nakakatawa.

Nakadikit pa rin ang tenga ko sa pinto, kaya natumba ako ng magbukas iyon. Bumungad sa akin ang salubong na kilay ng prof namin. Masama ang tingin nito sa kin.

"Prof." Mahinang sabi ko.

"What are you doing, Ms. Variv?" Seryosong tanong nito sa akin.

Tumayo ako at yumuko sa harap niya. "Sorry, Prof." Mahinang sabi ko.

"I'm not asking for your apology, Ms. Variv." Sabi nito.

"May hinahanap lang ako kagabi, Prof.... Na-late lang po ako nang tulog kaya na-late po akong nagising. Sorry, Prof." sabi ko sa terror na 'to.

"One last time na mahuli ka ng ibang prof na hindi nakikinig. One last time na ma-late ka ulit ay mag drop ka na, Ms. Variv." After that, ay nilampasan na ako nito.

Nakayuko tuloy akong pumasok. Hindi ko napansin ang dinadaanan ko. Nauntog ako.

"Aray!" Pagdaing ko habang nakahawak sa ulo ko. Tiningnan ko iyon. Si Judeus. "Judeus..."

"Tss." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako. Pinaupo niya ako sa upuan ko. "Ano bang ginawa mo kagabi? Maaga kitang hinatid para makapagpahinga ka!" Pasigaw nitong sabi sa akin.

"I'm sorry. I'm just looking for something." Napayuko na sabi ko.

"Tsk. Susunduin na kita araw-araw para sabay tayong papasok. Naiintindihan mo ba ako, Zehannah?!" Malakas na sabi nito kaya tumango nalang ako. "Major subject pa talaga. Tsk. Tsk."

Dumating na din kaagad yung isa pa naming Prof para ngayong araw. Dalawang subject lang kami ngayon.

Lumipas ang isang oras mahigit ay natapos na rin.

"Kumain ka ka?" Judeus asked me.

"Hindi pa..." Nagdidilim na rin ang paningin ko. Hindi na ako masyadong nakakain. Tumayo ako napahawak sa desk ko. Sa sobrang dilim halos, wala na akong makita. Naramdaman ko ang panlalamig ng pawis, napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman na parang umiikot ang paligid ko. "Judeus." Bulong ko bago ako bumagsak.

"Zehannah!"

"Halaaaa!"

"Oh my gosh!"

"Help her!"

Ilan lang yan sa narinig ko. Naramdaman kong may bumuhat sa akin bago tuluyang nawala ang aking malay.

"Kulang lang siya sa pahinga. Hindi rin siya kumain at umiinom ng tubig at napakababa ng kanyang dugo." May mga narinig akong nagsasalita.

"Tsk. Tsk."

Gusto ko na sanang dumilat, pero hindi ko magawa.

"Is Zehannah okay?" Narinig ko ang boses ni Louiza.

"Yes. She just needs to rest." Sumagot si Judeus.

"Hmm..." Unti unti akong dumilat.

"Zehannah..." Narinig ko ang boses ni Louiza.

"Louiza." Umupo ako sa aking kinahihigaan.

Tinulungan kaagad ako ni Judeus.

"Bakit hindi ka kumakain at nagpapahinga ng maayos?" Tanong sa akin ni Louiza bago umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"I felt like, I need to do something about Dad's death." Nakayuko na sabi ko. "Nakakalimutan ko lang din naman."

"Don't forget about yourself, Zehannah." Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. "I'll help you, hmm..." I just nod at her.

Hindi ko alam biglang tumulo ang luha ko. Niyakap ako ni Louiza. "I miss him, Louiza." Umiiyak na sabi ko kay Zehannah.

"I also miss him. I miss Dad so much," Sabi Niya said while caressing my back. "Nandito lang ako. Nandito si Ate para sayo."

Binigyan nila ako ng pagkain. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na sa amin si Louiza.

"Pupunta ako sa inyo mamaya. I'll help you, okay?"

I smiled at her. "Thank you. Eat."

Nang makalabas si Louiza ay napatingin ako kay Judeus na masama ang tingin sa akin.

"What?" Tanong ko dito.

"What? Really?!" Pasigaw na sabi niya. "Zehannah, please take care of yourself."

"Sorry, huh! Kailangan ko lang gawin 'yon dahil gusto kong magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ni Daddy!" Sigaw ko sa kanya. Sigawan pala, edi bibigyan ko siya! Gusto kong isumbat sa kanya ang lahat!

"While sacrificing your health? Yourself?" Nagagalit na sigaw nito.

"Yes! I'm ready to sacrifice myself. Hindi ako titigil hanggang hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Daddy... ang pagkamatay ng ibang tao." Nagagalit kong sigaw.

"You think natutuwa ang Daddy mo sa ginagawa mo?" Medyo huminahon na ang boses nito.

"Bakit ka ba nagre-react ng ganyan?! Boyfriend lang naman kita! O siguro natatakot ka..." Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha sa sinabi ko. "Natatakot ka na malaman ko ang totoo kasi alam kong may alam ka."

"Zehannah..."

"Oo. Narinig ko kayo. What do you call him? Uhmm... Grand Elder, right?" Natatawang sabi ko. "Judeus, nang marinig ko yun ay para akong dinurog kasi yung lalaking mahal na mahal ko ay may alam sa pagkamatay ng tatay ko."

"I'm sorry." Nakayuko na sabi niya.

"Sorry? Maibabalik ba niyan ang buhay ni Daddy?" Sarkastiko na sabi ko. "Now! Tell me, ikaw ba ang pumatay kay Daddy? Kayong mga bampira ba ang pumatay sa mga walang muwang na tao? Akala ko ba hindi kayo pumapatay ng tao kasi minsan na rin kayong naging tao?"

"Zehannah..."

"Hindi ka sasagot? Hindi mo sasabihin ang totoo?" Sigaw ko sa kanya. Tumayo na ako. Nanatili pa rin siyang tahimik.

"Then let's break up, Judeus."

Vampires AffectionWhere stories live. Discover now