CHAPTER 23

50 3 15
                                    

CHAPTER 23

"Zehannah..."

"Hindi ka sasagot? Hindi mo sasabihin ang totoo?" Sigaw ko sa kanya. Tumayo na ako. Nanatili pa rin siyang tahimik.

"Then let's break up, Judeus."

"Zehannah." Narinig ko ang kanyang pagtawag sa akin. Humarap ako sa kanya.

"Ano? Aamin ka na? Sasabihin mo na ang totoo?" I asked him.

"Please, let's not talk about that here." Mahinang sabi niya.

"Okay. Let's talk about this outside. Sundan mo ako," sabi ko at tinalikuran na siya. Nagpunta muli ako sa kakahuyan sa likod ng university.

"Go on. I'm listening," sabi ko bago siya hinarap. Nakita ko ang lungkot sa kanya ngunit, hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Alam kong lalambot ako.

"I'm sorry..."

Naiinis kong sinabunutan ang sarili ko. "That's not what I am asking for!" Sigaw ko. "I'm asking you- Ikaw ba o may kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Daddy?"

"Hindi ako." Bulong niya. Kung hindi siya, sino?!

"Kung hindi ikaw-Sino? Sabihin mo sa akin kung sino?!" Sigaw ko sa kanya. Unti unti nang tumulo ang mga luha.

I felt relief nang malaman ko na hindi siya. Hindi ang lalaking mahal ko ang pumatay sa daddy ko.

"Y-yung..." Nanginginig ang boses niya. "I'm sorry, Zehannah, but I can't."

"You can't?! Bakit? Bakit hindi mo masabi sa akin? Nanay mo ba? Tatay mo? Kapatid mo? SINO, JUDEUS!?" Nagagalit na sigaw ko sa kanya at hinampas hampas ang kanyang dibdib.

"Go on. Hurt me all you want. I deserve this." Patuloy ko siyang hinampas at tinulak.

"Tell it to me, please." Nilagay ko na ang ulo sa kanyang dibdib.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "I'm sorry. This is for your own sake."

"Please..." Tinulak ko na muli siya. "SABIHIN MO! KUNG AYAW MO EDI WAG! AKO ANG GAGAWA NG PARAAN PARA MAHANAP AT MAKILALA ANG PUMATAY SA TATAY KO!" Sigaw mo sa kanya at tinalikuran na siya akmang aalis na pero niyakap niya muli ako.

"Papatayin ka niya kapag sinabi ko sa'yo." Bulong niya sa leeg ko. "Mahal na mahal kita, Zehannah, hindi ko kayang mawala ka."

"Judeus..."

"Maybe you're right. We should break up." Hinarap niya ako sa kanya. "Sapat na siguro ang minahal natin ang isa't isa."

I felt my heart turn into pieces. He's the one who's breaking up with me now.

"Always remember na mahal na mahal kita, Zehannah at hindi na magbabago yun. Mas gugustuhin kong mabuhay ng wala ka sa tabi ko kaysa mabuhay ng wala ka rito sa mundong 'to."

"J-judeus..." He's breaking up with me.

"I love you, my love, and I will always will," sabi niya bago ako halikan. Halik na alam kong huli na.

In just a blink, hindi ko na matanaw pa siya. Iniwan na niya ako. Wala sa sariling napaupo ako sa mga tuyong dahon.

Iniwan na niya ako.

"J-judeus..." Umiiyak na sambit ko. "Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang tanging lalaking mamahalin ko."

Iniwan na ako ng dalawang lalaki na mahal na mahal ko.

Hindi ko alam na kung ilang oras akong nakaupo at umiiyak. Nakita ko lamang na madilim na.

Bumalik ako sa university at nakita ko sila Louiza at Jasper na nandito pa rin.

"Zehannah!" Narinig kong sigaw nila. They're looking for me. "Where the hell are you?" said Sigaw Ni Louiza. Nakita kong bitbit ni Jasper ang gamit ko habang na kay Louiza ang cellphone ko.

"Ate..." Mahinang tawag ko dito habang lumuluha. Nanghihina na ako.

"Zehannah!" Gulat na tawag sa akin nito. Nang makalapit ito sa akin ay parang nawalan ako ng lakas. Napaupo ako sahig at umiiyak. "Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo?"

"W-wala n-na..." Nahihirapan na sambit ko. Napahawak ako sa dibdib ko.

Nataranta naman kaagad si Louiza. "Iyung inhaler mo nasaan?"

Nakahawak ako sa dibdib ko nang nararamdaman kong sumisikip na ito. "S-sa... b-bag..."

Nagdidilim na ang paningin ko dahil sobrang kinakapos na ako ng hininga. Binigay kaagad sa akin ni Louiza ang inhaler ko.

"Jasper! Help her. Kailangan na natin siya mauwi." Naramdaman ko ang pagbuhat sa akin ni Jasper bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Nagising ako nang maramdaman kong may nagpupunas sa aking braso. Unti unti kong minulat ang mata ko. Si Louiza.

"A-ate..." Nanghihina na sabi ko.

"Rest, Zehannah. Napakataas ng lagnat mo." Sabi niya at patuloy akong pinunasan.

"Si Judeus, iniwan na niya ako." Umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Don't think of him, even just for now. You need to take care of yourself."

"Iniwan na niya ako."

"Shh. Rest, Zehannah."

Nakatulog din kaagad ako.

"I'm sorry, my love. Now you're hurting because of me. Sorry kung na takot ako. Ayoko lang na mawala ka. Gaya ng pangako ko kay Gov ay poprotektahan pa rin kita hanggang sa huling hininga ko. Patawarin mo ako, mahal ko." I suddenly felt a lip on my forehead and on my lips. "Mahal kita. Lagi mong tatandaan yan."

Gusto kong imulat ang mata ko, pero hindi ko magawa. Sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko.

Nagising nalang ako nang makaramdam ako ng gutom. I look at the clock; it's already 9 in the morning. Hindi na ako nakapasok.

Babangon na sana ako nang makita ko ang isang stuffed toy. It's Dracula from the movie Hotel Transylvania.

There's a note on it. 'Maybe this stuffed toy will remind you of me. I love you, my love.'

Niyakap ko ito at naamoy kong ang amoy niya dito.

"Judeus." Hinigpitan ko ang yakap ko sa stuffed toy. "I will always love you, and I'm sorry for not trusting you."

Ibinalik ko sa kama ko ang stuffed toy. Bago nagpalit ng damit. Bumaba na ako, nakita ko kaagad si Manang na naghahanda ng pagkain.

"Zehannah!" Gulat na sabi niya. Lumapit ito sa akin bago hawakan ang pisngi ko. "Okay, ka na ba?"

Instead, na sumagot ay niyakap ko si Manang. "Manang..." Umiiyak na bulong ko rito.

"Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, hija ay malalampasan mo rin yan. Tiwala ka lang sa sarili mo. Lagi mong tatandaan na walang ibinibigay ang Diyos na pagsubok kung alam niyang hindi mo iyon kaya."

"Iniwan na niya ako, Manang..."

"Shhh, ginawa niya lang iyun para sa'yo, hija. Mahal na mahal ka ng batang iyon."

"Mahal na mahal ko rin siya, Manang. Hindi ko na alam kung kaya ko pa ba ng wala siya."

"Tama na ang iyak, hija. Kumain ka na. Kailangan sarili mo naman ang alagaan mo."

Pinaghanda niya ako ng pagkain. Kumain na rin ako dahil nagaalala na din si Manang sa akin.

"Manang, sa labas lang po ako. Magpapahangin lang."

Naupo ako sa isang bench na nakakapag paalala sa akin kay Judeus.

I looked at Judeus, who's still looking at me. "Hindi ka pa aalis?" I ask him.

"Pwedeng kahit 10 minutes?" Tanong niya.

"10 minutes?" I asked him.

"10 more minutes with you," sabi niya. Umupo kami sa isang bench dito sa labas ng bahay namin.

"10 more minutes with me-starts now." After kong sabihin, yun ay biglang niyang inihilig ang kanyang ulo sa aking balikat. "Are you okay?" I asked him.

"I'm jealous," Judeus said.

"Why?"

"You became close to Jasper earlier." he added.

"So, Judeus is the one who's jealous." Pang aasar ko sa kanya. "Seloso ka pala HAHAHAHAHA. Si Judeus seloso." Patuloy na pang aasar ko dito.

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Para siyang bulkan na sumabog.

"I love you; that's why I'm jealous!" Sigaw niya. "I love you! I love you so damn much, and I can't stop loving you."



And I can't stop myself from loving you, Judeus. Sana sa ibang panahon at sa ibang pagkakataon ay pwede na tayo.

Vampires AffectionWhere stories live. Discover now