PROLOGUE

29 2 0
                                    

"Kalayaan." ani ng isang tinig at ang mata'y tila nananambik sa pagkamit.

"Ayan ba ang iyong ninanais? Ang Kalayaan na matagal na nating inaasam? Hijo, hindi ba't napakataas naman ng iyong pangarap?" ang matanda'y hindi makapaniwala sa narinig at ito'y naging dahilan ng pagsimsim niya sa kapeng may nakakasulasok na amoy.

Tumingin ang binata sa matanda at unti-unting lumapit sa luklukan para ipatong ang dalawang kamay.

"Masiyado po bang mataas? Hindi ba't akma lamang na taasan ko ang pangarap ko para sa magandang kinabukasan ko. Kung tutuusin mas matanda ho kayo sa akin ngunit nasaan pa rin tayo ngayon?"

Mariing tumitig ang matanda sa binata at siya'y napaisip-isip na ang binatang ito ay nag-iisa. Walang sinuman ang may nais na lumaban ngunit ang kaniyang kaharap ay determinadong makipaglaban.

Kaya naman sa paglipas ng ilang minutong katahimikan ang matanda'y mahinang tumawa at taas noong tiningnan ang binata.

"Ngunit, iho. Nakamit mo na ang kalayaan matagal ng panahon ang lumipas."

Kumunot ang noo ng binata at sinabing, "Hindi ko po maintindihan ang iyong sinasabi, paano niyo po nasabi na nakamit ko na ang kalayaan kung ang nasa paligid ko'y mga kapwa ko Pilipino na naghihirap at nagdudurusa. Kapwa ko Pilipino na namamatay dahil sa pang-aabuso at karahasan."

Ang matanda'y hindi nagsalita at tumitig lang sa binata.

Ang binatang gulong gulo ay nagsalita at sinabing, "Nais ko po ninyong ipaliwa-

"Ahh!" Isang alingawngaw ang nakapagpatigil sa binata.

"Ayan ba ang sinasabi niyong nakamit na ang kalayaan! Ang mga boses na laging umaalingawngaw sa bawat araw. Ang mga daing at iyak na halos pare-pareho ang mga tunog. Ayan ba?!" at hinablot ng binata ang kuwelyo ng matanda.

"Hindi niyo naiintindihan ang ninanais ko sapagka't hindi niyo hinangad ito." ani ng binatang namumula na ang mga matang may galit at poot.

Hinawakan ng matanda ang kamay ng binata at siyang nagpakalma dito. Iwinaksi naman ng binata ang kamay ng matanda at siya'y lumapit sa bintana.

"Ikaw mismo ang nagturo sa amin nito, iho. Alam kong naguguluhan ka ngunit hinangad ko rin ang kalayaan, hinangad namin ang kalayaan, dahil sa'yo."

Ang naguguluhang binata ay muling tumingin sa matanda na ngayo'y may ngiti sa mukha at sinabing...

"Buksan mo ang iyong mga mata..."

"Pepe..."

Unti-unting dumilim ang paligid at sa pagdilat ay isang nakakasilaw na liwanag ang lumantad.

Ang kaniyang mata'y ngayo'y bukas na at isang pamilyar na lenggwahe ang sumalubong sa kanya.

"Good afternoon Philippines! I am Andea Obra and you're watching BCEN News Today! Bringing you the hottest, and the latest, news on the planet! Today is June 19, 2017 and bringing you this hot topic.

"Elderly groups back Sen. Bam's bill creates a commission for senior citizens. Different senior citizens organizations have expressed support for the passage of Sen. Bam Aquino's measure seeks to create a National Commission for Senior Citizens (NCSC) to ensure that rights and privileges they are entitled to are properly given to them. Sen. Bam also said, "If we have one for the youth, we should definitely have one for senior citizens as acknowledgement of their contribution to the growth and progress of the country and As a national agency, the NCSC will formulate and implement policies, plans, and programs that promote senior rights and privileges or address issues plaguing the sector."

"Nasaan ako?" ang unang sinabi ni Pepe. Itinaas niya ang kaniyang kamay at nakita niyang nasa ospital siya. Inilibot niya ang kaniyang nagtatakang mata sa mga gamit na nasa silid dahil sa kakaibang hugis at kulay ng mga ito. Siya lang ang naroon sa silid kaya nama'y sinubukan niyang bumangon at doon rin niya napagtantong nakabenda ang kaniyang ulo.

Habang sinusubukang tumayo ay bumukas ang pintuan at tumambad ang isang babae at lalaki na may gulat sa mukha.

"Dad, he's awake. Call the doctors." ani ng babae na may luha sa mukha.

"Dad! Please call the doctors."

Lumabas ang lalaki at naiwan ang babae na ngayon ang humahagulgol na. Unti-unti siyang nilapitan nito at niyakap ng mahigpit.

"You came back, Jose."



BLOODYJOSE I B.J.

NOTE: UPDATES ARE EVERYDAY AND IT WILL RANGE 2 CHAPTERS PER DAY. 

KundilatWhere stories live. Discover now