Ang Dayo sa aming Bayan
Biglang niluwa si inay sa pinto ng aming bahay habang bakas sa kanyang mga mukha ang matinding pag-alala. Nung nakita niya akong nakatayo dito sa labas ay agaran siyang napatakbo sa pwesto ko at dinamba ako ng mahigpit na yakap sabay hagulgol ng iyak sa aking balikat.
"Saan ka galing bata ka! Hindi mo ba alam na labis kaming nag-alala ng itay mo sayo? Paano na lang kung kabilang ka sa dalawang natagpuang wakwak ang laman sa dalampasigan kagabi!!! Ano sa tingin mo maramdaman namin ha! Pasaway ka talagang bata ka."
Mahabang pangaral ni Inay sa akin, gulat akong napatingin sa kanya. "Ano pong ibig sabihin niyong wakwak ang dalawa! May namatay ba ma?" Talbog ang puso ko sa sobrang kaba, kulang nalang ay lalabas sa aking nagkakarerang dibdib. Kumalas si Inay sa akin at marahang hinaplos ang aking mukha.
"O-oo anak, may dalawang dalaga na patay kagabi. N-natagpuan sa dalampasigan."
Natutop ko ang aking bibig at tiningnan ang aking sarili. Hindi ko talaga matandaan kung saan ako galing kagabi. Ang huli kong naalala ay ang pauwi na ako sa bahay, yun lang at wala ng iba bukod sa pag labas ng gate.
Umakyat agad ako sa kwarto at pumunta sa banyo, sabi ni inay sa akin mag luto raw muna siya at nang makakain na ako ng pananghalian. Pumunta ako sa banyo saka doon nag babad sa bathtub ng aking aking katawan. Malalim ang aking pag-iisip hanggang sa hindi ko namalayan ako'y nakaidlip.
Takbo ako ng takbo habang hinahabol ng halimaw sa aking likuran hanggang sa may nakita akong isang sanggol na naglalakad papunta rin sa direksyon kung nasan ang nilalang. Hindi ko maaninag ito dahil medyo may kalayuan siya sa akin pero kitang kita ko kung gaano siya kalaki. Subalit bigla akong nanginig sa takot ng maaninagan ko ang kabuuang anyo at ang nag aalab niyang mga mata na parang galing sa hukay ng impyerno.
Hinahabol ko ang aking hininga habang dumagondong sa kabog ang aking dibdib. Nakakatakot, yun ang unang nasagi sa aking isip. Panaginip lang ba iyon?
"Anak lumabas kana diyan at tinawag kana ng inay mo! Kumain kana sa baba."
Nagawi ang aking atensyon sa pinto ng tinawag ako ni itay. Nagmamadali akong umahon sa bathtub at sinuot ang damit na nakahanda na. Bumaba ako at umupo sa lamesa, amoy na amoy ko ang nilutong ulam ni inay. Takam na takam ako, napansin ko rin si itay na parang sarap na sarap sa niluto ni inay na kare kare. Ngayon ko lang nakita si itay na ganyan kagana kumain.
"Oh anak, kumain kana. Pakabusog ka ha!"
Malamyos na tugon ni inay sa akin habang pinaghainan niya pa ako ng kanin at karekare.
Sarap na sarap ako sa nilutong karekare ni inay, hanggang sa ako'y napahinto ng may mahagip ang aking dila. Dinahan dahan kong kinuha sa aking bibig at saka ito tiningnan nang may pagtataka, hindi ata nahiwa ni inay ng maayos kaya meron pang malaking hiwa ang naiwan. Nung una akala ko isang karne pero nang titigan ko ito ng maigi halos maduwal at bumaliktad yung sikmura ko sa aking nakita. Tumakbo ako sa lababo at doon sinuka lahat ang aking kinain.
Diring dire ako sa aking nakita. M-may daliri. Panigurado akong daliri iyon ng tao, may nakain pa akong kuko. Sumuka ako ulit sa lababo.Nahinto ako ng may narinig akong kalabog sa itaas at ang pagmamadali nitong pagbaba sa hagdan. Mabilis kong inayos ang aking sarili. "Anak! Anyari sayo, ok kalang?" Bungad ng aking ina sa pinto.
"O-ok lang po ako ma! S-siguro nanibago lang ako sa karekare at ngayon lang ulit nakakain. Huwag ka po mag-alala at okay napo ako!"
Pilit akong ngumite kay inay. Para na akong mababaliw sa kakaisip. Medyo may kutob ako na hindi ko gustong malaman. Nag umpisa na akong gapangan ng kaba, pero hindi ko pinahalata kay Inay at umaaktong walang alam.
"Oh siya sige at ako na ang magligpit doon, pumanhik kana sa kwarto mo at maaga pa pasok mo bukas."
Umalis siya agad at niligpit ng mabilis ang mga pinggan na pinagkainan namin ni itay kanina. Naunsa kasi si itay matapos kaya hindi niya ako nakitang nagsusuka sa lababo kapag nagkataon na nakita niya ako paniguradong magtataka yun.
Pumanhik ako sa aking silid at tahimik na kinandado ang pinto, sobrang tahimik ng paligid, pati kuliglig ay naririnig ko sa paligid. Maaga ngayon pero nagtaka ako kung bakit pinapaakyat na ako ni Inay dito sa aking kwarto na dati rati'y nagri ronda pa ako dyan sa bakuran para mandilig ng halaman. Kakaiba ang kinikilos ng aking magulang ngayon. Kaarawan ko pa naman ngayong darating na biyernes Santo. Humiga na lamang ako at marahang pinikit ang aking mga mata hanggang sa dinapuan ako ng antok.
Nagising na lamang ako dahil sa tahol ng aso sa aming kapitbahay. Bumalikwas ako ng bangon at sumilip sa bintana. Nilibot ko ang aking paningin pero wala namang ka tao tao sa bahay ng aming kapitbahay, pwera lang sa aso nila na halatang sobrang galit at parang may inuusig sa palikuran ng bahay.
Kumunot ang aking noo, may naaninag akong tao. Mabilis itong gumalaw.
Hanggang sa gumapang ito paitas ng bahay, namilog ang aking mata, aswang. Yun ang mga salita na maihahambing sa aking nakita at panigurado akong babae ito dahil sa kanyang pananamit. Hindi pa ako naka hulma sa pagka gulat ng may isa na namang lumabas mula sa damuhan at tumakbo sa palikuran.
Sinarado ko ang bintana, at tinakpan ko ng makapal na kurtina, aswang nga ang mga iyon. Pero nakakapagtaka kung bakit sa kapit bahay namin ang kanilang inatake. Dumausdos ang aking katawan sa higaan, gusto kong mag sumbong kina inay at itay pero paniniwalaan kaya nila ako?
Nag research ako sa google kung ano ang pinakamabisang pangontra sa aswang, lumabas doon ang dalawang bagay na makakatulong sa pagpaslang sa nasabing aswang. Bawang at buntot pagi ang aking nakita.
Sabi pa sa naturang albularyo sa video ay isabit ang bawang sa pinto at sa mga bintana na maaaring pasukan ng mga ito. Kung may Asin ay mas mainam raw dahil ito rin ang gawing pang saboy para makaramdam sila ng matinding sakit sa kanilang katawan.Author of the Story: Black_velvitrome17
BINABASA MO ANG
Ang Dayo sa aming Bayan
HorreurNaniniwala kaba sa mga Aswang? kung hindi ka naniniwala pwes tuklasin mo mismo sa iyong sarili para malaman mo ang totoo. Ang storyang Ito ay isang kathang isip lamang pero hango tungkol sa mga Aswang. The 2022 Short Horror Story. All Rights reserv...