Ang Dayo sa aming Bayan
Nanlalamig ang aking mga kamayng humawak sa kubyertos, pilit kong kinalma ang aking katawan, pumatak ng kusa ang aking mga luha nung tuluyan ko ng nginuya at nilunok ang carbonara. Tumingin ako sa gawi nila Inay, hindi nila ginalaw ang kanilang pagkain ngunit blanko lang yung mga mukha nilang nakatitig sa akin. Tanggap ko na ang lahat na nagpapatunay ngang hindi sila ang magulang na kilala ko, sumakit ang aking sintido at ako'y nahihilo. Kumapit ako ng mahigpit sa lamesita sabay takbo na sana ako sa hagdan pataas ngunit nadapa ako sa aming sahig.
Kitang kita ko kung paanong malademonyong tumawa ang aking Ina "hahahaha, kawawang bata. Gumagapang para sa sariling buhay! Hahahaha– Bernardino, kunin mo na iyan at igapos mo sa itaas!" Nanlilisik ang mga mata ni Inay habang matalim niyang tiningnan si Itay. Tumalima si Itay ng tayo at may kinuhang lubid sa ilalim ng aming lamesita. So– ibig sabihin, may plano pala talaga silang masama.
"N-nay… Tay… Bakit po, ano kasalanan ko at ginawa niyo ito sa akin! T-tay tulungan mo ako!!!"
Hinang hina kong sambit sa kanila habang si Itay ay ginapos na ako sa lubid na kanyang kinuha kanina. Walang imik si Itay sa aking likuran, si Inay naman ay walang paki at kami'y tinalikuran. Bago siya maka alis ay may pahabol pa siyang sinabi.
"Huwag kang mag-alala, malalaman mo mamaya kung anong pakay namin sayo. Bernardino bilis!"
Hindi ko na ata kayang dilat pa ang aking mga mata, kailangan ko munang matulog, Nagdilim ang aking paningin. Ang sakit! Masakit sa aking dibdib.
Naalimpungatan ako bigla, saka tumingin sa dako ng aking mga kamay, nagpupumiglas ako habang pilit na tinatanggal ang lubid sa aking mga paa at kamay… Naglakbay ang aking mga mata sa silid, hindi ko ito kwarto.
Paniguradong kwarto nila ito. Umusog pa ang aking katawan palapit sa pinto, tumingala ako't dahan dahang tumayo. Malapit akong natumba dahil naka gapos nga ang aking mga paa. Sinubukan ko ulit at sa wakas ay umawang ang pinto ng kaunti, sumilip ako sa pagitan nung awang at aninag ko sa labas ng kwarto na wala ang magulang ko kaya tahimik akong gumapang na parang uuod palabas doon. Nahihirapan ako dahil hindi ko masyadong magalaw ang aking katawan.
May kumalabog sa ibaba kaya ako'y nahinto sa aking ginagawa, pigil na pigil ang aking paghinga. "Andyan kaya sila sa ibaba? Diyos ko Panginoon, tulungan mo ko please!" Tahimik akong napadasal at saka ulit umusog papunta sa aking silid, konting konti nalang at makarating na ako sa kabila. Nang– bumukas ang pinto sa ibaba at narinig ko ang ingay ng aking magulang habang nagbubulungan pa na parang may pinag awayan sila.
"Cristina! Ito ba talaga gusto ng ating panginoon?"
"Oo Bernardino, ramdam kong tinatawag niya na tayo. Kaya kailangan na nating kumilos dahil ito nalang ang pagkakataon natin!" Yun lang galing sa kanila ang aking narinig at saka bigla silang tumahimik.
"Aakyat muna ako sa itaas, magpapalit muna ako para sa ritwal!"
Ako'y nahinto at higit hiningang napasinghap sa kawalan, pinakiramdaman ko ang kanyang yabag at naka tatlong hakbang na siya nung tumawag ulit si Itay sa kanya.
"Mamaya kana mag palit Cristina. Tulungan mo naman akong magbuhat nito, ang bigat eh,"
Kaya hindi tuluyang nakaakyat si Inay papunta dito sa itaas bagkus ay bumaba siya ulit at kung may anong bagay silang hinihila sa baba. Lumunok ulit ako saka pilit na inabot ang siradura ng aking pinto. Subalit nang pihitin ko na sana ito ay naka lock pala sa loob. 'Putangina' Malutong akong napamura at frustrated na parang ako'y maiiyak.
Kailangan kong makuha ang bag ko at maka takas dito. Naghahanap ako ng ibang gamit na pwedeng makatulong sa akin at sa awa ng Diyos ay may nakita akong patalim sa sahig malapit sa terrace namin kaya kailangan ko ulit gumapang para makuha ko ang patalim. Tumagilid ako ulit saka parang uuod na inaalon alon ko ang aking katawan para makagalaw sa aking kinaroroonan. Ilang pulgada nalang at makukuha ko na ito kaya saktong pagpadyak ko sa aking mga paa ay nasa mukha ko na ang patalim kaya kinuha ko sa aking bibig saka sumandal muna sa pader.
Nilagay ko sa aking mga kamay ang maliit na punyal, hinawakan ko ito ng mahigpit at pwersahang pamputol sa lubid, buti matalim ang punyal kaya hindi ako nahirapan. Noong matanggal na sa aking mga kamay ay sinunod ko sa aking mga paa. Nagmadali akong tumayo at pumunta ako sa aking pinto saka pinasok doon ang maliit na punyal hanggang sa ito'y mag click hudyat na nabuksan ko na.
Dahil sa aking panginginig ay hindi na ako nag atubiling sinuyod agad ang aking bag na nasa ilalim ng aking kama saka sinukbit sa aking likuran.
Tiningnan ko ang mga bawang na nilagay ko pa sa aking bintana at may nakasabit pa sa pinto, Kinuha ko ulit ito saka sinilid sa aking bag. Mas kailangan ko ito para sa aking pagtakas. Dahan dahan kong binuksan ang aking bintana at sinilip sa labas kung gaano ito kataas bago ko maabot ang lupa, sakto na doon ang telang pinag buhol buhol ko, binagsak ko ito palabas at ginapos sa paanan ng aking kama.
"Bernardino!!! Nawawala si Agnes, Aargh… Hanapin moooo!"
Impit na sigaw ni Inay sa kabilang kwarto kaya wala na akong oras para sa aking kabagalan at mabilis akong umakyat palabas sa bintana saka walang pagdadalawang isip na tinalon ito palabas gamit ang nagawa kong lubid na tela.
Nang ako'y lumapag sa baba ay tumingala ulit ako sa itaas at kitang kita ko kung paano mag sisigaw si Inay na hindi makalapit sa bintana. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang galit na galit tumingin sa aking deriksyon. Tinakbo kong mabilis ang daan, nagpasalamat ako't may ilaw na galing sa buwan kaya kahit papaano may tyansa pang makatakas galing sa kanila, sobrang bigat ng aking katawan, parang ako'y sobrang pagod.
Sa aking pagtakbo ay naaninag ko sa malayo na may dalawang nilalang ang humabol sa akin, mas lalo kong binilisan ang aking kilos, nasasagi pa ang aking paa sa ugat ng puno. Yung mga ibon ay biglang nag silipahan na parang sinasabi sa aking– ako ay naka istorbo sa mahimbing nilang tulog at bigla bigla nalang akong mambulabog sa kanilang tahanan.
Author of the Story: Black_velvitrome17
BINABASA MO ANG
Ang Dayo sa aming Bayan
TerrorNaniniwala kaba sa mga Aswang? kung hindi ka naniniwala pwes tuklasin mo mismo sa iyong sarili para malaman mo ang totoo. Ang storyang Ito ay isang kathang isip lamang pero hango tungkol sa mga Aswang. The 2022 Short Horror Story. All Rights reserv...