QUOTA 1

62 5 0
                                    

Quota(Short Story)

QUOTA 1

"Uy LJ.. may gustong kumausap sayo.." sabi ni Shaira na may malawak na ngiti sa mukha. Teka.. alam ko yang ganyang ngiti niya ahh..

"Beeeehhh.." kinikilig na sabi ni Aliyah sa akin.

"Beeeeeeehhh!" sabi ulit ni Shaira sa akin with matching yugyog sa akin.

Ano ba tong mga to. Hindi na nahiya. Nandito kasi kami sa school at mag-eenroll na kasama na rin yung paglalakad namin ni Shaira ng scholarship. Nako.. matindi ang pangangailangan namin no.. 3rd year na kami bilang PT student, madugo na tong year na to. Kungbaga proper year na at simula na ng kalbaryo namin. haaay.. Goodluck sa amin.

"Ano ba yun ha? at para kayong mga bulating inasinan dyan.." sabi ko sa kanila na naguguluhan na. Kung makakilig tong mga to.

"May magyayaya sayo.." si Mae na ang sumagot sa tanong ko, eh wala eh, ngiting tagumpay yung dalawa.

"Ha? Anong magyayaya? Sino?" naguguluhan kong tanong.

Hindi na naman na nila nasagot ang tanong ko ng may lumalakad papalapit sa pwesto namin.

Itong mga kasama ko naman, hindi maitago yung kilig. Nako naman.. Dapat ako kinikilig eh. Pero sila ang kinilig para sa kin. How nice..

"LJ.." Shoot!! Waaah! Chill LJ.. Chill.. Wag mong ipahalatang kinikilig ka sa kanya. Nako.. ano ba naman yan. Bat ba kase to lumapit bigla at ako kaagad ang tinawag.

"Yup?" casual kong tanong with a smile. Nice! Galing ko talagang magtago ng emosyon.. Best actress.

"May itatanong lang sana ako sayo.." medyo nahihiyang tanong niya. Haay.. Mas lalo akong nahuhulog sayo. Pero prim and proper dapat LJ.

Tumingin siya sa mga kaibigan ko. Mukhang humihingi siya ng privacy at gusto niyang maiwan kami na dalawa lang. At ang mga 'Kaibigan' ko naman ay walang pasakalyeng umalis na may malalawak na ngiti sa mga labi nila. Grabe.. parang binenta nila ako nito ah.. Hay.. What true friends are for??

Bumaling na siya sa akin nung nakaalis na yung mga loko-loko. Nginitian ko na lang siya para maitanong niya na yung gusto niyang itanong.

"Uhmm.. gusto sana kitang yayaing manood ng concert." sabi niya na may maliit na ngiti sa labi niya.

Ako namang tong naguluhan at medyo gulat syempre pero di ko ipinahalata.

Kinunot ko yung noo ko na parang sinasabi sa kanya na naguguluhan ako. Pero sinasabi ko rin na ipagpatuloy niya yung tanong niya.

Nung di siya nagsalita. Ako na lang ang nagsalita.

"Concert?" Medyo nakangiting naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Ah. Oo sana kung pwede at okay sayo." sagot niya.

Napatango na lang ako kahit na naguguluhan pa rin ako. Kasi hello? oo, kilala niya ko, kilala ko siya. Nagkikita kami sa school nato pero di nagpapansinan kasi ako'y nahihiya. Kahit na nakasama ko siya sa isang leadership training seminar na medyo pinag-debatihan at iniyakan  pa naming apat na magkakaibigan pero sumama rin naman kami sa huli.

To tell you guys the truth.. this guy talking to me about this concert thing is my crush or love? I don't know. Kahit ako naguguluhan na sa nararamdaman ko sa kanya. But anyways.. still.. I have feelings for him for almost a year. Kuha niyo yun?? Diba sabi nila kapag ganun na katagal hindi na daw crush yun? Love na daw yun. Sabi nila.. Pero ang sabi naman ng mga friends ko na.. paano mo nasabing love na yan kung wala naman siya ginawa sayo? Ni hindi nga kayo nagpapansinan sa school o nag-uusap, walang communication. Pano ka na-fall??

Nga naman. May point sila. Haay.. ewan, bahala sila.

Medyo napaisip ako sa alok niya. Syempre di naman porque inaya niya kong manuod ng concert eh papayag agad ako. Ano lang? Easy to get lang? Hahaha. Spell asa LJ.. L-J!

"Yung concert na sinasabi ko hindi siya yung pang international artists ah.." sabi niya nung nag-iisip pa ko. "Local artist lang.."dagdag niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Teka.. sinong local artist ba yan?" tanong ko.

"Si Vice Ganda." nahihiya niyang sagot.

Medyo napatawa ako ng mahina sa sinabi nya. But i can't help but smile.

"Anong masama dun? Okay lang kung local artist no." sabi ko.

"Ano ka ba.. mas okay na tangkilikin natin yung sariling atin no.. Filipino naman yang si Vice Ganda so there's nothing wrong on his.. or..her concert." dagdag ko na medyo naghehesitate kung anong tamang idescribe kay Vice. Fan ako nun ni Vice eh. Medyo napatawa siya dun sa pagkalito ko. Ano ako clown??

"Diba sa May 22 yan, Friday, sa Araneta?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.

Napaisip naman ako ulit. "Okay lang naman ako sa concert na yan.." sabi ko. Kaso.. "Kaso.. sa araw na yan nandun ako sa Paranaqūe sa house ng tita ko.." dagdag ko. Di ko alam kung guni-guni yun na nakita kong medyo nadissappoint siya.

"Pero kung okay sayo.. Magkita tayo sa SM Sucat malapit dun sa subdivision ng cousin ko tska tayo dumiretso sa concert na yan sa Araneta." sabi ko na medyo nakangiti.

Napangiti rin siya. "Okay lang."

Awkward silence..

Napatingin ako sa kanya at ganun rin siya sa kin. Napakagat tuloy ako sa labi ko ng wala sa oras. Habit ko na kasi yun.

"So ahmm.. txt-txt na lang tayo?" pagsira niya sa katahimikan.

Ako naman tong napatango na lang sa kanya sabay ngiti at naglakad na ko paalis. Ganon din ang ginawa niya. Pero wait.. txt-txt??

"Uhmm.. Jason.. May number ako," turo ko sa sarili ko. "sayo?" then turo sa kanya.

Wait..parang ang gulo ng tanong ko. May number ako sa kanya? Eh hindi naman niya hininge yung ever.

Napangiti siya bago nagsalita. "Diba hiningi ko yun nung gabing nagpa-picture ka sa kin?"

OhEmGee. Oo nga. Natandaan nya pa yun. Kinilig naman ako dun. Napatango na lang ako at siya naman ay ngumiti bago naglakad paalis.

Hmm.. Malay ko bang totoong kinuha niya number ko. Eh nung December pa yun. Ano na ngayon? May na. Di naman siya nagpaparamdam sa txt kaya akala ko loko-loko lang yung paghingi niya ng number ko.

Hinay hinay lang LJ.. Hindi date yun. It's just nothing. Di Date yun kasi concert lang naman ang pupuntahan nyo at di pangcouple yung concert na yun. General Patronage yun.

Haaay.. Bahala na.. 'Control yourself LJ'..

*****
Vote & Comments po?? Thanks!!

QuotaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon