QUOTA 2

37 4 0
                                    

QUOTA 2

*****

"Uyyyy... LJ ano yun ha?" makahulugang tanong ni Shaira sa akin nung nakabalik na ko sa kanila after nung pag-uusap namin ni Jason.

Tumingin naman ako sa kanila at kitang-kita mo sa mga mukha nilang interesado sila.

"Teka.. diba alam niyo naman kung tungkol saan yun ha?" sagot ko pabalik. Tama naman. Sila nga nagsabi na may gustong magyaya sa kin.

"Ihhh.. oo nga alam namin. So ano pumayag ka?" tanong ni Aliyah with matching taas-taas pa ng kilay.

I just sighed while arranging my papers for scholarship. "Oo." simple kong sagot.

At ang mga loko nagtitili sa kilig. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga faculties and staffs na dumadaan sa harap namin. Hay.. di na nahiya tong mga to.

"OMG be!! Date na ituuuuu!" exaggerated na sabi ni Shaira with matching hands up in the air.

"Nako be.. lumalove life ka na.." kilig na sabi ni Aliyah na tinutusok-tusok ako sa tagiliran.

Napaiktad naman ako sa pangingiliti nilang dalawa ni Shaira. Buti pa si Mae pangiti-ngiti lang sa kin. Nako kung katulad siya ng dalawang to baka nabuang na ko.

"Ano ba kayo.. It's not a date okay?" sabi ko. Totoo naman at ayoko ng mag-isip pa.

Umakmang babatukan ako ni Shaira pero hindi niya rin naman tinuloy. Kunwari lang ba.

"Hello be.. sa tingin mo di date yung kayong dalawa lang ang pupunta sa concert?! Pinagloloko mo ba kami?" sabi niya.

Tumingin naman ako sa kanya. "Hindi yun date okay?" matter of fact kong sabi.

"Pano mo naman nasabing hindi date yun ha?" tanong naman ni Aliyah.

"Pwede namang dun kayo magkakilala diba? Get to know each other lang ang peg." sabi ni Shaira.

"Hindi din. Malabo yun." sabi ko.

"Haay.. wag ka ngang magpaka-nega..malay mo naman diba? At bat mo naman nasabing hindi date yun ha?" tanong ni Shaira. Ang kulit talaga nitong sina Shaira at Aliyah. Sa aming apat itong dalawa ang pinakaintrigera. Buti na lang talaga si Mae eh hindi katulad ng mga to.

"Kasi di niya naman ako gusto." diretso kong sagot. Medyo natahimik sila. Napapikit na lang ako. Totoo naman diba? Date yun kung may gusto nga siya sa akin kaso hindi eh. Hindi mutual ang feelings. Malabo. Alam ko naman kung sinong gusto niya. Kaya ayokong mag-expect.

"See? It's not a date. Oo alam nyo na gusto ko siya pero ang tanong may gusto ba siya sa kin?" tanong ko sa kanila.

"Hindi naman diba? Kaya please lang.. don't give me false hope na sa tingin niyo eh date yun. Dahil parang tinutulak niyo ko sa sariling bangin ko para masaktan."

Katahimikan. Yan kasi problema sa kanila minsan.. Oo siguro may times na nagjojoke sila pero when it comes to feelings sana di nila gawing biro yun. Kasi hindi biro yung nararamdaman ng isang tao. Di natin alam na biro nga sa atin, pero sa kanilang binibiro natin eh seryoso na pala. Mahirap yung ganun kasi di naman tayo ang masasaktan kapag nalaman na yung katotohanan kung di sila. Ako..

"Kaya tigilan nyo na yung pang-aasar sa kin sa kanya ha?" sabi ko. Ayokong masaktan.

"Tara na at mag-enroll na tayo. At Shaira, may aasikasuhin pa tayo.." pagyaya ko sa nila at tumayo na ko.

Mukhang naintindihan naman nila yung sinabi ko. Alam naman nila yung tunay na nararamdaman ko kay Jason. Na crush ko siya..

Yun ang alam nila pero mas okay na maagapan ko tong nararamdaman ko kesa mahulog pa ko ng tuluyan.

Kaso ang problema..


..matagal na kong hulog sa kanya..

*****

Comments po & Vote!!

QuotaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon