Prologue:

844 26 5
                                    

Prologue:

Masaya ang buhay noon ni Heylie, para sa kanya  ang buhay ay napaka-ganda at napakasaya. Lalo na kapag kasama niya ang kanyang magulang at kapatid na laging nagpapangiti at nagpapaalala sa kanya kung gaano kaganda ang buhay.

Ngunit ang pananaw na iyon ay biglang nagbago dahil sa isang pangyayari na gusto at ayaw na rin niyang balikan. Gusto niyang balikan, para pigilan ang pangyayari. Ayaw na niyang balikan, dahil alam niyang imposible pang mangyari ang gusto niya pagpigil, sa nangyari aksidente.

Nabago ang pananaw na iyon dahil sa isang masamang pangyayari, kung bakit ngayon ay nag-iisa na lamang siya. Hindi na niya maranasan ang kasihayahan na nararamdaman niya noon.

Noon, nang nandyan pa ang magulang at kapatid niya na nakakasama niya. Noon, na nasa tabi pa niya ang maraming kaibigan na nakakasama rin niya sa masasayang bagay.

"Noon, na sana naging ngayon pa rin" bulong ni Heylie habang nakatingin sa kanilang family picture. "'Yung kasama ko pa kayo, 'yung buong pa tayo. 'Yung masaya pa ako kasama sa buhay ko" tingin niya sa mukha ng kanyang magulang at kapatid.

"Pero bakit ngayon, pakiramdam ko nabubuhay nalang akong para gumising at umiyak sa araw-araw na dumadaan. Bakit?" tanong niya sa kanyang sarili.

Hindi mapigilan ni Heylie ang kanyang pagluha dahil sa nararamdaman niyang pag-iisa at lubos pangungulila sa kanyang pamilya. Nahiga na siya sa kanyang kama habang yakap-yakap niya ang picture frame.

"Please, kuhain ninyo na ako" dasal niya habang tumutulo ang kanyang mga luha. Hindi na namalayan ni Heylie na nakatulog na siya dahil sa pagod sa kakaiyak at sa bigat na kanyang nararamdaman.

* * * * * *

Author Note: Hi! Guys! Revised na naman. Hehe. Medyo madrama talaga siya. Sorry.. Sana magustuhan ninyo. Vote and comments na rin. Hehe.

Falling into Pieces [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon