Chapter 7:

312 13 1
                                    

Chapter 7:

After Two Months...

SUMALI si Heylie sa volleyball sa kanilang University. Dahil sa sinabi ni Nathan sa kanya na para daw may ika-busy-han siya, at hindi tin niya masyadong maisip yung mga nangyari sa buhay niya. Lalo na sa pamilya niya.

Hindi naman inaasahan ni Heylie na ang pagsali niya sa volleyball ay nagkakaroon pa siya ng mga panibagong kaibingan na mas lalong ikinagaang ng pakiramdam niya.

Mag-kasama sila dalawa ni Nathan sa may upuan sa cafeteria, habang hinihintay nila Nolan at Jaymie na may pasok pa sa mga oras na yun.

"Heylie!" napalingon siya sa tumawag sa kanya. Si Cholo angcaptain ng mens volleyball. "Tara!" yaya nito sa kanya.

Napalingon naman siya kay Nathan na katabi niya. Tumango naman na alam niyang pinayagan siya nito at kaya tumayo siya.

"Sandali lang ha?" sabi niya kay Nathan at naglakad papunta sa table nila Cholo.

"Hi! Heylie" kaway ng mga kasama niya. Ngumiti naman siya at kumaway rin sa mga ito.

"Alis nga muna kayo" sabi ni Cholo. "Dali!".

Napapansin ni Heylie na simula magkakilala sila ni Cholo al na magkaugali ito at Nathan. Pero may pagkabossy lang si Cholo minsan sa mga teammates nito dahil sa pagiging team captain nito. Pero para idisiplina ang mga kateam nito.

Tumayo ang mga kasama ni Cholo. "Sige,Heylie bye!" kaway ng mga ito at umalis.Napatingin si Heylie kay Nathan na nakakunot ang noo nito.

"Upo ka Heylie" sabi ni Cholo sa kanya kaya naupo naman siya. "May gusto ka bang kainin?" tanong ni Cholo sa kanya.

"Ahh! wala. Kakatapos lang naming kumain ni Nathan." napalingon uli siya kay Nathan na nakatingin sa kanila.

"Ahh!.. ganun ba?" Napatingin uli siya kay Cholo.

"May sasabihin kaba Cholo?" tanong niya.

Para kay Heylie si Cholo ay tulad nila Nathan at Nolan. Dahil madali niya itong  nqkagaanan, simula ng magkakilala sila.

"Ahh! Heylie" nagulat si Heylie nang hinawakan ni Nolan ang kamay niya kaya napatingin siya dito. "Pwede ba manligaw?" tingin nito sa mata niya.

"Ha?" nanlaki ang mga mata niya sa tanong ni Cholo sa kanya.

"Kasi mahal na kita" napa-nganga sa siya sinabi ni Cholo. Dati rin naman may maliligaw siya noong high school siya, pero hindi katulad ng kay Cholo na parang mabilis para sa kanya ng pag-amin nito ng paggusto o pagmamahal sa kanya.

"Ha? Eh..?" napatingin si Heylie sa gawi ni Nathan.  Nakakunot pa rin noo nito na parang tinatanong siya nito kung anong nangyayari sa pagitan nila ni Cholo.

Nakita niyang napatayo si Nathan at naglakad palabas ng cafeteria. "Bahala ka" sabi niya at tumayo na sa kinauupuan. Naglakad siya para habulin si Nathan. 'Hindi man ang n'ya ako hinintay' sabi ni Heylie sa kanyang isip.

"Heylie!" rinig niyang tawag ni Cholo pero hindi niya na ito nilingon pa kundi ay tumakbo palabas para habulin si Nathan.

"Nathan!" tawag niya. Lumingon naman ito ng nakangiti sa kanya. "Bakit ka nang iiwan ha?" tanong niya pagkalapit kay Nathan.

"Akala ko sasabay kana kay Cholo" sagot nito.

"Kaya ko nga sinabing sandali eh?" tingin niya dito.

"Okey" taas balikat ni Nathan at  naglakad na ito, kaya sumabay naman siya.

"Siya nga pala, manliligaw daw si Cholo sa akin" sabi niya. Open si Heylie sa lahat kay Nathan dahil pinag-kakatiwalaan niya ito.

Napahinto si Nathan at napatingin sa kanya. "Anong sabi mo?" tanong nito.

Falling into Pieces [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon