Chapter 4:

419 16 1
                                    

Chapter 4:

HALOS isang oras rin ang nilagi nila Heylie at Nathan sa may orphanage. Kaya nagdisesyon na rin sila umaliis. Nang makita ang oras dahil kailangan pa nilang pumasok.

"Thanks for bring me here" sabi ni Heylie habang nakatingin dito.

"Wala yun. Nakita naman kitang masaya."  nakangiting sabi nito habang nagdadrive paalis sa orphanage. "hindi tulad kahapon" ngumiti lang siya sa sinabi nito.

"Gusto mo bang bumalik uli doon?" Tumingin siya kay Nathan at tumango. Dahil gusto niya ring makita ang mga bata, at parang nawala ang problema niya. Lalo na nang makita niya ang mga ngiti ng mga ito at marinig ang masayang mga tawa mga bata.

"Masaya silang kasama diba? nakakawala ng problema." napatingin si Heylie dito. 'May problema ba siya?' Huminto na sila sa may parking lot ng school.

"Tara!" nakangiting sabi ni Nathan. Pagkalabas ni Nathan nakita ni Heylie na patakbong itong pumunta sa may pinto para pagbuksan siya.

"Nathan! sino yang kasama mo? girlfriend mo? akala ko--"

"Si Heylie" nakangiting sabi ni Nathan kaya napalingon siya sa kausap ni Nathan.

"Heylie!" Kumaway sa kanya ni Jaymie kasama ang isang lalaking kakilala ni Nathan. 'Siya ba si Nolan?'.

Lumapit sila Jaymie sa kanila, habang magkahawak ang mga ito ng kamay.

"Parang may something ha?" nakatingin sabi ni Nathan.

"Hi! Nathan" kaway ni Jaymie habang inaayos nito ang salamin sa mata. "Si Nolan nga pala boyfriend ko, pinsan sya ni Nathan" napatingin siya kay Nathan. Tumango naman ito habang nakangiti.

"Hi! I'm Nolan Morgan. Pinsan ni Nathan sa kambal ng Dad ko" nakangiting pakilala nito sa kanya. Inabot naman niya ang kamay para makipag-kamayan kay Nolan.

"Buti na lang nagkakilala na kayo ni Nathan" masayang sabi ni Jaymie.

"Bakit nga pala kayo magkasama ng pinsan kong magpa--" sabi ni Nolan.

"Pumunta kami sa orphanage. Diba ang saya doon, Heylie?" Tumango naman si Heylie ng tumingin si Nathan sa kanya.

"Ah! sige guys papasok na kami. Tara na Heylie" hawak ni Nathan sa kamay niya.

"Sige Nathan bye!. Goodluck rin!" sigaw ni Nolan. 'Goodluck?'

"Goodluck? tss!" sabi ni Nathan habang naglalakad sila. 'Mukhang may problema nga talaga siya.'

"May problema ka?" napatingin si Nathan sa kanya at ngumiti lang ito. Kaya hindi na lang niya inulit dito ang tanong.

PAGKAPASOK nila Heylie sa kanilang room ay umupo sila nang magkatabi ni Nathan. Na sila pa lang ang nasa loob room.

"Nga pala Heylie, nasaan na yung parents mo? Hindi ko kasi sila nakitang ihatid ka sa labas kanina" tanong ni Nathan habang pinaglalaruan ang kamay niya na tinaggal niya.

"Wala na" iwas niya sa tingin ni Nathan.

"I'm sorry" Sabi ni Nathan. Biglang nakaramdam kumirot  niya ng kanyang puso. Hinawakan naman ni Nathan ang kamay niya kaya napatigil si Heylie sa pag-tayo.

"Dito ka lang." sabi ni Nathan at tumayo ito habang hawak pa rin ang kamay niya. "Maupo kana" mahinang sabi ni Nathan sa kanya. "Hanggat nandito ako, hindi ka iiyak ng mag-isa " Hinawakan ni Nathan ang pisnge niya para pinunasan ang kanyang luha habang nakangiti ito.

"Thanks Nathan" iyon lang ang nasabi ni Heylie, at naupo na siya.

"Basta tandaan mo, hindi kita iiwan hanggat alam kong malungkot ka pa at umiiyak ka pang mag-isa" napangiti si Heylie sa sinabi nito pero may ibang bahagi na malungkot siya at inisip na.. 'Ibig sabihin iiwan niya rin ako?' She smiled bitterly to Nathan.

Falling into Pieces [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon