“Okay for our activity today, this is very simple. You just have to complete at least 5 laps around this oval. You can run, walk, jog or whatever you want. Note that you only have 10 minutes to do this activity.” P.E namin ngayon at pinapunta kaming lahat sa oval, malaki ang oval dahil dito ginagawa ang track and field ng mga pambato ng school namin.Bago kami magsimulang tumakbo ay binigyan muna kami ng oras para mag warm-up. Baka kasi mabigla ang katawan namin kapag hindi muna kami nagbanat ng buto at biglaan na lang tumakbo. Matapos naming mag warm-up ay tinawag kaming muli ni Miss para magsimula na.
“Okay? Ready? 1… 2… 3… and… go”. Pumito si Miss Ancheta at nagsimula ng tumakbo ang mga kaklase ko, hindi ako kaagad tumakbo dahil sinasave ko ang energy ko. Jog at lakad lang muna ang ginagawa ko.
“Run, Elsie! Run!”. Sigaw nila Wendy na nakikipagpaunahan sa mga kaklase namin. Well, wala naman sinabi si Miss na paunahan ang activity na ito ang sabi lang niya ay kailangan maka 5 laps sa loob ng sampung minuto.
Nang makaisa akong ikot ay nagsimula na akong tumakbo dahil baka maubos ang oras kung mabagal lang ang takbo ko. Lakad, takbo, jog ang ginagawa ko para balanse at hindi sumakit ang mga binti ko. Mabilis na lumipad ang minuto at pangtatlong ikot ko na 'to.
Mainit at tirik ang araw ngayon dito sa field kaya naman tagaktak na agad ang pawis ko, may mga puno pero lamang parin ang init na nasasakop ng araw.
“Kaya pa? o buhatin na kita?”. Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko. Alam ko na agad kung sino ‘yon dahil kilala ko ang boses na ‘yon.
“Kaya ko, nakailan ka na?”. Pumantay siya sa akin at binagalan ang takbo, pawisan na siya pero hindi halata dahil sa kagwapuhang taglay niya. Feel ko ang bango bango niya pa rin kahit na pawisan siya.
“Pang-apat na ‘to, ikaw ba?”. Hiningal ako kaya huminto muna ako, huminto rin naman siya at pinunasan ang pawis.
“Pangatlo”. Nagsimula na ulit akong tumakbo, sumabay nanaman siya sa akin at pinapantayan ang bilis ng takbo ko.
“4 minutes left.” Anunsyo ni Miss nang dumaan kami sa harap niya. Pang apat ko na ito at si Aki naman ay Pang lima na, ang iba ay tapos na at nagpapahinga. Sanay na kasi sila dahil ang iba sa amin ay kasali sa track and field.
“Uy, ano ba yan pati ba naman sa pagtakbo ay magkasama kayo?”. Hindi ko namalayan na nasa tabi na namin si Wendy at Nile. Alam kong nakikipag asaran nanaman ang dalawang ‘to dahil ayun nanaman ang nakakaloko nilang tawa.
“Manahimik kayo ah?”. Sinamaan ko sila ng tingin at nagpauna ng tumakbo. Nakarating ulit kami kung nasaan si Miss kaya naman huling ikot ko na ito, sila Aki naman ay tapos na, naghihintay na lamang sila na matapos kaming mga umiikot pa.
Lakad, takbo, kulang na lang ay tumalon ako at gumapang matapos lang ang aktibidad na ito. Maya-maya lang ay narating ko na ang finish line sakto pagkatapos ng sampung minuto.
Halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang pagod, pawis na pawis din ako at sobrang sakit ng mga hita at binti ko. Pinupunasan ko ang pawis ko dahil masama kung matutuyo ito sa likod ko.
“Oh”. Inabot sa akin ni Aki ang isang bote ng tubig na alam kong kabibili niya lang dahil naka sealed pa. Binuksan niya ito para sa akin at pinupunasan ko pa rin ang pawis ko.
“Okay! Those laps have an equivalent points. 30 points for 5 laps, 28 points for 4 laps, 26 points for 3 laps, 24 points for 2 laps, and 22 points for 1 laps. However, kung wala kayong kahit isang laps na nagawa you will be automatically zero, understand?”. Tumango kaming lahat, wala naman sa amin ang naka zero kaya paniguradong may points lahat. Pawis na pawis ang lahat at hingal na hingal.

YOU ARE READING
Course of Destiny
RomanceNaniniwala ka bang dumadating ang tamang tao? o sadyang dumating lang ang tamang panahon? However, what would you do if the person you believe is suitable for you showed up but not at the right time? Is the person you're hoping for a blessing or a l...