"Hoy sandali!"Minadali kong ayusin ang mga papeles sa table ko at binitbit ang kape na iniinom ko kanina pa. Sinundan ko ang mga katrabaho ko na matagal ko na ring mga kaibigan. Hindi ako nahirapang kaibiganin sila dahil hindi naman mahirap sa akin ang makipagkaibigan, mas gusto kong kinakausap ang mga tao sa paligid ko.
I hate a quiet atmosphere!
I don't know maybe I was born being talkative, kung nababayaran lang ang pagiging madaldal, baka mayaman na ako ngayon. Pero hindi eh, kailan kaya mababayaran ang bawat salita na binibigkas mo? hays whatever at least mayaman ako sa salita.
"Sabi ko sandali eh!". Nahabol ko silang papasok sa elevator habang nagkukwentuhan. Balak pa akong saraduhan ng pinto pero mabilis kong hinarang ang kamay ko kaya nakapasok pa rin ako. heh! fast hands 'to.
"May bago raw na empleyado?". Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Neil kaya nag-angat ako ng tingin sa kanila.
"Oo, nakita ko kanina. Bago siya sa paningin ko kaya sigurado akong bago lang siya rito. And guess what? ang gwapo niya. Naku! kung wala lang akong asawa papatulan ko talaga 'yon." Hinampas ko ang braso ni Judee dahil sa sinabi niya, nalipat kaagad ang tingin niya sa akin na parang nagtataka kung bakit ko siya hinampas.
"May asawa ka na, lalandi ka pa!". Hinimas-himas niya ang kanyang braso, napalakas ata ang hampas ko pero wala akong paki.
"Eh ano? nakakahiya sa—". Tinakpan ko ang bibig niya dahil ayaw ko nang marinig ang sasabihin niya. Past is past, hindi na dapat binabalikan ang nakalipas na. Nakakasira ng buhay promise!
Si Judee, siya ang bestfriend ko. Simula highschool palagi kaming magkasama at magkakampi. Kaya marami talaga siyang alam tungkol sa akin at marami din akong alam tungkol sa kanya. We're bestfriend for a reason and we made a promise to each other that no matter what happens we'll always stay on each other's side.
Marami akong kaibigan pero ang iba sa kanila ay emigrated na, ang iba naman ay nasa kani-kanilang trabaho. Tanging ako, si Judee, si Neil, at si Gladyss lang ang magkakasama pa rin hanggang ngayon.
"Ungkatan ng nakaraan? Ganoon ba?". Paghahamon ko sa kanila, umiiling na tumatawa si Neil at Ady. Habang si Judee naman ay biglang nanahimik.
Sino ba naman kasi ang gustong mapag-usapan ang kanilang nakaraan? Mayroon ba? Siguro sa iba ayos lang pero iba naman ang sa akin. Ayoko talagang pinag-uusapan ang nakaraan at ayaw ko ring binabalik kung ano man ang nakalipas na, nandito na tayo eh. Wala nang mababago pa.
"Tumahimik ka na malapit na tayo sa 2nd floor". Pinilit akong iharap ni Judee sa pinto ng elevator. May pumasok na rin na ibang mga empleyado kaya tumigil muna kami sa asaran.
Nang sumarado ang pinto ng elevator rinig ko ang ilan sa bulungan ng ibang empleyado. Hindi ko na sila pinansin dahil wala rin naman akong pakialam sa pinag-uusapan nila. Baka mabansagan na naman akong "Marites" kapag nakinig ako sa usapan.
Nang dumating kami sa 2nd floor ay agad kaming lumabas ng mga kaibigan ko, humiwalay muna ako sa kanila dahil magrerefill ako ng tubig sa tubigan na dala ko. Sakto namang palabas ng opisina ang manager namin kaya nagkatinginan kaming dalawa.
"Good morning Ma'am". Bati ko sa kanya at nginitian siya.
"Oh ikaw pala, how's the papers? Ayos na ba? gagamitin na natin yan bukas sa meeting". Sabi niya habang nagrerefill din ng tubig sa tumbler na dala niya.
"Ah opo! saglit na lang at tapos na". Tumango siya sa akin at umalis na.
I'm on my way papunta sa mga kaibigan ko nang biglang bukas ang pinto at bumungad ang isang lalaking maputi, chinito, matangkad, may napakagandang mga mata at isang gwapo at magandang lalaki. Hindi ko namalayang ang tagal ko na palang nakatitig sa kanya.
"Sorry?". Isang malalim at napakagwapong boses ang narinig ko.
"Pwede ba akong dumaan?". Bumalik lang ako sa wisyo nang marinig ko siyang nagsalita muli.
"Ahh o-oo, sorry". Tumabi ako at hinayaan ko siyang dumaan. Pero huminto siya sa paglalakad at humarap muli sa'kin at sabay sabi ng...
"Keai".
Tumalikod na siya habang ako ay tulala pa rin. Bagaman hindi ko naintindihan ang sinabi niya ay alam kong maganda ang ibig sabihin nun dahil sa ngiti sa mga labi niya.
—————————————— Kimi ——————————————
Keai - Adorable/cute.

YOU ARE READING
Course of Destiny
RomansNaniniwala ka bang dumadating ang tamang tao? o sadyang dumating lang ang tamang panahon? However, what would you do if the person you believe is suitable for you showed up but not at the right time? Is the person you're hoping for a blessing or a l...