FRYLAH
IT'S been a year, nang mag ganap ang digmaan, ang masasabi ko lang naging maayos naman ang lahat pag katapos nun.
Ang mga magician ay namuhay ng masaya at walang gumagambala.
"Bro, kakain na." Ang tawag ni Maxwell kay kuya.
Andito kami ngayon sa CRYSTAL KINGDOM para mag celebrate ng 18th birthday ni Crystaliah or should I say Ariana.
Ang masasabi ko lang sa isang taon na pag kawala ni Ariana, ay nag bago na rin si kuya, hindi na siya nakikipag usap saamin di tulad nung dati, mas lalo pang lumala ang ugali niya, mas lalo siyang naging cold at masungit, minsan rin ay mainitin ang ulo, wala na ngang ibang nakakalapit sa kanya kundi kami lang. Ang royalties at ang pamilya niya at mga King and Queen.
Ang mga studyante ay hindi na lumalapit sa kanya dahil takot na baka mapag buntungan ng galit.
"Bro!" Ang pag uulit ni Maxwell na tawag dito ngunit isang matalim na tingin lamang ang isinukli nito sa lalaki.
"Maxwell hayaan muna natin si kuya." Ang tawag ko dito kaya naman walang nagawa ang lalaki kundi ang bumuntong hininga at lumayo kay kuya, sobrang na aawa na ako kay kuya, walang gabi na hindi siya umiiyak, minsan nga rin ay palagi kong naririnig sa kwarto niya ang malakas na kalabog tuwing gabi.
Ang lungkot nang kalagayan niya ngayon, hindi ko siya masisisi dahil mahal na mahal niya si Ariana, ang babaeng bumago sa ugali niya, kaya ang tanging hiling ko lang na sana ay bumalik na siya. Ang babaeng minahal ng kapatid ko.
Agad kaming dumulog sa hapag kainan upang kumain, ang dami na rin nag bago sa royalties hindi na tulad noon na laging nag bibiruan, laging nag aasaran, ang daming nag bago, simula rin nang mawala si Ariana ay hindi na namin nakita ang alaga nitong si HIZAKU.
Pag katapos kasi nang digmaan ay hindi ko na rin ito nakita. Ang sabi rin ng mga studyante ay lumipad na daw ito papalayo at papunta sa langit.
"Ano ba, kayo mag dahan dahan naman kayo sa pag kuha ng pagkain tsk." Ang masungit na saad ni Tyrone. Isa rin sa nag bago sa royalties ay si Tyrone, bihira na rin itong mag salita at masungit na rin, palaging malayo ang iniisip dahil minsan kapag kinakausap namin siya ay hindi niya kami naririnig kung hindi namin siya kakalabitin, para iparating ang gusto naming sabihin.
Pag katapos naming kumain ay sabay sabay kaming tumayo para hipan ang kandila sa cake ni Ariana. Ang magulang ni Ariana ang nag wish bago namin hinipan ang kandila nito.
Ang dami na rin nag bago sa mag asawang hari ay reyna sa CRYSTAL KINGDOM. Ang cold na rin nila at talagang pag kaharap mo sila ay mararamdaman mo ang panganib kapag nag padalos dalos sa harapan nito.
"Ano san na ba destenasyon natin?" Ang sabi ni HushLee at kumapit sa braso ni Nathan, and yes they are couple. Ang pagiging aso't pusa nila ay napunta sa love, siguro nga tama yung sinabi nila na, the more you hate, the more you love.
"Garden muna tayo." Ang sabi ni Steffany.
"Oo nga maganda yun. Ang ganda dun tumambay." Ang excited na sabi ko, kasama namin ang apat na lalaki, maliban kay kuya na alam kong nag iisa na naman sa mga oras na ito.
"Ang lungkot talaga, hindi na tayo kompleto tulad nung dati." Ang malungkot na saad ni HushLee, kahit naman ako ay nalulungkot dahil sa nangyari.
Pero wala Ei yun na ang nakatakda, hindi na mababago at sana nga lang talaga bumalik pa si Ariana, ayukong pang habang buhay ay ganyang ang kuya ko. I'm his sister kaya malungkot rin ako kapag nalulungkot siya.
"Okay dahiL birthday naman ni Ariana, mag laro tayo ng best wishes para sa kanya, at kapag natupad sa loob ng isang buwan ang wish natin ay mag bibigay ng regalo kung sino man ang matatalo." Ang sabi ko, dahilan para mapatango sila at ngumiti.
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST PRINCESS (COMPLETED)
FantasyAriana lived in the mortal world. But the time came when she needed to know who she really was. What if she found out she was a princess? Not an ordinary princess, but with the power of the four elements.