THIRD PERSON
INIWAN ni Hunter si Ariana sa clinic habang kumakain ito.
"Ariana, kailangan mo pang mag pahinga." Ang sabi ni Hizaku na nasa tabi niya.
"Bakit, okay naman na ako Hizaku don't worry." Ang seryosong sabi ni Ariana at saka tumayo na para lumabas, sumunod naman si Hizaku sakanya.
"Anong don't worry, kanina lang tinamaan ka ng palaso ngayon naman wala kang pakealam?" Inis na sabi ni Hizaku.
"Pwede ba Hizaku, alam kung kilala mo ako kaya maniwala ka okay lang ako." Ang cold na sabi ni Ariana, walang nagawa ang guardian kundi ang sundin ang kagustuhan ni Ariana.
"Saan ka pupunta?" Ang tanong ni Hizaku ng makitang hindi sa dorm ang deretso nito.
"Tsk ano ba Hizaku, wag kang madaldal..." Tinahak nito ang daan, papuntang likod ng academy. Ang dami niya ring nadaanan na mga studyanteng nag sasanay para sa nalalapit na leveling.
"Bawal kang pumunta jan Ariana, hindi mo pa alam kung anong masamang mangyayari sayo kapag tinahak mo pa ang daan na yan." Ang seryosong sabi ni Hizaku na ikina hinto ni Ariana.
"Fine!" Cold parin na sabi ni Ariana at saka bumalik at pumunta sa training room.
"Kailangan mong mag ensayo Ariana para sa leveling."-Hizaku.
"Hindi ko na kailangan yon Hizaku, wala sa vocabulary ko ang maging mataas ang score, kung saan ang hanggang kaya ko ide doon lang."-Ariana.
"But you need to train Ariana, alam mo naman siguro kung sino ka." Ang seryosong sabi ni Hizaku dito. Nang makarating sila sa training room ay naupo agad si Ariana sa sahig ng training room. Walang ibang tao doon kundi siya at ang kanyang guardian.
"Yeah I know that." Bored na sabi nito at saka humiga kung saan siya nakaupo.
Ang mga royalties naman ay papuntang clinic para bisitahin si Ariana, pero pag dating nila doon ay wala na ito.
"Nasaan na si Ariana?"-Hushlee.
"Bobo ka ba, nakita mo ngang magkakasama tayo tapos mag tatanong ka kung nasaan si Ariana, ei hindi din namin alam."-Nathan.
"Ikaw apaka gago mo din, natural mag tatanong kasi walang alam!"-Hushlee.
"Tumahimik nga kayong dalawa, hanapin na lang natin si Ariana!" Inis na bulyaw ni Frylah.
"Baka kung saan saan na naman yon dinala ni kuya."-Frylah.
"Are you sure na mag kasama si Hunter at Ariana?"-Samantha.
"Iwan."-Frylah.
"Ei bakit pa natin hahanapin si Ariana kung mag kasama naman sila ni Hunter, malamang nag da-date yon."-Nathan.
"Gago ka bro, hindi yon mag da-date hahaha."-Maxwell.
Ang ingay ng royalties ay rinig sa buong clinic kung kaya't sinaway sila ng mga nandun.
"Yan kasi ang ingay nyo!" Ang inis na sabi ni Denver.
"Akala mo kung sinong hindi maingay." Bulong ni Nathan na agad sinamaan ng tingin ni Denver.
"Shut up! Bumalik na lang kayo sa dorm." Ang inis na sabi ni Tyrone at saka umalis na, sumunod naman sakanya ang ibang royalties.
"Hindi pwede, kung hahanapin mo si Ariana sasama kami." Ang sabi ni Steffany, kung kaya walang nagawa ang binata kundi ang hayaan sila.
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST PRINCESS (COMPLETED)
FantasíaAriana lived in the mortal world. But the time came when she needed to know who she really was. What if she found out she was a princess? Not an ordinary princess, but with the power of the four elements.