~*Chapter 9*~ I still love him

146 2 0
                                    

Chapter 9

"GF.. Alam mo ayoko ko sa model."

~*Ruth's POV*~

"Paki ko? -_-" Sagot ko naman sa kanya.

"Alam mo kasi manloloko sila eh." Makasabi naman to ng manloloko ang mga model, eh model din kayo ako! =_= No. 1 pa nga sa bansa eh, saka ako niloko no! 

"Wag mo lahatin okay? Di porket niloko ka ng isa eh manloloko na lahat, pwede maging bitter pero wag ijudge ang ibang tao. Parang sinabi mo na din na manloloko ako." Makapagsabi lang ako ng wag lahatin eh no? Hehe. Di ko naman talaga nilalahat eh. I still trust one guy, my Daddy. 

We're still here sa tree house. Nag fafacebook lang naman ako sa cellphone ko at siya ayun nakatingin sa kawalan at nakahiga. Ewan ko ba, hobby niya yan eh remember? Nung una kaming nagkita nakahiga din siya. Natutulog.

"GF.." with his cold voice again. 

"Oh?" maikli kong sagot. Natatakot ako sa sarili ko. Habang tumatagal kasi nasasanay ako sa pagtawag niya sakin ng GF. Nasusuka na natatakot ako eh. 

"Sa Saturday dadating sila Mommy. I need you." Nanatili siyang nakahiga, this time pumikit na siya. So? Anong gusto niyang gawin ko? Ang i-welcome pa ang parents niya? Abuso much?

"Ah may photoshoot ako nun eh." 

"Pwede mo ba i-cancel yun? Kasi diba yung usapan natin?" He's talking about the deal chuchu namin. -_- 

"Di pwede eh, big project yun at wala naman tayong pinag usapan na i-cacancel ko ang passion ko para lang sa usapan natin. " Sagot ko. I love my job at hindi ko sasayangin ang pinaghirapan kong pwesto sa modelling world para lang sa isang bagay na hindi naman ako magbebenefit. 

"Ah ganun ba? Sige wag na lang." Ang lungkot ng boses niya O.O Ano 'to? One of his ways? Pagpapacute nanaman ba 'to? Gawd stop it!

"Anong oras ba? 3-8 pm ang schedule ko." I said. Ba't di ko matiis tong asungot na to ? >,<  Kayang kaya ko naman iturn down yung favor niya na yun pero ano? 

"Ah wag na lang baka di ka makahabol." Malungkot niyang sagot. I look at him, nakaclose eyes lang siya at walang ibang emosyon na pinapakita.

"Ako Girlfriend mo diba? That's my responsibility." Eneyen Ruth Sy? Mga linyahan mo ah! Nakakairita naaaaa! Ano ba, pinainom ba ko ng gayuma ng unggoy na 'to?

Argh!! nakakainis ano-ano na lang lumalabas sa bibig ko!! Pumayag na nga siya eh.

Eh kasi naman ang lungkot ng boses niya nakakatouch eh. =_= Kahit naman mukha akong cold may pakiramdam padin ako. Like duh.. tao padin naman ako. Magandang nilalang pa nga! 

"8 PM. May business meeting pa kasi sila."

"Ah ganon, kaya' naman pala eh nag iinarte ka pa diyan." Kunayaring naiinis ako. Inirapan ko siya pero pinisil niya lang ang pisngi ko. Spell awkward? B-L-U-S-H. 

"Sorry GF hehe thank you!" Aba baliw ba to? Ngayon ang saya niya lang. Ang saya ng dating ng boses niya. Binatukan ko siya kaya kinamot niya ang ulo niya. Nagpatuloy na lang ako sa pagfafacebook. Ayoko ng makipag usap sa kanya dahil ano ano na ang nasasabi ko. Delikado baka pinainom niya talaga ako ng gayuma. Walang imposible lalo na kung kasing ganda mo ko. Ruth yan ih. 

"GF ano favorite color mo?" Di ko siya pinansin. Ano naman gagawin niya sa favorite color ko?

"Eh favorite food?" Di ko pa din siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagfafacebook. Marami rami din ang friend request ko. Mostly mga classmates kong lalaki. Dahil di ko naman sila mga close ay di ko na lang pinagpapansin. Inadd ako ni Luke saka ni Gavin buti wala si Jayden. For sure kasi bobolahin lang ako ng chikboy na yun. 

I'm Still Into You [Under construction ^_^]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon