Hindi ko naman talaga siya gusto. Sadyang siya lang ang nakita kong pwedeng utuin at paglaruan ng husto.
Nagsimula lamang ito sa isang pustahan at sa 'di inaasahang pagkakataon ay nakita ko siya. Siya na ubod na lampa at parang tanga kung kumilos.
Akala ng lahat no'n na patuloy ko pa rin siyang inuuto at pinaglalaruan. Subalit hindi...dahil nabago lang din ang lahat nang mapagtanto kong totoo na pala ang lahat. Simula sa pagsasabi ng I love you, hanggang sa pagtatanong ng puwede ba akong manligaw.
Ang weird lang na mahantong pa sa ganito ang lahat. Gusto ko lang naman sanang manalo sa pustahan namin pero bakit parang pati sa puso niya mas gusto ko ng manalo?
BINABASA MO ANG
Ginaya Ko Si Max Ng He's Into Her
Romanzi rosa / ChickLitIsang babaeng hilig manggaya ng kanyang mga idolo na mga fictional characters lamang. Marami na ang kaniyang nagaya na mga character. Subalit si Maxpein ang pinaka-gusto niyang gayahin. Ang bida ng He's into Her. ©: All Rights Reserved Date Publishe...