LOEXIEWALA ako sa sarili hanggang sa makauwi kami ni Iko, pero bago yun ay dumaan kami ng botica. Bumili ako ng pills at agad itong ininom ng makauwi ako
Hindi ako puwedeng mabuntis, hindi ako puwedeng magkaanak sa toong hindi ko lubos na kilala, at saka ayoko pang mag anak hangga't nasa puder ako ng Pamilya ko, ayoko pa hangga't may binabayaran pa akong utang nila.
"Tita, kanina pa may nagte-text sa iyo.." Sabi ni Iko kaya nabalik ako sa ulirat
Kinuha ko naman ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang nag text
From: Uvexiu
Punta ka Bar, yung taxi driver mo lasing na lasing
To: Uvexiu
Hayaan mo siya diyan, kahit mamatay yan wala akong paki
From: Uvexiu
Puntahan mona
Hindi na ako nagreply
Bakit ko siya pupuntahan? Gagong yun
Humiga na lang ako sa tabi ni Iko at pumikit hanggang sa makatulog ako. Nagising na lang ako ng may marinig akong sigawan sa labas.
Nagmamadali akong bumangon at lumabas ng kuwarto ko. Nadatnan ko si Mr. Ching na may hawak na baril at nakatutok ito kila Papa. Siya ang taong pinagkakautangan ng Pamilya ko
"IKAW SABI BAYAD NGAYON!" Galit na sigaw nito. "PATI AKIN KAPATID INUTANGAN MO!"
"Sandali po.." Pumagitna ako sa kanila. "Magbabayad na po ako, kaso three hundred thousand pa lang."
"Hindi ako payag!" Galit na sabi nito. "Bigay mo agad eight hundred thousand!"
"Opo, bukas po." Wala sa sariling sambit ko. "Pupunta po ako sa inyo bukas. Pangako po."
Ibinaba nito ang hawak niyang baril. "Ikaw sigurado ah? Dahil kapag hindi, ako patay kayo."
"Opo.." Sunod sunod akong tumango
"Kailangan din bayad niyo na utang na two hundred thousand sa kapatid ko, next month balik ako para doon." Sabi nito bago tumalikod at umalis
Nilingon ko sila Mama. "Ma, may two hundred thousand na naman? Saan niyo po dinala?"
"Pinambayad ko sa utang ko sa casino." Sagot nito
Halos gusto ko ng maiyak dahil sa sinagot niya. Ito na naman kami eh
Bumalik na lang ako ng kuwarto ko. Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko habang iniisip kung saan ako hahanap ng five hundred thousand bukas at saan ako hahanap ng two hundred thousand
Kung puwede lang ibenta kona lang ang mga organs ko.
Hanggang mag umaga ay yun lang ang iniisip ko. Maaga akong umalis at nagtungo sa bar para humiram ng limang daang libo
"FIVE HUNDRED THOUSAND!?" Gulat na tanong ni Manager. "Loexie, hanggang fifty thousand lang ang kaya ko. Wala akong five hundred thousand."
Napahinga ako ng malalim. "Sige po, salamat po."
"Loexie, kung kailangan mo talaga ng malaking pera ngayon mas mabuti siguro kung pumayag ka ng magpakama." Sabi nito. "Sigurado akong kikita ka ng mahigit five hundred thousand ngayon kapag ginawa mo yun."
Tumango lang ako bago lumabas ng office niya. Napaupo ako sa stool ng bar counter habang tulalang iniisip kung saan ako kukuha ng limang daang libo para ipambayad mamaya
"Magpakama na kaya ako?" Bulong ko. "Tangina!"
Nagulo kona lang ang buhok ko sa sobrang inis. Pakiramdam ko mababaliw na ako dahil sa sobrang pag iisip ko
Napalingon ako sa gilid ko ng may pumito, hindi ko alam pero pakiramdam ko nabuhayan ako ng loob ng makita ko si Cideon
"Mag usap tayo." Sabi ko dito bago tumayo at dire diretsong lumabas ng bar
"What do you need?" Tanong nito bago sumandal sa taxi niya
"Kakapalan kona ang mukha ko." Nahihiyang umiwas ako ng tingin. "May kilala ka bang puwedeng utangan ng malaki?"
"Magkano ba kailangan mo?" Seryosong tanong nito kaya napatingin ako sa kaniya
"Five hundred thousand." Sagot ko. "Kailangan ko ngayong araw din."
"Wow." Natawa ito. "May kilala ako. Sakay ka."
Pumasok ito sa loob ng taxi niya kaya sumunod na lang ako. Mukhang magkaka-utang na loob pa ako sa lalaking ito
"Cash ba or cheque?" Tanong nito
"Kahit ano basta buong five hundred thousand." Sagot ko at tumango naman ito bago paandarin ang taxi niya. "Wag sa illegal ah?"
Ngumisi lang ito.
Tahimik lang kami sa biyahe at maya maya pa ay huminto kami sa bangko. Kunot noong nilingon ko si Cideon
"Magwi-with draw lang ako." Sabi nito at agad bumaba
Sumunod naman ako sa kaniya. "Teka, anong magwi-withdraw?"
May itinaas itong card. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang hawak niyang isang black card
"Saan mo ninakaw yan?" Tanong ko dito
"Bakit ko nanakawin ang pagmamay ari ko?" Tinaasan ako nito ng isang kilay. "Papautangin kita."
"At anong kapalit?" Sinamaan ko siya ng tingin
"Ofcourse, babayaran mo ako." Ngumisi ito. "Puwede ring araw araw mo lang akong sakyan bilang kabayaran."
Inambahan ko siya ng suntok na ikinatawa niya lang
Pumasok kaming dalawa sa loob ng bangko at parehas nag with draw. Winith draw ko ang three hundred thousand na naipon ko.
"Oh.." Inabot sa akin ni Cideon ang isang bag na may lamang pera. "Saan mo ibabayad yan? Samahan na kita."
Tumango lang ako bago maunang sumakay ng taxi niya. Sumunod naman ito sa akin
"Marami ka pa lang pera bakit nagta-taxi driver kapa?" Tanong ko dito
"Kasi gusto kong sinasakyan ako." Sagot nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I'm just answering your question."
"Wag mo akong ginagago, alam kong hindi ka lang simple taxi driver." Sabi ko dito. "Sino kaba talaga?"
"You will know soon." Nakangising sagot nito bago huminto dahil red ang ilaw ng traffic light. "I hate traffic."
Bored itong sumandal sa upuan ng taxi. Nilingon ko ito at sakto namang lumingon din ito sa akin
"I forgot to say that I need down-payment para masiguro kong babayaran mo ako." Sabi nito
"Magkano?" Tanong ko dito
"Here."
Mabilis nitong kinabig ang batok ko na ikinalaki ng mga mata ko
"Now, I'm sure na babayaran mo ako." Ngising asong sabi nito bago paandarin ang taxi
Gago lang?
BINABASA MO ANG
The Stripper Moan [COMPLETED]
RomanceWARNING: R🔞 Dahil sa malaking utang ng Pamilya niya napilitan siyang umalis sa trabaho niya bilang waitress, hindi sapat ang kita niya doon kaya naghanap siya ng trabaho na malaki laki ang kita. Pero lahat ng ina-applyan niya ay tinatanggihan siya...