Special Chapter

31.4K 754 41
                                    


LOEXIE VISITING HER PARENTS


LOEXIE

    "NANDITO lang ako," Nakangiting sabi ni Cideon na hawak ang kamay ko. "Magiging okay ang lahat."

Tumango lang ako.

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto, bumukas naman ito at iniluwal non si Mama

"Hi, Ma." Bati ko

"Anong ginagawa mo dito!?" Galit na tanong nito. "Umalis kana!"

"Gusto ko lang sabihin na ikakasal na ako," Ngumiti ako. "Kung gusto niyo pong pumunta ay pumunta kayo."

"Sino ba yan?" Narinig ko ang boses ni Papa

Lumaki ang bukas ng pinto, nakita ko si Papa ganoon din sila Kuya

"Gusto ko lang magpasalamat sa inyo," Tumulo ang mga luha ko. "Gusto kong magpasalamat dahil binuhay niyo ako, h-hindi niyo man ako minahal, ang mahalaga ay binuhay niyo ako. T-Tapos na ang responsibilidad ko sa inyo, tapos na ang paghihirap ko sa inyo, pero imbis na maging masaya ay nalulungkot ako."

"M-Ma, P-Pa, minahal niyo ba ako?" Tanong ko sa kanila. "O binuhay niyo lang ako para may source kayo ng pera?"

"Yun na ang kabayaran mo sa pagbuhay namin sa'yo! Wag kang manumbat!" Galit na sabi ni Papa. "Umalis kana! Hindi namin kailangan ng kadramahan mo!"

Pinunasan ko ang mga luha ko. "Sa Biyernes po ang kasal ko, pumunta na lang po kayo."

"At Kuya, ayos lang si Iko." Baling ko sa kapatid ko. "Malakas na siyang bata at masaya na siya sana ay huwag niyo na siyang guluhin."

Tumalikod ako at inaya na paalis doon si Cideon. Hanggang sa huling pagkakataon ay nihindi nila nasabi sa akin na tinuring nila akong Anak at minahal nila ako.

"Shhh, stop crying." Sinapo ni Cideon ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. "I'm here meu amore."

"M-Magiging mabuting parents ako." Sabi ko dito. "Hindi nila mararanasan ang naranasan natin."

"Yes, I promise." Sabi nito. "We we love them, ibibigay natin lahat ng pangangailangan nila, ibibigay natin ang buong pagmamahal natin sa kanila."

"Hindi natin naranasan ang pagmamahal na hinahanap natin sa mga magulang natin kaya hindi natin iyon ipararanas sa mga Anak natin." Dagdag pa nito. "You will be a good Mother."

"Salamat," Nginitian ko siya. "Ikaw ang magiging pinaka the best Daddy. Salamat Cideon, mahal na mahal kita."

"Uwian na natin ang mga Anak natin," Sabi nito at pinagbuksan ako ng sasakyan niya

Pumasok naman agad ako sa loob. Nang makasay si Cideon ay agad niya itong pinaandar.

Tama si Cideon, magiging mabuting magulang kami. Hindi ko ipararanas kay Iko at Lexie ang naranasan ko, hindi ko hahayaang maramdaman nila na hindi sila mahal ng magulang nila, hindi ko hahayaang maranasan nila na ginawa lang sila para sa pera.

I will love them more than my life.

Nang makarating sa bahay ay agad kaming bumaba ng sasakyan ni Cideon at sabay na pumasok sa loob

"Where's the kids?" Tanong ni Cideon kay Chloe–Isa sa mga katulong sa bahay

"Tulog po," Sagot nito. "Magkatabi po sila ngayon sa kuwarto niyo."

Napatango naman kami bago magtungo sa kuwarto namin. Nadatnan namin ang tulog na si Iko at Lexie na nakahiga sa kama

"Ang laki na agad ni Lexie," Sabi ko kay Cideon. "Binata na ang Kuya Iko niya."

"Mukhang kailangan na nilang sundan," Taas ang isang kilay kong nilingon si Cideon. "It's been a months meu amore."

"Aba, Quenco hindi pa nga tayo humaharap sa altar eh," Sita ko dito

Natawa lang ito bago buhatin in a bridal style. Dinala niya ako sa banyo ng kuwarto namin

"Malapit na naman kaya puwede na," Hinubad nito ang damit niya. "Don't you miss me Mrs. Quenco?"

Imbis na sagutin ay hinalikan ko lang siya.

Wala na akong nakikitang ibang makakasama ko pang habang buhay kung hindi si Cideon lang..

The Stripper Moan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon