LOEXIE
SINAMPAL ko ang sarili dahil baka panaginip lang ito pero hindi, nasa harapan ko si Cideon at kahit walang emosyon ang mukha niya ay alam kong galit siya
"Doon muna ako kila Ate Chichay," Sabi ni Iko
Kinuha nito ang pagkain niya bago lumabas ng bahay
"C-Cideon," Hindi ko alam kung anong sasabihin ko
"I want to shout you Loexie," Mahinahong sabi nito. "But I don't want to scare you. Now let's talk properly and I want you to be honest at me. Maliwanag?"
Kagat labi akong tumango. "M-Maupo ka."
Naupo naman ito sa kaharap kong sofa.
"Bakit ka nagtago?" Diretsong tanong nito
Hindi naman ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ba ang una kong dapat isagot sa kaniya
"Let me answer my question," Nagsalubong ang kilay nito. "It's because of my parents right? Natakot ka sa kanila diba? And because of that you plan–Pinlano niyo ni Aqua na magtatago ka diba? You hide while you arw carrying our Child."
Mahinahon lang ang pagsasalita niya pero alam kong galit siya
"K-Kasi muntik ng mamatay ang Anak natin nung time na yun, natakot ako," Tumulo ang mga luha ko. "At anong laban ko sa estado ng buhay mo? Tama ang Mama mo, dapat mahiya ako kasi isa lang akong pokpok."
"I understand that pero diba dapat kinausap mo muna ako? Wala ka bang tiwala sa akin?" Bakas ang sakit sa boses niya. "Don't you trust me Loexie?"
"Hindi naman sa ganoon," Tiningnan ko siya. "Hindi kona kasi alam ang gagawin ko, naguguluhan na ako."
"Kaya imbis na kausapin mo ako, si Aqua ang nilapitan mo?" Natawa ito ng pagak. "Hindi ako nanunumbat Loexie, pero wala ba akong halaga sa iyo? Ganoon ba ako ka-walang kuwenta?"
"Hindi ganoon yun Cideon, ayoko lang isipin ng ibang tao na minahal lang kita dahil sa pera mo," Pinunasan ko ang mga luha ko. "Alam mong masama ang tingin sa akin ng ibang tao, ayokong pati Anak natin maapektuhan."
Napahinga ito ng malalim bago ako lapitan, lumuhod ito sa harapan ko at niyakap ako
"Shhh, okay I'm sorry," Mahinahong sabi nito. "Stop crying."
"H-Hindi kana galit?" Humihikbing tanong ko
"I'm mad, very mad." Mahinahong sagot nito. "Pero wala namang magagawa ang galit ko dahil nangyari na."
Niyakap kona lang siya, dinama ko ang mainit niyang katawan at mabango niyang amoy. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakapan, humiwalay lang ako ng maging okay na ako
"Kung hindi ko pa tinakot si Aqua, hindi ko malalaman kung nasaan kayo." Sabi nito
"Sorry na," Sabi ko dito. "Wala lang talaga akong lakas ng loob noong mga panahong iyon, kasi nga mayaman ka, pokpok lang ako. Pero ngayon handa na akong harapin ang lahat, ipaglalaban na din kita kagaya ng ginagawa mo sa akin."
"You don't need to fight meu amore, wala ng hadlang sa atin." Sabi nito at hinawakan ang kamay ko. "Don't be afraid okay? I'm always here for you."
"Salamat," Naiiyak na sabi ko
Imbis na sumagot ay inangkin niya lang ang mga labi ko na agad kong tinugunan. Namiss ko ang halik niya
"Nandito na ako!" Napahiwalay kami ng marinig namin ang boses ni Iko. "Tito Cideon, hindi pa nga nanganganak si Tita, gusto niyo na agad sundan!"
Natawa naman si Cideon bago ito senyasan na lumapit sa kaniya. Lumapit naman si Iko dito.
"Naging good Kuya kaba?" Tanong dito ni Cideon
"Siyempre po," Sagot nito. "Magiging Kuya na ako kaya dapat very good ako. Ayokong ma stress si Tita, baka may mangyari sa kapatid ko."
Napangiti naman si Cideon. "Kailangan may reward ang Kuya na yan. Ano bang gusto mo?"
"Bike," Sagot nito. "Mayaman ka naman kaya pwede na akong humiling po, matagal kona gusto ng bike kaso kailangan unahin namin ni Tita si Baby eh."
"Ang kita niya sa mga raket niya ay puro sa amin ni Baby napupunta," Sabi ko kaya napatingin sa akin si Cideon. "Sobrang good boy yan."
"Dahil diyan deserved ng Kuya na yan ng bike," Sabi dito ni Cideon. "Kakausapin ko din ang school dito sa Antipolo. Ihahabol kita para hindi kana mahuli sa pasukan."
Napangiti ng malaki si Iko bago yakapin si Cideon. "Thank you po."
Napangiti na lang din ako. "Salamat Cideon."
"Anything for you," Ngumiti ito. "Huwag kang mag isip ng kung ano ah? Mahal kita Loexie at gagawin ko lahat para sa iyo–para sa inyo."
"Sige, mag sweet muna kayo." Kinuha ni Iko ang mga pinagkainan namin. "Huhugas ko lang ito."
Nagtungo ito sa kusina kaya kami na lang ni Cideon ang naiwan sa sala.
"Kumain kana?" Tumango ito. "Ano ng plano?"
"We will stay here until you gave birth," Sagot nito at inakbayan ako. "Then, babalik tayo sa atin, nakahanda na ang bahay natin, malapit na siyang matapos. Pagkatapos nun, ihaharap kita sa altar."
"Totoo?" Nakangiting tumango ito
Buong akala ko walang magmamahal sa akin, akala ko habang buhay na lang na magulo ang buhay ko then Cideon came, he changed everything.
"Bumalik na ang Pamilya mo sa inyo," Biglang sabi nito kaya natigilan ako. "Don't be mad okay? Binayaran kona lahat ng utang nila dahil gusto kong matapos na ang responsibilidad mo sa kanila. Ayokong pagbalik natin ay ma-stress ka lang."
"Salamat, pangako babayaran kita." Saad ko dito
"No need, just marry me." Pinagsiklop nito ang mga kamay namin. "Tandaan mo na ang lahat ng akin ay sa iyo Loexie. Especially my body."
Natatawang kinurot ko lang siya sa tagiliran
"Salamat dahil hindi mo ako sinukuan," Sabi ko dito. "Mahal kita Cideon, mahal na mahal."
"Thank you for waiting Loexie. I'm willing to sacrifice everything just for you."
BINABASA MO ANG
The Stripper Moan [COMPLETED]
RomansaWARNING: R🔞 Dahil sa malaking utang ng Pamilya niya napilitan siyang umalis sa trabaho niya bilang waitress, hindi sapat ang kita niya doon kaya naghanap siya ng trabaho na malaki laki ang kita. Pero lahat ng ina-applyan niya ay tinatanggihan siya...