Dear Elise,
Oh baby, there's something that I have to tell you 'bout.
Hello, Elise 'My Love'! Sana maayos ang kalagayan mo habang binabasa mo 'tong sulat ko para sa'yo. Siguro, wala na ako sa tabi mo sa panahong yun, pero wag ka sanang mag-alala. Elise, may gusto sana akong sabihin sa'yo. Sana maintindihan at matanggap mo ang lahat ng nilalaman nito. :)
Can't hold it in my heart, all this pain is breaking me down.
Masakit ang gagawin ko para sa'kin, at alam ko rin namang masasaktan ka dito, pero... Humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng kasalanan at sa mga pinagsisihan kong hindi nagawa para sa'yo. Ayoko nang makita kang nasasaktan, kaya kahit masakit para sa'kin ay tatanggapin at titiisin ko ang anumang bagay na makakapag-ayos ng nasira mong pangarap. Nang dahil sa'kin.
Though I follow my one true love, couldn't show you how I feel.
Kahit na mahal kita, sa tingin ko hindi sapat yun. Aaminin kong nagkulang ako na ipaglaban ang pagmamahalan natin at hindi ko alam kung paano maipaparamdam sa'yo ang pagmamahal ko. Mahal na mahal kita, totoo yun.
I was stupid baby, my pride wouldn't let me be real.
Nagagalit ako dahil.. Bakit hindi ko kayang magpakatotoo sa sarili ko? Bakit ang selfish ko simula noong minahal kita at hindi ko man lang inisip ang mga sakripisyo mo? Napatunayan kong napakamanhid at napakatanga ko nung mga panahong yun...
I'm asking for one more chance.
Kung magkakaroon man ng pagkakataon na magkita tayong muli, sana bigyan mo ako ng pagkakataon para ayusin ang lahat na nasira ko. Para itama ang mga mali at magbago.
Didn't know where you stand or what your feelings demanded from me.
Hindi ko man alam kung pagbibigyan mo ba ako pero.. Sana kahit mawala ako sa tabi mo, maaalala mong labis kitang minahal. Minahal mo man ako o hindi, lagi mong tatandaan na kahit saan ako naroroon, hindi magbabago ang pagmamahal ko.
I pleaded your love wouldn't pass. You left me out in the rain, when you just walked away.
Lagi mong tatandaan na kahit mawala man ako sa tabi mo at kahit maging malungkot ka nang dahil dun, lilipas din ito. Magsisilbing ulan ang masasaya nating alaala para alisin ang mga panahong lugmok ka. Mamukadkad ka at yayabong, para maging matatag sa mga susunod na unos.
We were so much in love, tell me how could you forget? Wish you were here with me but memories are all I have left.
Tatanggapin ko ang kahit anumang kapalit, magtitiis ako habang hawak ang mga 'di malilimutang masasayang alaala natin. Tuwing maiisip ko yun, akala ko kapiling pa rin kita. Hindi na pala, o baka maging hindi na talaga.
It seems the promises that you made to me were nothing.
Nangako akong lagi kang mamahalin kahit nararamdaman kong mas mahal mo ang pamilya mo. Naiintindihan ko naman yun at ang mga pagkakamali ko, pero bakit hindi mo pansin?
And you smile, girl, but I can see your hurt within.
Baka hindi mo talaga ako mahal, sinasabi mo lang yun dahil naaawa ka sa'kin. Pakiramdam ko, hindi ka masaya tuwing kasama ako. Kahit nakangiti ka, alam kong hindi totoo yun. Alam kong para sa kanila ang lahat ng sakripisyo mo pero kulang pa ba ang lahat ng yun? Hindi ka ba napapagod? Ayaw mo bang magpahinga man lang muna? Dapat na nga sigurong lumayo ako para sa ikabubuti mo.
Baby, give me your hand, so we can both understand this love.
Kung magkikita man tayong muli, yayakapin kita para malaman mo kung gaano ako nalungkot nung wala ka sa piling ko. Sana mahawakan ko ulit ang kamay mo para malaman mo kung minahal o minamahal mo pa rin ako. Sana nga dumating pa ang pagkakataong yun. Hindi na kita iiwan, hindi na ako lalayong muli at hindi na kita pakakawalan pa.
All the pieces of my soul want to live in your heart.
Ikaw ang laman ang puso ko, kaya kung hindi ka masaya ay ako rin. Kung ang pagbibigay sa'yo ng ligaya ay magdudulot para bigyan ako ng pagdurusa, bakit tatanggihan ko pa? Sa ngayon, hindi ko na iniisip ang kapakanan ko. Ikaw ang mahalaga.
Gotta close the door, just like you did before. See my heart is broken, baby I can't do it no more.
Kung magkikita man tayong muli at hindi mo na matatanggap pa, hindi ko na alam. Hindi naman kita masisisi. Hindi ko na alam kung makakaya ko pang masaktan. Kaya kong tiisin ang anumang pisikal na hapdi't kirot, pero hindi ko na kakayanin pa kung ang puso ko ang makakaramdam nito.
Even though it hurts, I'll make a brand new start. And lay the rest all the moments that played in my heart.
Kaya nasasaktan ako, pipilitin ko pa rin na bumangon. Hindi ako susuko dahil hawak ko pa rin ang alaala mo. Ang alaala ng pag-ibig ko para sa'yo.
But just before I do, I gonna let you know that; no man will love you more, so baby never forget.
Peo bago ko gawin yun, huwag mo sanang kalimutan ang isang tulad ko na kahit sino'y walang makapapantay sa pag-ibig na inalay ko.
Listen, I'm without you. All I know is right now, I love, I always love you.
Sana'y maintindihan mo kung bakit ko gagawin yun. Mawala man ako sa tabi mo, hindi mawawala ang pag-ibig ko para sa'yo.
This song is a story of a true love tragedy, I gave up my heart. I tried to give you all of me.
Aaminin kong naging pasakit ako sa buhay mo. Hindi ko man kinaya ang masalimuot na pag-iibigan natin, kinaya ko naman na gawin ang lahat. Pero bakit tila walang nangyari?
We've come to the ending somehow, I don't know what to do. But I don't wanna forget now.
Ano pa bang magagawa ko para maayos ang lahat? Masakit man para sa'kin, gagawin ko pa rin yun. Wala na akong alam na paraan, yun na lang ang natitira kong pag-asa at hindi ko rin kayang kalimutan ka.
This is the sound of honesty, I tried to be all I could be.
Magiging tapat pa rin akong umiibig sa'yo kahit saan mang landas ako makarating.
My heart gonna wait forever, I'm still holding on to. All of our moments together.
Kahit gaano katagal, maghihintay ako at hindi bibitaw sa paniniwalang baka mahal mo rin talaga ako.. Sana minahal mo rin ako. Sana mahalin mo pa rin ako kung makakabalik man ako.
I love you baby, I still love you.
Huwag mong kakalimutan, iiwanan kita ngayon hindi dahil sa hindi kita mahal. Mahal na mahal, minahal, at mamahalin pa rin kita hanggang sa huli. Mag-iingat ka, huwag mong papabayaan ang sarili mo. Magtiwala kang magkikita ulit tayo. Sana'y hintayin mo ako sa araw na yun. Paalam, sa ngayon.
Your Love,
Anthony
BINABASA MO ANG
Love Story by Bi Rain (my tagalog version story)
Short StoryIn a world full of darkness and deception, a hired killer falls in love with an ordinary girl. She gave a colorful light he'd been looking for a long time in his life, pero hindi niya inaasahang ito pala ay hindi karapat-dapat sa kanya. Hindi pala i...