In Time Of Trial

1.7K 19 0
                                    

Huminga ako nang malalim nung nasa harap na ako ng pinto ng opisina (a.k.a. hideout) ni Boss. Alam kong hindi ko na magagawang makalabas pa nang buhay sa pagpasok ko dun, pero nandito na'ko. Buo na ang desisyon ko, sa huling pagkakataon ay mababago at maisasaayos ko na ang buhay ni Elise kahit sa ganitong paraan man lang. Aayusin ko 'to the way it should be. Kahit buhay ko man ang nakasalalay rito.

Kakatok pa lang sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa'kin si Norman, ang sipsip na kanang kamay rin ni Boss. Naging magkaibigan rin kami nito, pero alam kong hindi siya totoo sa pinapakita niya. Mas maaasahan ako kaysa sa kanya, at ramdam kong competitive siya. Gusto niyang maungusan ako. Ibibigay ko na sa kanya ang inaasam niyang trono. Wala na akong pakialam dun.

Tila bumabalik yung mga alaala ng dating Anthony, ang dating ako. Siya ay isang magaling at mapanganib na hired killer, maangas na kanang kamay ng pinakamayamang Boss ng pinakamaimpluwensyang mafia clan ng bansa. Malakas manigarilyo, palamura at mahilig makipag-away. Hindi umuurong sa anumang laban, sa kahit saang lugar o kahit anong paraan. Idagdag pa na siya'y gwapo, matangkad at may matipunong katawan, walang patid, o sabihin na natin na siya'y may iba't-ibang karelasyon.

Naging madilim at marahas ang buhay niya sa pamamalagi sa F.I.R.E. Mafia Clan. Hindi niya masisisi ang pamilya na noong nagbinata siya'y ibinigay siya rito para maging maayos ang buhay niya kapalit ng serbisyo niya rito. Naging maayos nga ba ang kanyang buhay? Pinaghirapan at pinagsumikapan niya ang lahat ng meron siya ngayon. Si Anthony, sa pagkabata niya na matalino't masayahin, ay naging isang nilalang na ang tanging pinahahalagahan ay pera, prayoridad ang pagpatay sa kahit sino at sumasamba lang sa pansariling kapangyarihan.

Natagpuan kong nakaupo si Cheska sa lap ni Boss. She was a prostitute and a seductive mistress of the latter, and now they're kissing intensely to each other.Nang mapansin nilang nandun ako ay agad tumayo si Cheska papunta sa'kin.

"Oh, so you're here? The man who made my love for him into waste. How are you?" tanong nito.

Pagkatapos nun ay hinalikan niya rin ako. Tila sanay na talaga siyang humalik dahil matagal niya na rin 'tong trabaho. She was lying, alam kong hindi niya ako minahal kahit minsan. Money is all that matters for her. Agad ko siyang pinatigil sa maling gawain niya.

"Stop that! Pwede ba, wag mo nang pahirapan ang sarili mo? Magpahinga ka na, itigil mo na 'to!" sabi ko habang nakahawak sa balikat niya pagkatapos kong itulak siya palayo.

"How dare y---!" sambit niya na akmang sasampalin ako pero nahawakan agad ni Boss ang wrist nito.

"Let us settle this matter. Leave us alone." kalmadong sabi niya na agad naman niyang ikinabigla, sabay umalis.

"Have a seat." anyaya niya sa'kin habang papunta sa upuan niya.

His usual blank face makes me cold. Kinakabahan ako. Kahit sanay na ako sa look niyang yun, alam kong sobrang galit siya sa'kin. Tho marami siyangbabae, si Elise ang pinakapinahahalagahan niya. Ayaw niyang maagaw 'to mula sa kanya, ang Boss namin.

"Ngayon, papipiliin na naman kita. Kung ako ang pipiliin mo, I'll give you all the treasures you desire: all the wealth you want will be given to you as my greatest man. But you should leave Elsie first, makipaghiwalay ka! Well, kung magkakasalubong man kayo, treat her as an ordinary person, like you've never known nor love each other before. But if not..." nilapag niya yung sigarilyo, tumayo siya at kinuha ang baril niya mula sa ilalim ng table niya.

"I'll kill Elise's family first, she's next, and lastly... I'll kill you. You think it's too rude and hard for you? Nababagay lang yan sa mga taong tinulungan kong bumangon, and that foolish love will be your payment? This is my punishment for those people who I trust, but broke my respect and betrayed me..." sabay kasa niya sa baril at tinutok sa noo ko. Natatakot ako sa nakakalokong ngiti nito, and surely there's a meaning behind it.

"I'm not choosing what's good or best for me! I'm choosing this decision for her sake! Hayaan mo na silang mabuhay nang tahimik, Boss! Parang awa mo na..." sabay luhod ko habang mangiyak-ngiyak na nakayuko sa harap niya. Ayo ko nang masaktan pa si Elise. Gagawin ko 'to para sa proteksyon niya.

"So what will you choose, your life over your love for her or your love for her over your life?" agad na tanong nito.

"I'll choose.. You.." sagot ko sabay suntok sa mukha niya. Yun na lang ang tanging paraan para maumpisahan ko na ang plano ko. Mabilis na dumating ang mga alagad niya na may mga dalang kahoy at bakal na maaaring ipanghampas sa'kin hanggang sa mamatay ako. Simula pa lang nang makapasok ako sa kwartong 'to, alam ko nang papasok rin sila._"Patayin ninyo yan!!" bigkas ni Boss habang hawak ang namumutok niyang labi. Duguan ang bibig nito sa lakas ng aking pagsuntok.

"Sige, patayin ninyo ako! Diyan naman magaling si Boss, controlling us, robots. Ni hindi nga makalaban yan?!" sigaw ko na may halong pagbibiro. I'm not joking, really.

 Totoo yun, tinatapatan niya lang ng pera ang bawat kilos at galaw namin. Magaling lang siyang magsalita, pero napakaduwag niyan.

"You, assh*le! B-babalikan kita!!" sabay padabog na sinara ang pinto at iniwan ang labing-isa niyang alagad. Twelve talaga KAMI. Yeah, kasama ako sa 12 Servants ng F.I.R.E. Mafia Clan, the best of the best hired killers ng nasabing grupo.

"So, paano ba yan? Iniwan niya na tayo, kilos na! Show me what you've got, kiddos!" sabay tanggal ko sa coat ko. Kahit naman nagbago at naging mabait na ako, hindi pa rin matatawaran ang galing ko sa pakikipagsuntukan. Dakilang basagulero yata 'to.

"Ang yabang mo pa rin talaga, ano?" sabi ni George, ang pangatlo sa grupo na may hawak ng kahoy na pamalo.

"Ito'ng sa'yo!" sabay suntok ni Norman sa'kin na agad ko namang nailagan. Ako pa ba? Ako kaya ang #1 ng grupong 'to?

At doon nagsimula ang mahabang laban namin. Ikaw ba naman ang kalabanin ng labing-isang katao na may dala-dalang pamalong kahoy at bakal, ewan ko na lang kung hindi ka mapagod. Gusto  na talaga yata nila akong patayin, idagdag pa na lahat sila'y galit rin dahil sa inggit na matagal na nilang tinatago.

Halos maligo na rin kami sa dugo ng isa'-isa. Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan nila ako ng pagkakataon para mambasag ng mga pagmumukha nila, kahit sa huling sandali man lang ng buhay ko. Pasalamat na rin akong wala silang baril, kung hindi ay baka kanina pa malamig ang bangkay ko. Magang-maga na rin ang mukha ko at sobrang sakit na rin ng kasukasuan ko. Namamanhid na ang kamao ko kasabay na rin ang pagputok ng mata't labi ko. Oh yeah, ito na nga yata ang katapusan ko.

Nang halos lahat ay napatumba't naghihingalo na at kahit umiikot na ang paningin ko ay agad kong naitayo ang sarili, inayos ko muna ang bangs ko bago muling magsuot ng coat at shades. Buhay pa naman ako, kaya didiretso na ako sa airport. Hahabol ako kay Elise.

***

*AIRPORT*

Malapit na ako sa waiting area dito habang naglalakad nang halos hila-hila ang tumutulo sa dugo kong sumasakit na paa. Nagulat ako nang may tumarak na kutsilyo sa bandang tagiliran ko at nagsabing "Goodbye. Rest in peace. You're such a waste." Sabi ko na, hindi pa 'to tapos. Magkalapit lang kami nang magkasalubong kaya naging madali sa kanya ang pagsaksak sa'kin. Ang taong nakahood na yun ay walang iba kundi si Boss. Agad itong tumakbo matapos nun.

Kung nauna siya dito, pinuntahan ba niya si Elise? Sana naman hindi pa ako huli! Pero hindi ko na kaya ang sakit, dumadaloy ang dugo ko mula sa sugat kaya medyo nawawalan na ako ng ulirat. Pinili ko na munang dumiretso sa restroom para mahugasan ang sugat ko at ayusin ang sarili ko.

Hindi ko inaakalang papatayin ako ng noo'y kinilala kong ama. Ang noo'y kinilala ko bilang ang pinakamabait na tao sa mundo, ay naglaho na. Hindi pala totoo yun, gusto niya na akong patayin. Wala na akong pakialam dun, gagawin ko ang lahat para kay Elise and I'm choosing my love for her over my life.

Nung nasa restroom na'ko, hindi ko na rin nakayanang tumayo nang matagal kaya napaupo na lang ako sa sulok. Napasandal na ako sa pader sa sobrang pagod at sakit. Naghahabol na ako ng hininga at papikit na nang tumunog ang cellphone ko.

Hindi ko na kaya, pagod na pagod na ako. Wala na akong lakas na maibibigay pa...

Love Story by Bi Rain (my tagalog version story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon