The Heartbreaking Decision

2.5K 24 6
                                    

"I'm willing to sacrifice all just for you. Even if it hurts me most, your happiness is more important than mine."

Anthony's POV

After kong isulat ang letter na yun para sa kanya ay agad ko na itong nilagay sa bed side table ng kwarto namin. Nakapagpasya na ako, itutuloy ko na ang plano ko. 

Many sleepless nights had passed. At ngayong araw, sisimulan na itong matapos. Hindi ko na pahihirapan pa ang sarili ko, lalong-lalo na ang pinakamamahal kong si Elise. Siya ang buhay ko, kaya hindi ko hahayaang biguin siya, hanggang sa aking huling hininga. 

Kahit na napakahirap ng gagawin kong pasya, sa tingin ko nama'y ito ang pinakatamang desisyon na maiisip ko sa buong buhay ko. Naging napakamiserable man ng kapalaran ko, naging napakasaya naman ako nang dumating siya. Siya ang nagpatunay sa'kin na kahit gaano kahirap ng mga pinagdaanan mo sa buhay, meron at meron pa rin na dahilan para ipagpatuloy ito. At para sa'kin, siya ang dahilang yun. I'll do my best for her. 

"My Love, walang iwanan ah? I love you.." halos maluha ako nang maibulong niya yun. Nananaginip yata siya, pero bakit ako naaapektuhan dun? Saktong sakto lang sa sitwasyon ko ngayon: iiwan ko na siya para sa ikabubuti niya. Tama naman ang magiging pasya ko, 'di ba? 

Kahit naisulat ko na yun at nakapagpasya na, bakit parang may mali? Bakit hindi ko dapat gawin 'to? Bakit pakiramdam ko, hindi magiging maayos ang lahat kung iiwan ko siya?Hindi, kailangan ko nang gawin ang nararapat. Kailangan kong magpakatatag para sa kanya. Ako ang puno't dulo ng problema, kaya tama lang na ako rin ang makahanap ng solusyon. Mahal na mahal ko siya kaya hindi matitiis ng konsensya ko na magdusa siya. Makakaya ko ang anumang parusa na maibibigay sa akin, kung yun man ang tanging magagawa ko para hindi na siya mahirapan pa. Kayang-kaya ko kung para sa kanya. 

Hindi ko na kailangang mangamba. Ang lahat ng ito'y para sa ikapapanatag ng loob ko, lalong-lalo na sa kanya. Malalagpasan rin namin ang pagsubok na 'to. Halos isang buwan ko na rin 'tong pinag-isipan. Pero ngayon, sigurado na ako sa mga mangyayari, maaari man o nararapat mangyari. Handa ako sa magiging bunga ng gagawin ko. Wala nang atrasan.

Naaalala ko pa nung una kong naisip ang desisyong 'to. Noong pinagbantaan ako ni Boss na kung hindi ko raw iiwanan si Elise at magpakalayo-layo, papatayin niya raw ang buong pamilya nito, sunod siya, at huling-huli ako. Nababagay raw yun sa mga taong tinulungan niyang bumangon mula sa kahirapan, sa mga taong hindi tumanaw ng utang na loob sa kanya. Parusa niya rin yun sa mga taong pinagkatiwalaan niya, pero sinira ang respeto't pinagtaksilan siya 

Kasalanan ba namin ang lahat? Kasalanan ba naming maging mahirap kami at lumapit sa kanya para humingi ng tulong? Kasalanan bang magtrabaho sa pangangalaga niya? O kasalanan bang mag-ibigan, dahil sa utang na loob na hindi nababayaran kahit na ialay nila ang kanilang buhay? 

Hindi naman kasalanang ibigin ko si Elise, 'di ba? Hindi naman kasalanang mahalin yung babaeng nakita ko sa isang coffee shop at makipagkilala sa kanya. Hindi ko inaasahang ang babaeng minahal ko... ang siya palang.. 'Mistress' ni Boss.

Hindi rin naman niya kasalanang mahalin ang isang tulad ko. Hindi niya rin naman alam na ako ang taong minahal niya nang lubusan, ay isang hired killer at kanang kamay ng Boss NAMIN. Hindi niya, namin, kasalanan yun. Tadhana yun.

Siguro, kung 'di dahil sa'kin, hindi magkakagulo ang buhay niya. Kung 'di niya ako nakilala, may magandang kinabukasan na sana siya. Kung 'di lang sana ako ang hired killer at 'di siya ang kabit ng Boss namin, mas maayos sana kaming nagmamahalan. Kung 'di rin sana ako naging pabigat para sa kanya, mas maayos sana ang sitwasyon niya ngayon. Puro problema't pasakit ang dulot ko sa kanila, lalong-lalo na sa kanya.

Sana hindi ko na lang siya nakilala, para hindi ko na siya masaktan. Para hindi ko na masira pa ang buhay niya. Sana hindi na lang pala kami nagmahalan pa. Pero, kung 'di rin dahil sa kanya, 'di ko rin malalaman ang halaga ng buhay ko. Kung 'di dahil sa kanya, 'di ako magiging matapang at 'di ako magiging marunong lumaban sa patas na paraan. Hindi ko rin magagawang magbago't maging masaya.Sa kahit kaunting panahon man lang, naramdaman ko ang kahalagahan ko sa mundo. Utang na loob ko sa kanya ang lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos. Siya ang pinakamagandang pagpapalang natanggap ko. Mahal na mahal ko siya, hindi ako mapapagod na patunayan yun sa kanya.

Napatitig na lang ako sa maganda't maamong mukha ng mahal ko habang natutulog siya."Babalik ako para sa'yo. Huwag kang mag-alala, magkikita ulit tayo. I love you too, mag-iingat ka palagi ah?" bulong ko sabay hawi sa buhok na humaharang sa mukha niya at hinalikan ko ang kanyang noo.

Ito na rin siguro ang huling pagkakataon na makikita ko siya. Ang huling beses na mahahalikan ko ang pinakamamahal kong si Elise. Hindi ko na mapigilang hindi maluha, naiiyak ako. Sorry, Elise. Sorry kung magiging selfish ako para sa'yo. Hindi naman para sa sarili ko lang yung gagawin ko eh, para rin naman sa'yo ang desisyon ko. Sana maintindihan at mapatawad mo ako. 

Ayoko nang magsayang pa ng panahon. Agad akong naghanda para pumunta sa 'hideout' ni Boss. There's no turning back. Nasa kamay ko nakasalalay ang pag-asang mabuhay si Elise ng maayos, masaya, at payapa ang kalooban. Kahit ako na lang ang magiging dahilan para dun, sobrang saya ko na. 

Mapapanatag na rin ako.




Love Story by Bi Rain (my tagalog version story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon