Elise's POV
"Please, sagutin mo! Anthony, Anthony!!" puno ng pagpa-panic kong bulong habang kino-contact ang cellphone number niya. Matapos kong mabasa ang letter na iniwan niya kagabi ay agad akong pumunta sa airport bilang pagsunod sa napag-usapan namin. May babalikan lang siya at hindi naman daw siya magtatagal dun. Pero bakit ang tagal-tagal niya? Saan ba siya nagpunta?
Nagri-ring lang ang 'to kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong kabahan ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyayari, idagdag pa na nanlalamig akong nagpapawis at sobrang lakas na rin ng kabog ng puso ko. Dapat pala hindi ko siya hinayaang umalis nang mag-isa. Dapat sumama na lang ako eh! Nakapagpaalam naman na kami sa pamilya ko, 'di ba? Nakapagpaalam na rin kami sa ---. Hindi, sana mali yung naiisip ko. Sana wala siya dun, sana wala!
Malapit na ang flight namin papuntang South Korea, halos 15 minutes na lang pero kanina ko pa siya tinatawagan at hanggang ngayon wala pa rin siya. Pakiramdam ko halos mahihimatay na ako sa sobrang nerbyos na bumabalot sa diwa ko. Sana hindi totoo ang hinala ko, hindi talaga.
"Hi, Elise!" masiglang sagot ng nasa kabilang linya. Salamat naman, sumagot at narinig ko na ang boses ng minamahal kong si Anthony.
"Ano ka ba?! Pinapakaba mo naman ako eh! Nasaan ka na ba?" agad kong tanong sa kanya. Buti na lang talaga't sinagot niya na, kung hindi eh baka namatay na ako sa kaba rito. Malalaglag puso ko sa ginagawa niya eh!
"Elise, i-ingatan mo ang sarili mo, huh? Ibi-binigay ko na kay Sir Arevalo ang lahat ng ebidensya laban sa mafia. A-alam kong k-kayang-kaya mong malagpasan ang pagsubok na 'to. Mahal na mahal na mahal kita f-forever, hehehe! Seryoso a-ako dun! Huwag kang mag-alala s-sa'kin, l-lagi mong tatandaan na lagi akong n-nasa tabi mo. B-bye..." sabi niya between pauses with deep breath. Nauubo pa siya sa bawat hinto niya.
Ano ba talagang nangyari sa kanya? Si Sir Arevalo, pulis yun ah? Ano bang ibig niyang sabihin? Bakit ba siya nagpapaalam? Bakit ganun siya kung magsalita? Hindi ko maintindihan..
"Anthony, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit parang may iniinda ka? Please, huwag ka namang magbiro nang ganyan oh.. Mahal na mahal rin kita, 'di ba sabi mo walang iwanan?" pagkasabi ko nun ay sunod na kusang napaluha na ako at hindi na makapagsalita pa. Hindi ko na kasi mapigilan 'tong sakit eh. Yun ba ang ibig sabihin ng sulat niya? Wala na ba talaga akong magagawa pa?
"Uhh.. Ahh!" paos na sigaw ni Anthony kasabay ng tila malakas na pagbagsak ng cellphone niya mula sa mabigat na pagbitaw niya rito. Bakit niya ba ako kailangan iwan, bakit?
"A-anthony! Huwag mo 'kong iwan.. P-please? Mahal na mahal rin kita! Pupuntahan kita diyan, hintayin mo 'ko!" may halong pag-iyak na pagsusumamo sa kanya. Ramdam kong naririnig niya pa ako. Nararamdaman ng puso ko ang sakit na nadarama niya sa mga panahong yun. Agad-agad kong hinila ang mga maleta habang pinipilit kong huwag umiyak para hanapin siya, sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa.
His voice of pain breaks my heart into pieces. I know he'd been hurting for a long time just because of someone like me! I love him so much more than my life, and 'di niya rin ako binigo. Mas mahal niya ako kaysa sa anumang meron siya sa buhay niya.
I'm very thankful for that, pero paano ako mabubuhay nang wala siya? Paano ako mabubuhay nang mag-isa? Kailangan ko siya. Ayokong mawala siya sa piling ko..
I really love him so much. I need him in my life. I need to find him.
***
It's been almost a year since maka-usap ko si Anthony. Pero hanggang ngayon, missing pa rin siya. Hinanap ko siya, pero hindi ko pa rin siya nakikita. Kahit ganun, naniniwala akong buhay pa siya. Nangako siyang babalikan niya ako, pero kailan? Miss na miss ko na siya..
Nandito ako ngayon sa labas ng korte para sa kasong isinampa ko laban sa F.I.R.E. Mafia Clan. Sinunod ko ang sinabi ni Anthony at agad na nahuli sa pangunguna ni Sir Arevalo dahil sa natuklasang ito pala ang pinakamalaking drug and smuggling syndicate sa bansa.
Hindi ko palalagpasin ang ginawa nila, lalong-lalo pa na si Anthony ang gumawa ng paraan para mabulilyaso sila. Ipaglalaban ko ang nasimulan niya, ipagpapatuloy ko ang paninindigan niya para maparusahan na ang mga ito at makuha hindi lang namin, kundi ng lahat ng mga taong naagrabyado nila, ang hustisyang matagal na naming inaasam.
Malapit nang mag-umpisa ang hearing kaya hindi na rin ako mapakali. Ayan na, nag-uumpisa na naman akong kabahan! Wala pa pala yung public attorney ko? Akala ko ba nandito na siya, yun ang text niya sa'kin eh? Hay, matawagan nga.
"Hello?" nagulat ako nang marinig ang boses niya.
"H-hello.. N-nasaan ka na po, Sir?" nautal-utal ako at lalong kinabahan kasi parang pamilyar yung boses.
"I'm here. Sabi ko sa'yo babalik ako eh.." sabi ng lalaking nagsasalita mula sa likod ko. Hindi ako makapaniwala.. Siya ba talaga 'to? At last, the man who owns that voice was with me again.
But when I turned around to see him, I was surprised because.. He's holding a phone and smiling. He's wearing eyeglasses, looking damn hot and professional in his attire.
Is he m-my... Attorney??
"A-Anthony? Ikaw ang a-abogado ko??" agad kong naitanong sa kanya nang makita siya. Hindi ko na napigilang mapaiyak sa sobrang tuwang nadarama ng puso ko. Ang saya-saya ko kasi nagkita na rin kami at maayos ang kalagayan niya! Tinupad niya ang pangako niyang babalik siya't buhay ngayon!
"Yes, Elise! I'll grant your wish. I'll protect you with all I have and with all I can. I love you so much, kaya huwag ka mag-alala. With me, you're not alone. Walang iwanan, and I'll always keep you in my heart. Baby, give me your hand. So we can both understand this love." sabi niya sabay lahad sa palad niya na agad ko namang tinanggap. Pagkatanggap niya, hinalikan niya ito at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"Tara na?" tanong niya habang may malokong ngiti. Ito talaga ang pinakana-miss ko eh!
"Hindi ko na 'to bibitawan ah? Tara na, ikaw pala ang abogado ko eh!" then I gave him a kiss on his cheeks and we entered the court room while we're holding hands.
I've been longing for him here in my heart, but that ends today. I'll never let him go in my arms again.
Always.
*end*
A/N: Salamat po sa pagbabasa! Paki-vote at comment na rin oh? Sana nagustuhan mo, aja!~ :D
BINABASA MO ANG
Love Story by Bi Rain (my tagalog version story)
Short StoryIn a world full of darkness and deception, a hired killer falls in love with an ordinary girl. She gave a colorful light he'd been looking for a long time in his life, pero hindi niya inaasahang ito pala ay hindi karapat-dapat sa kanya. Hindi pala i...