I was busy listening to our professor. It was one of my favorite subjects. When suddenly my phone vibrated from the pocket of my dress that I was wearing. I was not gonna open my phone but it kept on vibrating.
Tiningnan ko muna ang prof ko kung nakatingin siya, ngunit busy ito sa pagsusulat sa pisara. Buti nalang nasa pangatlong row ako at nasa dulo kaya hindi naman niya siguro ako mapapansin. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang nagpapadala saakin ng mensahe.
I read the title of the inbox from the notification. Babe. Ano naman ang gusto nito? Binuksan ko ang mensahe niya tsaka ito binasa.
From : Babe
Archandra, nasaan na yung pinagawa ko sayong assignment namin? Ngayon na bigayan non. Babagsak pa ako dahil sayo ! Ibigay mo sakin, ngayon din! O baka naman gusto mo tayong mag break? I'll give you ten minutes na pumunta rito sa library, bilis!
Napabuntong hininga ako sa mensahe nito. Sanay na ako sa trato niyang ganito sakin. Ngunit anong magagawa ko? Mahal ko eh.
Nilagay ko ulit sa bulsa ko ang phone tsaka nagtaas ng kamay.
"Yes? Ms Tria?" tanong sakin ng prof.
"May I go to the bathroom po?" paalam ko.
Tumango lang ito kaya nag thank you ako agad tsaka nilagay ng patago ang homework ni Hariston sa loob ng aking jacket. Buti nalang may bulsa ang jacket ko sa loob. Dali dali akong lumabas ng classroom namin at agad na pinuntahan ang library sa third floor. Ang amin classroom ay nasa first floor, kaya tinakbo ko nang mabilis ang pagtungo sa library dahil magagalit nanaman saakin si Hariston kapag hindi ako nakarating doon sa loob ng sampung minuto.
Ayoko namang mag away ulit kami dahil kakabati lang namin kahapon.
Nasa third floor na ako ng may mabangga ako dahil sa bilis nang takbo ko.
"I'm so sorry, I'm in a hurry kasi. Sorry talaga" agaran kong sabi tsaka yumuko. Hindi ko nakita kung anong itsura nang nabangga ko dahil tumakbo agad ako paalis.
Pagkarating ko sa loob ng library hingal na hingal ako nang marinig ko na tinawag ako ni Hariston.
"Finally. Bagal mo talaga kahit kailan, Archandra" sabay irap nito.
"Lower down your voice, Mr" saway ng librarian.
Umirap lang ulit si Hariston. Agad akong umupo sa tabi nito at inabot ang homework niya. Tiningnan niya ang gawa ko tsaka ako ningitian.
"Thanks, babe. Mahal mo talaga ako" sabi nito sa masayang tono.
Ngumiti naman agad ako dahil sa kilig na naramdaman ko.
"You're welcome. I love you" sabi ko sakanya sa malambing na boses.
Imbis na sagutin ako nito tumango lang ito tsaka tuloy-tuloy na lumabas ng library. Hindi man lang niya tinugon ang sinabi ko. Hayaan mo na, baka busy lang.
Umalis nalang din ako ng library tsaka bumalik sa classroom namin. Bago ako pumasok, inayos ko muna ang buhok ko na naging buhaghag dahil sa pag aligaga kanina papuntang library.
Three hours had passed ng matapos na ang first class namin. Ang susunod ay three hour break. Buhay college nga naman. Inayos ko ang bag ko tsaka lumabas ng classroom. Tumambay muna ako sa open field ng university namin. May mga nagkakalat na white tables and chairs doon para sa mga katulad kong estudyante na gustong mag aral sa mahahangin na lugar.
Pagkarating ko sa open field may nakita akong bakante na table kaya inokupa ko agad iyon. I pulled out my book, which is the next subject, from my bag. Before I begin to study I pulled out my phone from the pocket of my dress then messaged my best friend, Venise Riel Bonifacio. A second year Psychology student. We met sa library, I was all alone sa table then she came to sit with me dahil mukha raw akong mabait. Ewan ko ba sa babaeng yun.
Hinanap ko sa contacts ko ang nickname ni Venise. Bebelabsosweet. Siya ang nagset ng nickname niya rito sa phone ko dahil masyado raw boring kung "venise" lang ang ilalagay ko.
To : Bebelabsosweet
Nandito ako sa field, hanapin mo nalang ako kung free ka. Mamayang one pa balik namin sa klase.
After sending her the message binaba ko ang phone ko, nilagay ko lang ito sa tabi ko dahil baka mag reply si Venise. I was on the half of the page when I heard Venise screaming.
"MHIEMAAAA!!!" sigaw niya habang tumatakbo palapit saakin.
Pagkalapit niya saakin niyakap ako nito nang todo, akala mo hindi nagkita kahapon. Natawa nalang ako sa ginawa niya. Sanay na ako na ganito siya.
"Forda sipag mo naman, mhiema. Can't relate" sabay ngiti nito sakin "Tara bar" bigla nitong yaya.
Sinabunutan ko naman ito ng pabiro "Gagi"
Nag pout naman ito "Bakit ganon, kahit minura mo ako ang sosyal pakinggan. Tapos pag ako parang kargador. Lugi ah" sabay irap niya.
"Mag aral ka na nga lang dyan. Hindi ba may defense kayo bukas?" tanong ko sakanya.
Ngumisi ito tsaka nag hair flip "Don't me. I have tapos it kahapon pa ang aking part"
"Kumokonyo ka nanaman. Epekto ba yan ni Liandro sayo" pang aasar ko rito.
Hinampas naman ako nito bigla sa braso habang kinikilig "Enebe" sabay lagay ng buhok sa likod ng tenga niya.
Parehas kaming natawa sa ginawa niya. "Wag ako, Venise. Halos two years mo ng crush yun. Nung first year college pa tayo. Hanggang parinig lang sa Facebook kaya mo" pang aasar ko sakanya tsaka tumawa.
Inirapan lang ako nito "Heh. Siya na mag first move noh, ako na nga unang nagkagusto saamin dalawa kaya siya na gumalaw sa baso"
Napailing nalang ako sa pinagsasabi nito. Binalik ko nalang ang atensyon ko sa librong binabasa ko. Nakalipas ang ilang minuto na katahimikan saamin nang kinalabit ako nito bigla.
"Eh kayo ba nung jowa mong gago, kamusta?" she worriedly asked.
Tumingin ako sakanya habang nakangiti "Ayos na kami. Kahapon pa. Kanina nga nagusap pa kami"
"Ows? anyare?"
"Hiningi niya sakin homework niya" nakangiti ko pang sabi.
Bigla ako nitong binatukan kaya napa-aray ako "Venise naman"
"Eh gaga ka pala. Kala ko naman nagbago na kahit isang porsyento yung lalaking yun, hindi pala" sabay irap nito.
"Atleast nag usap kami diba"
"Beh, ang bobo mo legit. Si koya kitang-kita na red flag, tapos ikaw nagbubulag-bulagan. Mhiema, nahiya yung red flag ng Chicken Joy sa pagka-red flag niya" naiinis na sabi nito "Ano ba kasi nakita mo sa gagong yun? Legit beh, pakisagot. One year na kayo buti kinakaya mo yan"
I thought hard kung bakit ko nga ba minahal si Hariston. "Hindi ko rin alam actually. Nung tinulungan niya lang ako sa library tinitibok na siya ng puso ko"
I heard Venise sighed heavily "Archandra, do you want me to tell you my opinion?"
"Sure"
"Archandra, you know that I support you in everything you do, right? Pero itong relasyon niyo ni Hariston? Ito lang ang inaayawan ko sa lahat ng naging desisyon mo. Like, hello, nagbabasa ka ng romance books tapos sa lalaking yun ka lang mag se-settle? Baka ilingan ka ng mga asawa mo sa napili mong lalake, teh. As a friend, I'm just looking out for you. Lalo na't masyado kang mabait" she said then pinched my cheeks softly
Iniwas ko ang tingin ko sakanya tsaka tiningnan ang librong binabasa ko.
"Never settle for less, Archandra" bumuntong hininga ito tsaka nagsalita ulit "O siya, tapos na therapy session ko sayo. Eme. Pupuntahan ko na mga kagrupo ko, baka magulat nalang ako wala na pangalan ko bigla sa papel. Bye. Mwa mwa" sabay yakap nito saakin.
Her words lingered in my mind. "Never settle for less"

BINABASA MO ANG
Woman
RomanceAt the age of twenty, Archandra's life is already full of trauma. With her traumatizing past from her family and also her boyfriend- who is only using her for his academics, which she doesn't realize or she just doesn't want to accept the fact that...