"O 'nak, matulog ka na ha. 'Wag ka nang magpupuyat. Kilalang kilala na kita, Leann."
Natawa si Leann sa tinuran ng kanyang inang si Charie. Magkausap sila sa video call. Nakaupo siya sa kama ng kanyang inuupahang bahay. "Ma, wala naman akong pasok bukas, eh." Manonood muna ako ng mga vlogs sa youtube. Alam mo naman ang anak niyo sa mga vlogs nalang ng mga couples ang nagpapakilig sakin. Sabay tawa ng malakas!
"Siya, sige. Basta huwag kang aabutin nang madaling araw diyan sa panonood mo. Hahampasin kita ng kaldero."
Muli siyang natawa. " 'Ma, paano mo naman po gagawin 'yon? Nasa Pangasinan kayo, ako nandito sa Maynila." Kahit kailan ay palabiro at nagpapatawa ang kanyang ina.
"Sa panaginip mo kita hahampasin ng kaldero kapag sinuway mo ang maganda mong ina."
"Opo promise, 'Ma. Hindi ako aabutin ng madaling araw sa panonood. Magpapaantok lang po ako."
"Promise 'yan, ah? Ayoko lang kasi na napupuyat ka, anak. Nakakabawas ng ganda at alindog 'yon."
Natawa uli siya. I love you, 'Ma," panlalambing niya sa ina. She made a flying kiss and kissing sound over the phone.
"I love you, more my Leann. Miss na miss na kita 'nak. Mag-iingat ka palagi diyan, ha? I-lock mo lagi ang pinto mo at wag kakalimutan magsara?"
"Opo. Miss na miss ko na rin po kayo subra. Mag-iingat din po kayo palagi diyan ni Kuya."
"Oo,anak. Good night."
"Good night po."
Her mother ended up the call. Kompleto na ang gabi ni Leann dahil nakausap na niya ang ina.
Fourth year na si Eisther Leann Zulliega o "Leann" sa kursong Bachelor of Elementary Education sa Far Eastern University, isa sa pinakasikat at prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Sa FEU kasi siya gustong pag-aralin ng kanyang ina. Kaya kahit mapapalayo siya rito, titiisin nito para lang magkaroon siya ng magandang kinabukasan. Umuuwi siya sa Pangasinan tuwing semestral vacation.
Hindi pumayag si Leann noong una na sa FEU mag-aral sa tatlong dahilan. Una, ayaw niyang mawalay sa pamilya. Pangalawa, mahal ang tuition fee at ayaw niyang mahirapan ang mama niya sa pagpapaaral sa kanya. Pangatlo ang mga gastusin sa Maynila at hindi sanay na mag isa. Namatay ang kanyang butihing ama sa sakit na high blood dahil naatake ito may walo na taon na ang nakararaan kaya ang ina na lang ang mag-isang nagtratrabaho at nagtataguyod sa kanilang magkapatid. Marami namang magagandang eskwelahang papasukan sa Pangasinan ngunit mapilit ang kanyang ina na sa Maynila siya mag-aral. Dream school daw nito ang makapag-aral sa FEU pero dala ng kahirapan noon, hindi ito nakapag-aral doon. Ang Kuya Jeust niya sana na magfi-first year college noon ngunit kasagsagan naman nila ng gastos sa pagpapagamot sa kanyang ama. Anim na taon ang tanda ng kuya niya sa kanya. Kaya hindi nagtagal, pumayag na si Leann sa gusto ng ina para sa kanya. Subra ang tuwa nito nang pumayag si Leann. Ayaw naman niya itong biguin kaya nagsumikap siyang mabuti para maipasa ang FEU entrance exam at scholarship program. Sa awa ng Diyos, naipasa niya ito. Malaki ang naibabawas niyon sa tuition fee niya. Kailangan lang niya i-maintain ang matataas na grado upang hindi mawala ang scholarship na naipagkaloob sa kaniya.
Ngayon, nakakaluwag-luwag na sila dahil sa may trabaho na ang kanyang Kuya Jeust niya na isang doktor. Sa sikat at malaking ospital sa Pangasinan nagtatrabaho ang kapatid at may mataas na pasahod lalo na kapag may mga surgery ito. Natutulungan na nito ang ina nila sa gastusinbsa bahay at sa pagpapaaral sa kanya. Bilib si Leann sa ina niya dahil malakas at matatag ang loob nito. Mag-aaral siyang mabuti at gagawin ang lahatvpara masuklian ang mga isinakripsiyo nito para sa kanilang magkapatid.
Ang bahay na kasalukuyang tinitirhan ni Leann ay ang dating bahay na tinirhan ng mga magulang niya sa Maynila noong ipinagbubuntis pa lang ng kaniyang in ang kuya niya. Parehong taga-Pangasinan ang mga magulang niya pero sa Maynila nagkakilala dahil sa trabaho. Hanggang sa nagpasya na ang mga ito na sa Pangasinan ng manirahan. Hindi ipinagbili ng mga magulang niya ang bahay nila sa Maynila , kahit noong mga panahong kailangan nila ng perang pampagamot sa ama nito. Kabilin-bilinan kasi ng ama nila na huwag ibebenta ang bahay dahil importante iyon dito at sa kanilang ina. Labis man ang tutol, sinunod na lang ng kanyang ina ang desisyon ng papa niya. Isa pa, alam ni Leann na ayaw rin iyong ibenta ng kanyang ina, minsang natanong niya ito. May bahay naman silang pwedeng pagtirhan sa Maynila, ngunit bakit hindi na lang sumama ang mga ito sa kanya para magkakasama pa rin sila? Tumanggi ang kanyang inabsa suggestion niyang iyon. Nasa Pangasinan ang buhay nito at marami itong alaala na magaganda at masasaya sa kanyang ama doon. Hindi na niya iyon pinilit pa.
Ngayon, napapakinabangan ni Leann ang naturang bahay. Hindi na niya kailangang manirahan sa dormitoryo at makisama sa ibang nangungupahan. Tubig, kuryente, pamasahe at pagkain lang ang proproblemahin niya.
Hawak-hawak niya parin ang cell phone, nag-inat si Leann bago humiga sa kaniyang kama. Tumingin siya sa wall clock. Alas-dose na ng gabi. Bago sila nagtawagan ng kanyang ina ay tapos na niya ang mga assignment at i-recall ang mga aralin nito. Kahit wala siyang pasok kinabukasan, tinatapos pa rin niya ang mga assignment at mga aralin niya.
Bahagya siyang napaigtad nang nagpakalong ang kanyang alagang pusa na si Juanito. Kahel ang balahibo nito na may puti ang balahibo niyon at may dalawang kulay ang mata asul at berde. Napulot niya ang pusa sa parke malapit sa bahay na tinitirhan nito. Tutal, wala siyang kasama sa bahay, alagaan na lang niya si Juanito. Maawain din siya at mahilig sa mga hayop. Mabait at maamo si Juanito at subrang lambing.
Napangiti siya at hinaplos ang malambot nitong balahibo. "Tara na, Juanito. Manood na tayo ng Vlogs sa youtube," pagkausap niya sa alagang pusa. Nag-meow iyon.
Lately lang nahilig si Leann sa panonood ng mga vlogs o kwento ng mga couples na magkalayo ang kwento o kung tawagin LDR o Long Distance Relationship. Marami kasing magagandang kwento ang pino-post nilang videos doon. May nakakatuwa, nakakalungkot, nakakakilig, nakakatakot, nakakaaliw na hugot lines, mga prank at kung ano-ano pa. Nakakaaliw ring basahin ang mga comments. Minsan, mas natatawa pa siya sa mga comments kaysa sa mismong istorya at videos. Nag-uunahan pa ang mga ito para maging first commentor sa mga vlogs. Nalaman iyon ni Leann sa kaibigan at ka-schoolmate niyang si Madiel. Information Technology ang course nito. Naging magkaklase sila ni Madiel sa isang minor subject. Kahit minsan lang sila magkasama dahil magkasalungat ang schedule nila, hindi iyon naging hadlang para maging malapit na magkaibigan ang isa't isa. Madiel was now her best of friend.
Isa pa, mahilig din kasing magbasa si Leann. She loved books. Especially Tagalog romance pocketbooks. Sa katunayan, hobby niya ang pagsusulat ng nobela sa notebook. May lima na siyang kuwento ng pag-ibig na natapos at nakatago lang ang mga iyon sa kanyang drawer. Walang sino man ang nakakaalam na nagsusulat siya. Not even her family and Madiel. Nahihiya kasi siyang ipaalam at ipabasa sa iba ang gawa niya. Kontento na siyang mailabas ang imahinasyonbng kanyang isip sa notebook.
Hindi nagtagal, engrossed na engrossed na si Leann sa pagbabasa. Mayamaya ay tawa na siya nang tawa. Comedy kasi ang kuwento. Binasa niya ang comments at tumawa na naman siya. Nakakawala ng stress ang pagbabasa at panonood sa mga vlogs na iyon.
Hmm, oo nga. Ano ba 'yong Tantan? Lagi ko ring napapanood at nababasa sa comments at ilang kuwento gaya nito, tanong ni Leann sa isip nang mapanood ang isang vlog ng isang vlogger sa youtube. At mabasa ang mga comments sa vlogs na pinapanood niya at nagtatanong kung ano ang Tantan.
Nasagot din ang tanongvniya nang may nag-reply sa comment.
Isang dating Apps ang Tantan. Try mo, nakakatuwa tumambay doon. "HEARTY" ang ilagay mo sa interest para makahanapbka ng ka-sparks! Hahaha!
Bahagyang kumunot ang noo ni Leann. Hearty? Hmm, masubukan nga. Tutal, matagal na akong curious sa Tantan na 'yan.
Nag download siya ng Apps na tantan. At ng maidownload ito agad na bumungad ang terms and regulations sa maliit na fong size. Mabilis niyang binasa iyon. Inilagay niya ang interests ang Hearty. Lumabas na ang pwede niyang pagpilian at ka-hearty. Upang makahanap kailangan niyang mag swipe right at swipe left. Kapag swipe right ka-hearty mo at swipe left naman kapag 'di mo bet ang nasa profile.
Sa subrang excitement swipe lang ng swipe right ang ginawa ni Leann. Natawa siya sa isip.
You're chatting with a random stranger. Say hi! You both like Hearty.
Napaayos ng higa si Leann. Hala! Ito na! Ako ba ang unang magha-hi? O siya...?pagkausap niya sa sarili.
Napailing siya. "Say hi" nga daw, 'di ba? Kaya ikaw na ang mag-hi.
So she typed the word. Hi.
Stranger is typing...
Stranger: Gabi na. Nagpupuyat ka na naman kakahintay sa wala! Matulog na, wala rin lang ka-bebe time!
Natigilan siya. Mayamaya ay agad ding napangiti. Napangiti siya agad ng estrangherong ka-chat niya!
Nag-reply siya.
You: Wow ah. Hugot!
Stranger: Hi
Stranger: HAHAHA!
Stranger: Tamang oras naman na, eh.
Muling napangiti si Leann.
You: Puyat ka na naman kakahugot!
Stranger: IKR? HAHAHA!
"IKR" stands for " I know right?" Napailing siya. Hindi na yata mawawala ang ngiti niya.
Stranger: ASL?
Kumunot ang noo niya. Anung ASL? Alam niya ang IKR dahil naririnig niya iyong madalas gamitin ng mga kaklase niya kapag nag-uusap ang mga ito ngunit hindi niya alam ang ALS.
You: Anong ASL?
Stranger: Age, sex, location.
Napa-"oh" siya sa isip. Iyon lang pala. May bago siyang natutunan sa gabing iyon.
Stranger: First time mo lang ba dito? Halatang hindi ka nakikipag-chat. Hahaha.
You: Oo. First time ko lang dito sa Tantan. Nacurious ako kaya sinubukan ko.
Stranger: Curiosity kills the cat. JK. Hahaha! So, what's your ASL?
You: 20, female, Manila.
Stranger: Nice! 20, male, Manila ako. We're of the same age and place! Hearty na ba ito? ♡♡♡
Muling natigilan si Leann. May naramdaman siyang nakakakiliting sensasyon sa sinabi ng estranghero. Kinikilig siya? Grabe naman! Kinikilig agad siya nang ganoon lang? Hay, Leann. Nahihibang ka na!
You: Hahaha! :) Sa halip ay reply na lang niya.
Stranger: So, kamusta ang buhay-buhay? :)
You: Okay naman ang buhay-buhay. Humihinga pa rin naman. Hahaha! Ikaw ba?
Stranger: Hahaha! Okay lang din ang buhay ko at humihinga pa rin naman ako. Heto nga at magka-chat tayo. ;) Nag-aaral ka pa rin ba?
You: Oo. Bachelor of Elementary Education ang course ko. Ikaw?
Stranger: Yep! :) Civil Engineering naman ang course ko.
You: Saang school ka?
Stranger: FEU
Napasinghap si Leann. Sa FEU din nag-aaral ang ka-chat niya! What a coincidence!
Stranger: How about you?
Hindi puwedeng malaman nito na sa FEU din siya nag-aaral. Baka hanapin siya. Sinabi pa naman niya ang course niya rito. Mabilis na pinagana niya ang isip.
You: Sa... St. Patricio University ako nag-aaral.
Stranger: St. Patricio University?
Napangiwi si Leann. Huli na nang ma-realize niya ang imbento niyang eskwelahan. Paninindigan na lang niya ito.
You: Oo. Hindi kilala ang school namin kaya alam kong hindi mo 'yon alam.
Stranger: Never heard of St. Patricio University pero ano naman kung hindi kilala ang school niyo? At least, nakakapag-aral, 'di ba? :)
In all fairness, na-impress si Leann sa tinuran nito. Sang-ayon siya nang one hundred percent dito.
You: Oo, tama ka. ;) Huhulaan ko, magaling ka sa Math kaya Civil Engineering ang kinuha mong course? Stranger: HAHAHA! Manghuhula ka pala eh!
You: Oo! Part-time job ko ang panghuhula! Hahaha!pagsasakay niya.
Stranger: Sweet. Sige nga, hulaan mo nga ang suot ko at kulay nito. :D
You: Nakadamit pang-pusa ka at kulay pink ito! :D
Stranger: Hahaha! Hindi kaya. Naka-Naruto costume kaya ako.
Stranger: Mas cute kasi ako pag naka-Naruto. HAHAHA!
You: Hindi, 'no! Mas cute ang pusa. Mag meow-meow pa! HAHAHA!
Stranger: Nakita mo na ba si Naruto sa personal? :P
You: Hahaha! Hindi pa sa personal. Ikaw pa lang sakali ang makikita kong kapreng nauto este Naruto. :P
Stranger: Grabe ka naman sa kapreng nauto!
You: Hahaha! Joke lang!
Stranger: Well, aaminin ko, magaling ako sa Math. Favorite subject ko 'yon, ngunit lately nahihirapan na ako. Pahirap nang pahirap ang mga lesson. Pero kaya, kakayanin ko ito. Pag-aralan lang nang maigi.
Stranger: May thing kasi ako sa pag-aaral. Gusto kong mapanatili ang pagiging topnotcher ko sa klase namin. :)
Again, na-impress na naman si Leann. Walang halong pagyayabang angbpagsasabi ng ka-chat niya tungkol sa sarili nito. Hinahangaan niya ito. May pangarap at ambisyon sa buhay. Pareho sila.
You: Kaya mo 'yan! Naniniwala ka sa sarili mo, eh, kaya kayang-kaya mo 'yan! :)
Stranger: Thank you! :)
You: Marami ka naman lucky charms, eh. Puros mukha ni Naruto. HAHAHA!
Stranger: Tama ka. :D Okay naman 'yon, eh. Laging may super strength, nagiging shippuden. Hahaha!
Namalayan na lang ni Leann na tumatawa siya. Nahagip ng tingin ang wall clock. Napatigil siya sa pagtawa at bahagyang nanlaki ang mga mata nito. Mag-aalas-tres na pala ng madaling araw! Hindi niya namalayan ang oras. Masyado siyang nag-enjoy kausap ang estranghero. Lagot siya sa mama niya. Hahampasin siya nito ng kaldero sa panaginip. Kailangan na niyang magpaalam sa kausap.
You: Ba-bye na. Matutulog na ako. Mag-aalas-tres na ng madaling araw.
Stranger: Huhuhu! :(
Stranger: Wait!
Stranger: May i know your real name? Kanina pa tayo nag-uusap, hindi ko pa alam ang iyong pangalan.
Nagdalawang-isip si Leann kung sasabihin niya ang kanyang tunay na pangalan. Ngunit napagdesisyonan niyang sabihin nalang ang tunay nitong pangalan.
You: I'm Leann. And you?
Stranger: Leann? I don't like to be alone in the night... And I don't like to hear I'm wrong when I'm right... And I don't like to have the rain on my shoes... But I do love you. HAHAHA!
Alam niya ang sinasabi nito. Dahil ito ang paborito nitong kanta ng katukayo niyang singer na si LeAnn Rimes. Mabilis na nag-type siya.
You: Ewan ko sa'yo!
Stranger: Hahaha!
Stranger: Sorry na.
Stranger : Natutuwa lang kasi ako sa pangalan mo, eh. Paboritong singer kasi ng mama ko si LeAnn Rimes.
Stranger: I'm Matt. :)
Stranger: Huwag ka munang magdi-disconnect!
Stranger: Puwede ko bang makuha ang cell phone number mo?
You: Bakit mo naman gustong kunin ang cell phone number ko?
Stranger: Gusto ko pa kasi kitang makausap. I enjoy talking to you. :)
Pinigil ni Leann ang kaniyang sariling kiligin. Ang kaso, nagdadalawang-isip siyang ibigay kay Matt ang cell phone number niya. Kahit gusto rin niyang makausap uli ito, he was still a stranger. Hindi pa niya kilala ang lalaki. Hindi niya dapat basta ipagkatiwala ang kanyang cell phone number nito sa isang estranghero.
You: Sorry, Matt. Huwag muna ngayon.
Stranger: I understand.
Stranger: Ganito na lang. Ilagay natin sa interests natin ang mga pangalan natin para mahanap natin ang isa't isa dito sa Tantan. Nag-o-online ako dito ng ten PM. Okay lang ba 'yon sa iyo?
You: Okay. :)
Stranger: Yay!
Stranger: Thank you, Leann. ;)
You: Good night na. :)
Stranger: Good night, Lean. Sweet dreams. :*
For a moment, she was still hesitant to disconnect. Napabuntong-hininga na lamang siya. Walang mangyayari kung hindi niya iyon gagawin kaya nag-disconnet na siya.
May option doon na puwedeng i-save ang chat log. Sinave niya ang conversation nila ni Matt sa Facebook inbox niya.
Nakipagtitigan si Leann sa kisame. Nasa dibdib niya ang kanyang cell phone. Hindi niya talagang maiwasang mapangiti kapag naaalala ang mga pinag-usapan nila ni Matt. Bakit ganoon? Ni hindi pa nga niya nakikilala ng personal ang estranghero, ngunit nagkakaganoon na siya na para bang matagal na niya itong kilala. She felt tingly all over. At nae-excite siya sa kaisipang makaka-chat uli niya ito sa mga susunod na mga araw.
Hay, Leann! Kanina ka pa naloloka. First time mo lang kasing makipag-chat kaya siguro ganyan ang reaksiyon at kinikilos mo.
Siguro ganoon nga iyon. Nagkibit-balikat siya. Inilapag na ni Leann sa bed side table ang cell phone pinatay at swinitch ang dimlight niya sa kuwarto. Nakatulog siya nang may ngiti sa kaniyang mga labi.

YOU ARE READING
It started on a right swipe
Roman d'amourMahilig si Leann na manood sa mga vlogs sa youtube . Palagi niyang napapanood roon ang mga LDR couples sa pamamagitan ng Apps na tinatawag na Tantan, isang site sa pakikipag-chat. Marami ang walang jowa na nagtratry sa Apps na ito at napagtatagumpa...