Mahirap din pala talagang magmahal minsan 'no? Yung tipong kahit anong klaseng laban yung gawin niyo, kahit magkasama kayong tatalikuran ang mundo—sa huli, talo pa rin kayo.
Ang hirap lumaban kasama ang taong labis na iyong minahal, lalo na't kung isa sainyo ay napagod na ng tuluyan. Ang hirap magpatuloy kung mismong mundo ang kumalaban sainyo.
Pero, anong laban namin? Limang taon kaming nagmahalan. Pero, hindi pa rin sumang-ayon ang tadhana naming dalawa. At saka ko lamang napagtanto, na kahit gaano pa man tumagal ang relasyon mo sa isang tao, kung 'di para sa'yo... Ay hindi para sa'yo.
But can I fight the universe to be with you?
Napaka-random talaga ng mga naiisip ko tuwing wala akong magawa. Kanina pa 'ko dito sa café, bagot na bagot na nag-aantay kay Freya. Paano ba naman kasi? kanina pa sana narito 'yan kung hindi naglakad si gaga.
["Beh, wait lang talaga. Pinaayos ko yung kotse ko, napilitan ako maglakad ngayon,"] Paawa effects niya ngayon habang tinatawagan ko siya. "Puwede naman kasi magcommute, Chel? Ang dami-dami mong puwedeng masakyan," Saad ko rito.
["Eh, bakit ba! Maganda kaya atmosphere dito sa Netherlands. Gusto ko na talaga pumunta sa Lisse! Kailan mo balak maglipat ng gamit? Tulong ako! Saka huwag mo nga akong matawag-tawag sa pangalan na yan!"] Ramdam na ramdam ko ang excitement at pagkairita niya mukha sa kabilang linya. Natawa nalang ako dito. "Hoy, andito ako para magmove on, ha," paalala ko sakaniya na purong biro lamang.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya habang naglalakad. ["Alam ko, Mille. Pero, alam mo rin kung bakit nandito ka diba? Gusto lang naman ng mga magulang mo na maging masaya ka,"] Sagot niya sa'kin.
Malamang pinilit ko silang dito nalang ako papuntahin para mas maalala ko yung mga sinabi niya at yung pinakita niyang listahan. Isa na roon 'yung Keukeunhof Gardens. Natandaan ko kung gaano siya kasabik nung pinakita niya sa akin iyon. He was very sincere in our relationship. Kung sino yung nakilala kong manliligaw ko ay siya pa rin 'yon nung naging kami.
["Hoy, ano naririnig mo pa ba ako?"] Tanong nito atsaka bumalik ang atensyon ko sa cellphone. Maya-maya ay binaba niya na rin ang tawag dahil konting lakad nalang daw ay malapit na siya.
Habang nag-aantay ay naisipan ko munang mag-order ng inumin ko. "One large taro drink," Saad ko sa barista. "Name?"
Bago pa man ako magsalita ay may nalipat ang mga mata ko sa kabilang banda ng cafe, isang taong nakahagip sa mga mata ko. Tinitigan ko ito nang matagal. My lips parted. I knew him. I knew his features, yung tipong likod niya palang ay alam kong siya yun.
BINABASA MO ANG
Reaching Your Hands
RomanceTrase stood there, watching the woman of his dreams between the field of flowers. Her beauty was unparalleled; even the flowers seemed to pale in comparison as she stood among them. As he gazed upon her, words failed to capture her essence. When yo...