Day 2 : Soulmate AU || "Too little, too late"

4 1 0
                                    


"Samahan mo akong intindihin ang talinghaga ng pagibig" 

 A Xiaorina oneshot au wherein Xiaoting have only 3 months to live but she met Yurina, the girl that will make her want to live longer.


Soulmate, 'yan ang tawag nila sa taong nakalaan raw para sa atin.

Yung tipong kahit na iwasan mo ang taong 'yon ay kusang darating sa buhay mo.

Tadhana na nakatakda para sa'yo...

Pero paano kung ang tadhanang 'yon ay panandalian lamang at hindi pang matagalan?

---

---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Hello!" napalingon ako sa babaeng lumapit sa tabi ko. 

Humarap ako sa kanya para maaninag ang mukha niya. Maputi, mahaba ang buhok na may bangs, may katangkaran at may mapupungay at bilugan na mata.


"Bago ka ba dito? Ngayon lang kita nakita." nagtataka akong tumingin sa kanya. Hindi naman siya mukhang pasyente dahil hindi naman siya nakasuot ng hospital gown.

"Oo" sagot ko na lang at tumingin ulit sa malayo


"Sorry ma'am but unless we find a heart donor walang katiyakan ang buhay ng anak niyo"


Wala akong maramdaman noong narinig ko ang mga salitang yon mula sa doctor. Nakita kong umiiyak sila Daddy at Mommy pero hindi nagsisink in sakin yung sitwasyon


3 months...

 I only have 3 months to live unless they will find a suitable heart donor for me.


Akala ko mawawalan na lang ng saysay ang buhay ko pero may isang taong biglang dumating at nagudyok na lumaban ako



"Xiaoting! Are you awake?" rinig kong sabi ni Yurina sa labas ng pinto.

"Hmmm" mahinang sagot ko dahil nahihirapan na naman akong huminga.


Pagbukas ng pinto ay dali daling lumapit si Yurina para alalayan akong umupo upang mas makahinga ako nang ayos.


Nitong mga nakaraang araw ay isa siya sa mga nagaasikaso sakin. Lagi niya rin akong binibisita.


"Xiaoting naniniwala ka ba sa soulmates?" biglang tanong niya.

Naandito kami sa rooftop ng ospital at kumakain ng Ice Cream.

XIAORINA - #XiaoRinaBibingkaSzn Oneshot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon