PROLOGUE

44 0 0
                                    


Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

071723



"Mga beshy ko nasaan na kayo? baka umalis na yung mga bisita tsaka palang kayo darating."



Napairap ako habang dinidikit yung malaking painting ko ng picture namin baby pie kong si Hakim nung mga bata pa lang kami. Si mama kasi eh noong isang linggo lang sinabi na mayroon pala syang naitabing picture namin dalawa ni Hakim nung bata pa kami syempre wala akong money para ipatarpulin yon kaya painting nalang.



Bukod kasi sa maganda na ako madami pa akong kayang gawin. Bawal akong jowain kasi may jowa na ako sa imagination ko nga lang. So anyway highway may birthday-an dito samin at kanina ko pa kinocontact yung mga walang kwenta kong friends.



Pero lahat sila nagsabi na ng OTW sus alam ko naman on the water ibig sabihin non.



Matapos kong idikit yung painting ay ngumiti ako ng pagkalaki laki. Muka na akong siraulo oo, pero ano naman magagawa nyo. Inlab ako eh. Oo inlove ako sa childhood bestfriend ko. Alam na ng buong pamilya ko, mga kapitbahay namin, pati na rin mga friends ko na may gusto ako sa kanya. Sya lang ang hindi pa nakakaalam.



Natatakot kasi ako....



Hindi mareject...



Natatakot ako sa pamilya nya na baka offer-an ako ng isang milyon para layuan ang anak nila syempre charot lang. Pero minsan inaayawan ko rin itong nararamdaman ko kasi naman hello ilang taon kaming mag bff ni Hakim tapos magkapatid pa turingan namin ehdi pag nagconfess ako sa kanya tanggihan nya rin yung feelings ko kasi nga ayokong sumugal sa hindi naman ako sigurado.


Syempre pag kinikilig ako nawawala yung pag ooverthink ko na 'yon. Ah basta kahit sa panaginip lang atleast naging jowa ko sya. Masama ang pagiging delulu minsan pero aminin hindi lang ako yung ganito. May ibang tao nga dyan mas obsessed pa sakin eh.



Binuksan ko yung phone ko para tignan yung oras at bigla akong napahampas sa pader noong bumungad sakin ang litrato ni Hakim na ginawa kong wallpaper, actually sinend nya 'to sakin noong nagbakasyon sya sa laguna. Syempre bff kami eh for him. Naiisip ko rin minsan na masaga rin naman maging crush yung bff mo may palibreng moments kayo kesa doon sa hindi mo sya maabot abot dahil panakaw nakaw ka lang ng tingin.



Kaya sa mga may bff dyan, alam nyo na....char.



"XAHRI DI MAGIBA! KANINA PA NAGTATAWAG SAYO SI MADER PADER SA BABA! PAHAMPAS HAMPAS KA LANG DYAN NG PADER!" Sumama kaagad ang aking mukha ng may marinig akong napakalas na bunganga galing sa ate kong may saltik.



"Ate yang bibig mo parang baril ah, kung makasigaw ka naman akala mo nasa ibang bansa ako. Aabot na yata lakas ng bunganga mo sa ibang planeta eh."



"Wow ha? grabe yung ibang planeta," inirolyo ko ang mata ko dahil pagiging defensive nya. "Bilisan mo na dyan, dinidikit mo pa yang painting mo eh lagi naman nahuhulog."



"Wag kang magaalala, next time sakin na sya mahuhulog." Nginitian ko ng nakakaloko si ate, napangiwi naman sya bago nilingon yung painting sa likod ko.



"Ay binabawi ko na yung sinabi ko, feeling ko matibay na yang pagkakakabit mo hindi na yan mahuhulog." Sya naman ang ngumisi, sinamaan ko sya ng tingin at inirapan nalang.



Malay Mo Tayo (SEDEGRA TRILOGY #1)Where stories live. Discover now