* Bogshh**Pakk*
" Putik kang babae ka yari ka samin pag na hawakan kita mata mo lang ang walang latay arghh"
" Oww talaga ba" nakangising sagot ko sa lalaking mukhang babaeng ewan. Payat, mahaba ang buhok na amputi at may hikaw sa ilong at tenga. Hawak ko sya sa damit ngayon gashh kumakain pa ba toh parang nag buhat lang ako ng hangin e
Tiningnan ko yung kasamahan ni Chikana ewan ko kung anong pangalan nito so pangalanan muna natin syang Chikana. Pulos mga nakahiga, may ilang nakatuwad habang hawak ang kanilang tyan at suasage.
" Alam mo Chikana marami ka pang bigas na kakainin see mukha kang tanga eh" nakangiti at asar kong sabi dito
" A-anong Chikana sinasabi mong bwisit kang babae ka " di makapaniwala at nang gagalaiting tanong nito
Tiningnan ko naman sya ng kunwaring nagulat
" Ha di ba yun yung pangalan mo, don't tell me pati name mo nakalimutan mo na haysst sabi sayo masama ang nag papalipas ng gutom kase mabilis kang makakalimot" mahabang sagot ko sa kanya with matching iling iling. Right tama naman diba kaya nga yung may mga jowa dyan sinasabihan yung jowa nila na wag mag papagutom, eatwell at kain kana po babe mahal love sweetheart darling my love so sweet sugar plum my honey bunch, para di sila makalimutan 🙂
" Gago ka ba Shaggy ang pangalan ko bobo ka" namumula at inis na singhal nito sakin balak pa nga nya kong suntukin buti nalang na ihagis ko agad sya
*Bogsh*
"Tang*na ka" lutong naman nun pars.
Ow Shaggy pala name nya sayang mas bagay sa kanya yung Chikana
" So Shaggy and Scooby-Doos hanggang sa muli nating pag bubugbugan, next time dalhan ko kayo ng bigas at buto ha wawa naman kayo e napagod ata kayo sa pag hahanap ng ligaw na ispiruto bago nyo ko tambangan" concern na may halong asar na sabi ko sa mga ito. Tumalikod naman ako sa kanila di naman ako nag aalala na baka may sumugod sakin mula sa likod dahil sinigurado kung di na sila makakatayo.
Hay buhay parang life yari nanaman ako kay pudrakels nito kase andumi nanaman ng damit ko sya kasi naglalaba ng mga damit namin and si mama sa undergarments namin kaya naman kung si papa pa ang mag lalaba nun eh mga dalaginding na kami. Kumbaga tulong sila pag walang trabaho si papa tinutulungan nya si mama minsan sya na din naglulto. Sweet nga nya eh sana all
Mga ungas kase tambangan ba naman ako ng Shaggy and Scooby-Doos na yun sa eskinita and alam nyo ba yung rason kung bakit nila ginawa yun?? Dahil kay Flip na bottom kay Marites. Si Flip kase ay kilalang gangster dito sa lugar namin, lugar kung saan hindi ka masasaktan, charot lang baka dika pa nakakalampas ng kanto tambangan ka na ng 45 eh. So yun nga na kaalitan ko si Flip isang beses kase akala nya nililigawan ko si Marites like duh ano tingin nya sakin may lawit at lesbian?? Okay lang naman sakin kung mababaliko at manliligaw ako e walang kaso sakin, pero kung kay Marites lang naman luhh wag na sa kanya na yan. Ewan ko ba kay Shaggy siguro type nya si Flip na hindi top
Nabalik lang ako mula sa aking pag mumuni muni ng makita ko si mudrakels na may saklob na mahaba, nakabalabal at may bit bit na walis tingting na mahaba at may kahoy na nakatusok.
Luhh nu kaya gagawin nya dyan. Dont tell me sasakay sya dyan, sabi na nga ba eh may lahing witch si mudrakels ko eh confirm.
" Ma sama ko first time ko makakalipad sakay ng walis tingting" natutuwang sabi ko kay mama na nagulat pa sa biglang pagsulpot ko
" ikaw na bata ka gusto mo bang atakihin ako sa puso ha at anong sabi mong sasama ka at first time mong makakalipad sakay ng walis ha" oa naman ni mama wala naman syang sakit sa puso eh pano sya aatakihin. At ano daw bata ako