Chapter 3:

170 13 2
                                    

  
" We never realize how frozen we are
until someone starts to melt our ice "

Pa uwi nako sa bahay na lutang parin habang   inaalala ang mga nangyari kanina. Tiningnan ko ang card na binigay sakin nung lalaki. Maximo Carprio. Tunog expensive eyy. " If you want a job just call me ". Hanggang ngayon naririnig ko pa ang salitang binitawan nya bago sila umalis. Hmm ano kayang job yung tinutukoy nya, di naman siguro illegal, mukha naman kase syang matino. Pero sabi nga ng iba dont judge the book by its cover. Di naman siguro sya isang bugaw, maybe isa sya. Haysss bahala na si batman.

"Lucill yung bilin ko ha wag nyong iwawala sina Eli at Loy yari tayo kay mama. Tope mga kapatid mo ha pag katapos nyo mamili ng mga gamit nyo umuwi na kaagad kayo" bilin ko sa mga kapatid ko. Ngayon na sila mamimili ng gamit pang eskwela gustuhin ko mang samahan sila di ko naman sila masasamahan dahil kailangan kong sumunod kay mama sa palengke, kaya todo bilin ako sa mga kapatid ko.

"opo/yes ate" sabay na tugon ni Tope at Lucill.

Inantay ko muna silang umalis bago ako pumuntang palengke. Habang tinatahak ang daan papunta doon ay nakita ko si Tiya Cita kapatid ni mama na humahangos papunta sa aking direksyon.

" K-Kira" humahangos na tawag nito sakin sabay hawak sa aking balikat

" Tiya Cita ano ho bang nangyari sa inyo bat hingal na hingal kayo at tilay nagmamadali" nag aalalang tanong ko sa kanya habang hawak ang siko nito para hindi sya matumba

" Si Kimi a-ang nanay mo sinugod sa hospital papunta na sana ako sa inyo at salamat sa diyos at nakita kita agad" nag papanic at naluluhang sagot nya, agad naman akong natigilan at kinabahan si mama

" a-ano anong nangyari tiya sang hospital sya dinala?" naluluhang tanong ko

" sa St. Joseph nahimatay sya kanina sa palengke at dumudugo ang kanyang ilong kaya agad namin syang idinala sa hospital"

" Tiya kayo na bahala sa mga kapatid ko at kayo na din bahalang mag sabi kay papa" naluluhang sabi ko dito

" sige iha mag iingat ka" agad naman na akong nag madali at tumakbo papuntang sakayan ng jeep. Medyo malayo ang hospital dito sa lugar namin kase na sa may centro pa ito kailangan mo pang sumakay ng jeep at tricycle.  Abot abot ang kaba ko at pinagdadasal na sana ayos lang si mama at hindi malala ang sakit nito. Ng makarating sa hospital agad kong tinanong sa nurse na nag aasist kung san dinala si mama na agad na man nyang sinagot na nasa Room 169 dinala ang babae.

Pag karating ko sa na sabing Room ni mama ay saktong lumabas and isang doktor

" Sino ang pamilya ng pasyente?" tanong nito saktong dumating si papa.

" a-ako po asawa po ako ng pasyente" sagot ni papa na humahangos.

Tumango ang doctor
" Okay sir maari ba kayong sumama sakin may mga ka tanungan lang ako tungkol sa nangyari sa pasyente at sa kalagayan nito" tumango naman si papa

" Pa si tyang Cita po ang mga kapatid ko? " tanong ko kay papa. Humarap naman sakin si papa

" Nasa bahay ang tyang Cita inaantay ang mga kapatid mo wala pa silang alam sa nangyari sa mama mo" sagit ni papa

" ikaw na muna bahala sa mama mo kira" sabi ni papa bago sumunod sa doktor. Huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang luhang hindi ko na malayang tumutulo na pala 'fuck'

The Carprio SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon