A|N: Hello everyone, I’m open for criticism.
If you see any grammatical, punctuation, or typographical problems, please feel free to correct me. Your opinions are greatly valued. Enjoy reading!•••
February 4, 2023 ( after 1 year)Kasalukuyang binubuhos ni Kharryl ang mga coins at inayos ang pagkasunod-sunod ng mga perang papel sa loob ng isang plastic. Nag-early out siya ngayon sa kaniyang trabaho dahil may importanteng bagay siyang gagawin.
“Early out natin ngayon ah? May date ka ‘no?” biro ni Suzette na siya ‘ng papalit sa kaniya sa counter 2. Isa siyang cashier sa isang pangpublikong supermarket.
Napangiti at nailing si Kharryl sa biro ng kasama, “Loko ka talaga. Palagi mo na lang akong binibiro.” bahagyan siyang tumawa.
“Ang cute mo kasi kapag binibiro kita," tugon naman ng kaharap.
Tumalon siya sa medyo may kataasang upuan niya, “Alis na ako, kaunti lang naman ang mga namimili dahil byernes pa lang. Sa linggo pa dadagsa ang mga mamimili kaya chill ka lang ngayon.” habilin niya sa kaibigan at kumaway na para umalis.
Dumiretso siya sa opisina at maroon nga ang manager nila, naghihintay sa kaniya.
“Magandang tanghali po, Sir Klyde. Eto na po ‘yung pera. Sakto lang po ang total niyan sa cash register. Bilangin mo nalang po ulit kung gusto mong maka sigurado.” Usal ni Kharryl pagpasok niya; sabay lapag ng pera na nasa loob ng plastic. Nagkalansiyangan pa ang mga barya.
Ngumiti ang batang tagapangasiwa, “may tiwala naman ako sa ‘yo, Ryl. Makakaalis ka na dahil mukhang nagmamadali ka. Maraming salamat sa serbisyo mo ngayong araw. Mag ingat ka.” tugon ni Klyde.
Natuwa naman si Kharryl sa narinig kung kaya’t mabilis na siyang lumisan at pasigaw na lang na pinarating sa tagapangasiwa ang kaniyang pasasalamat.
Sumakay siya sa isang tricycle at nagpahatid sa Divisoria mall. Pagdating niya doon ay naglibot-libot siya at namili na rin ng laruan. Pagkatapos niyang magliwaliw ay lumabas na rin naman siya at umuwi.
Binuksan niya ang pinto ng maliit niyang apartment at inilapag ang mga dala sa kahoy na upuan. Dumiretso siya sa kusina at inilabas sa mini-refrigerator ang binili niyang pa bilog na chocolate cake na binili niya kahapon.
Inalis niya ito sa loob ng box at inilapag sa mesa. Naghanap siya ng kandila para ilagay sa cake. Nang makahanap ay sinindihan niya ito pagkatapos mailagay sa cake.
Hinanap niya ang kaniyang pahabang wallet kung saan nakalagay ang mga importanteng bagay na ayaw niyang mawala. Inilabas niya mula doon ang cellphone at kinuha ang larawan. Dinala niya rin sa kusina ang mga pinamiling Laruan. Naupos siya sa silya at sinimulang kuhanan ng bidyo ang sarili.
“Happy birthday to you, happy birthday to you...” Sinimulan niyang kumanta kasabay ng mahinang pagpalakpak.
“Happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you.” Nagsimulang mamuo ang luha sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa camera.
“South...” nagsimula na siyang mahirapang magsalita dahil sa pagiging emosyonal niya. “Happy birthday, nak.” kumawala ang hikbi mula sa kaniyang bibig kasabay ng pagtakas ng isang butil ng luha sa kaniyang kanang mata. “Palagi kitang nami-miss. Hindi ka mawawala sa mga dasal ko.” Sinubukan niyang ngumiti sa camera. “Alam kong hindi mo mapapanood ito dahil itatago ko lang naman ito sa gallery ko pero ginagawa ko pa rin ito dahil kahit ito man lang ang magawa ko para makasabay sa mga nangyayari sa buhay mo...” pinunasan niya ang mga luhang hindi niya namalayang kumawa, “hindi ako umiiyak, masaya lang ako dahil one year old ka na.”
YOU ARE READING
Surrogate Mother (ON HIATUS)
RandomDue to their inability to become a parent, two married men made the decision to hire a gorgeous surrogate mother who is suitable and responsible enough to bear their dream baby. Hiring: Surrogate mother Interested? Come and apply! Existed since: 7/8...