Napatingala si Kharryl sa sobrang taas na gate at halos sumakit ang leeg niya katitingala makita lang ng paningin niya ang dulo ng mataas na gate.
Pakiramdam ni Kharryl sobrang liit niya tignan ngayon. Masyadong mataas ang mga pader na nakapalibot sa lugar at sa labas pa lang ay mahahalata mo nang mahigpit ang seguridad sa paligid.
"Magandang hapon po," bati ni Kharryl sa mga bantay na napatingin sa kaniya.
"Sino ka at ano ang ipinunta mo rito?" maangas na tanong ng bantay sa babae.
Humigpit ang hawak ni Kharryl sa hawak, "ako po si Kharryl Estorninos, mag a-apply po sana ako bilang ano... surrogate mother" tugon niya.
Hindi sumagot ang kausap, sa halip ay sininyasan niya ang kaniyang kasama kaya lumipat sa kasama nito ang paningin ni Kharryl.
Pumasok ito sa guardhouse at nanatili roon ng ilang minuto bago muling lumabas at sinenyasan pa balik ang kasama.
Humarap ang bantay sa direksyon niya at pinindot ang remote.
Napaawang ang labi ni Kharryl nang unti-unting bumukas ang gate.
"Maari ka ng pumasok, utos ng nakatataas na ihatid daw kita kaya maghintay ka rito at kukunin ko ang sasakyan. Kung lalakarin natin ay kalahating oras bago tayo makarating sa mansyon kaya gamitin natin ang sasakyan para mas mabilis at bawas pagod" wika ng bantay at tinalikuran na siya.
Hindi na lang siya nagsalita at pinaglaruan ang mga tuyong dahon na nagkalat sa lupa.
Sandali siyang naghintay bago huminto ang isang BMW sa tapat niya. Binuksan niya ang pinto sa likurang bahagi ng BMW at sa likod naupo. Inilapag niya sa tabi niya ang bag at ang mga papeles na dala.
Hindi mahinto ang kabog ng dibdib niya habang umuusad ang sasakyan, ito na lang ang huling pag-asa niya. Sana matanggap siya.
Hindi niya alam kung pasok siya sa trabahong ito pero eto na lang talaga ang pag-asa niya. Malaki pa ang sahod.
Napakalawak ng lugar at nagtataasang puno. Napangiti siya dahil pakiramdam niya ay bumalik siya sa probinsya. Marami rin kasing puno at mga tanim sa kanila.
Ilang minuto pa ay may natanaw na siya at napanganga dahil sa ganda ng mansyon.
It was made by glasses, the place screams money. The environment are neat and clean. She can live here forever.
"This is my dream house," usal ni Kharryl.
Huminto ang sasakyan sa entrada ng mansyon kaya bumaba na si Kharryl.
May babaeng nakatayo sa pintuan at nakatingin sa kaniya mula ulo hanggang paa.
"Magandang hapon po,"
Ipinagtabi niya ang dalawang paa at napayuko dahil sa hiyang naramdaman.
Sa mga oras na ito, naiisip niya kung gaano siya kagusgusin habang nakatayo sa marmol na sahig.
"Umayos ka," utos ng babae kaya mabilis siyang tumindig.
Ang inaasahan niya ay ang nandidiri nitong mukha pero nagulat siya nang makita niyang nakangiti ito habang nakatingin sa kaniya.
"Halika't pumasok, may naghihintay sa 'yo" usal ng babae at tinalikuran siya.
Wala sa sariling sumunod siya papasok ng bahay at hinayaang gumala at humanga ang kaniyang paningin sa bawat sulok ng bahay. Malamig sa loob at medyo maingay dahil sa malaking makina na madalas niyang makita sa mga mall sa kanilang lugar nila. Aircon ang tawag nila sa bagay na ito. Ito ang nagbibigay lamig sa lugar.
Nakatabi ang mga makakapal at mahahabang kurtina para makita mo pa rin ang magandang tanawin sa labas.
Humanga din siya sa ganda ng sofa na pinapagitnaan ang crystal coffee table.
Nakailang liko rin sila bago huminto sa tapat ng dalawang malaking pinto sa pinakadulo ng pasilyo.
Kung siya lang ang babalik, sigurado siyang maliligaw siya. Hindi na niya alam kung saan sila dumaan dahil halos pare-pareho lang dinaraanan nila.
"Sir, our 50th applicants came. Should I let her in?" tanong ng babae pagkatapos pindutin ang isang puting button.
After a few second, orotund voice filled her ear hole. Mas malamig pa ang boses na iyon keysa sa aircon. Nagawa ng tinig nitong patayuin ang mga balahibo niya.
"Let her in..."
YOU ARE READING
Surrogate Mother (ON HIATUS)
De TodoDue to their inability to become a parent, two married men made the decision to hire a gorgeous surrogate mother who is suitable and responsible enough to bear their dream baby. Hiring: Surrogate mother Interested? Come and apply! Existed since: 7/8...