Prologue

606 24 52
                                    

Prologue
Dedicated to: RonRaViolet


Lunes ngayon, at syempre, ang tamad e bangon! It's another day na naman bilang college student. Ang kurso ko nga pala ay HRM. Mahilig kasi ako magluto eh. Nakuha ko ata galing kay Mama ang kagalingan ko sa pagluluto.

After doing my routine, naghanda na'ko para umalis ng bahay. As usual, wala na naman si Papa rito. Ewan ko ba kung saan nagpupunta 'yon! Pero anyway, tama na ang daldal at baka ma-late pa ako.

Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa may labasan sa amin upang maghintay ng masasakyan. I look at to my wrist watch and it's already 7:48 Am! Gosh, ilang oras nalang ma-le-late na ako!

"O, KC, pupunta ka na ng University?" Tanong ni Manong Epot.

"Ah, oo po. Pwede po'ng sumakay? Ma-le-late na ho kasi ako," 'Di mapakaling sabi ko.

"Ay, ano ka ba'ng bata ka! Sakay na at baka ma-late ka na," ani pa ni manong Epot.

Sumakay na agad ako. "Salamat ho!"

***

"Mag-ingat ka KC," paalala ni manong Epot. Mabait kasi siya, para ko narin siyang ikalawang tatay.

"Sige po, kayo rin," sabi ko nalang at umalis na agad.

Pagkapasok ko sa TGA University, agad akong tumungo sa room namin.
Pagkarating ko doon, thank god. Wala pa si Prof. Maldita pa naman 'yon.

"Hay nako, Kimaeyl! Saan ka ba galing at ang tagal mo naman dumating?" Agad na sermon ng kaibigan kong si Jezar.

"Nako, beks! Kung alam mo lang gaano ako ka pagod sa trabaho ko kagabi," sagot ko at napabuntong hininga.

Umi-extra kasi ako sa isang karinderya. Maliit lang ang sahod, pero okay narin 'yon pang dagdag sa ipon ko.

"Hindi ka pa ba napapagod? Ano ba'ng ginagawa ng tatay mo't ikaw na ata ang bumubuhay sa kanya?" Maldita nitong tanong.

"Wala ka na doon. At isa pa, hayaan mo na si Papa, matanda narin iyon at hindi na kayang magtrabaho," syempre, matanda na ang papa ko at ayoko na pagtrabahuhin siya. Baka mapano kasi.

Kaso, tuwing umaga 'di ko siya nakikita. Tuwing gabi umaalis siya at hindi sinasabi kong saan pupunta. Hinahayaan ko nalang dahil baka gusto niya lang maglibang. Simula kasi nung namatay si Mama, lagi nang nagkukulong si Papa sa kwarto nila. Umiinom, hindi kumakain, at umiiyak lagi. Kaya nung magsimula na siyang lumabas tuwing gabi, hinahayaan ko nalang. Kaysa naman sa magmukmok siya, 'di ba?

"Hay nako, Kimaeyl! Ako ang naawa sa'yo. Dapat ikaw 'yong nag-aaral tapos 'yong papa mo ang nagtatrabaho," hay nako!

"Palibhasa kasi, mayaman kayo. Kahit ano pa'ng gawin mo, hindi mo malalaman at mararanasan ang tinatawag nilang pagod. Nakukuha mo kasi lahat ng gusto mo kahit hindi mo pa hinihingi. Kaya kung pwede lang? Mind your own business, okay?" Sabi ko at nag fake smile.

Umirap lang siya. Hmp. Palibhasa kasi mayaman. Pero, mabait naman 'tong kaibigan ko kahit maldita minsan.

Ilang oras pa ay saktong nag alas otso at dumating na ang Prof. Namin. Habang nag-de-discuss si prof. Bigla nalang may tumawag sa akin. Isang pamilyar na boses.

"Ms. Guevano, someone is looking for you," Our prof. Said.

"Okay, Prof. I'll excuse myself first," sabi ko at tipid na nag smile.

Nang makarating na'ko sa labas ng pintuan namin, nakita ko ang Boy bestfriend kong si Krayen.

"O, anong ginagawa mo rito?" Paunang tanong ko.

Mr. Trexudos Obsession (Ongoing) [TGA Mafia Series #1]Where stories live. Discover now