Chapter 7

239 13 0
                                    

Kimaeyl's P.O.V.

IT'S BEEN a week already, At magkasundo na kami nang mga taong narito sa villa ni Mr. Trexudos. Nalibot ko na rin ang bahay niya, kaso meron talagang isang itim na pinto sa likod ng kanyang bahay na hindi nag-pa-pa-tahimik sa akin.

I am so curious about that black door. Gusto ko itong pasukin, ngunit sabi ni Mariel na hindi daw pwede. 'Wag na 'wag ko raw balaking pumasok sa pintong iyon kung gusto ko pang mabuhay ng matagal.

Bigla naman akong nakaramdam ng takot sa sinabi niya. Anong klaseng tao ba talaga 'yong si Mr. Trexudos? Killer ba siya? Kriminal ba siya? O baka naman... Bampira siya? Tapos sa loob ng itim na pintong iyon ang mga pinaglalagyan niya ng mga patay na katawan? Napailing nalang ako sa naisip ko.

Narito nga pala ako ngayon sa harden niya, dini-diligan ang mga halaman niya rito. Ang gaganda tignan! At isa pa... Ang saya-saya ko dahil narito ang paborito kong bulaklak—ang sun flower! Gustong-gusto kong tinititigan ang sun flower, because it always reminds me of my Mama.

Noong bata palang kasi ako, maraming halamang sun flower si Mama. Sabi niya sa'kin, kapag tinititigan niya raw ang sun flower ay napapasaya siya nito. Napapasaya siya sa kulay nitong dilaw. Ang kulay dilaw na nag-si-simbolong kasiyahan.

Ha! I miss my Mama so much. And... Also si Papa... Hindi parin ako mapakali dahil sabi ni Jezar, wala daw talagang tao sa bahay namin. I want to call Mr. Trexudos, pero nahihiya at kinakabahan ako kapag nakakausap ko siya.

Noong isang gabi nga ay bigla nalang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tawag. Nakatulog ako ka-ka-facebook no'n kaya hindi ko na log out ang acc ko. Tapos, nagtalo pa kami sa itatawag ko sa kanya—kay Mr. Trexudos.

G*go ba siya? Akalain niyo? Ayaw niyang tinatawag ko siyang 'po', tapos gusto niya Daddy? Abay loko 'yon, ah? Kaya ang pinal na tawag ko sa kanya ay, Mr. Trexudos. Mas komportable akong iyon ang itawag sa kanya. At 'yong Daddy ay sobrang nakakailang talaga!

"Kc, halika na! Kakain na tayo!" Bigla akong napahinto sa pag-iisip ng bigla akong tinawag ng isang boses.

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Mariel doon. I smiled. "Sige, susunod na ako," sabi ko at naglakad papunta sa may gripo at pinatay ito. Inayos ko ang hose at pagkatapos ay inilagay ko sa gilid nito.

Naglakad na ako patungo sa loob at dumiretso sa kusina. Ako kasi ang nagluto ng pananghalian namin ngayon. Ang niluto ko ay caldereta. Isa rin ito sa specialty ni Mama. Tinuruan ako ni Mama magluto noong labing apat na taong gulang palang ako.

Lahat ng mga specialty niya ay itinuro niya sa akin. Pati na rin ang mga techniques niya ay itinuro niya sa akin. Kaso noong mag labing anim  ako ay namatay siya. Sabi ni papa inatake raw sa puso si Mama at dahilan ito upang mamatay siya.

Nang makarating ako sa kusina ay agad kong nilapitan ang niluluto kong caldereta. Amoy palang, alam kong mababaliw at matatakam ka na. Kagaya rin lang ito nung adobong baboy, ordinaryo lang tignan, pero may secret recipe ito.

"Hm... Ang bango naman n'yan, Kc!" Rinig kong sabi ni Manang Arya. Si manang Arya ang mayordoma rito sa villa ni Mr. Trexudos. Unang kita ko sa kanya, natakot ako. Akala ko maldita siya at snob. Lagi ko kasing nakikita sa mga teleserye na puro maldita ang mga mayordoma sa bahay ng isang mayaman na lalaki at inaapi nito ang babaeng kasama ng amo niya.

Medyo nakakatakot rin kasi ang mukha ni Manang Arya. Seryuso ito na para bang pinag-sakloban ng langit at lupa. Kaso mali lang pala ang tingin ko sa kanya. Mabait pala siya at talagang gano'n lang ang mukha niya. Lagi pa nga nila akong sinasaway dahil gusto pa daw nilang humaba ang buhay.

Ewan ko rin talaga sa kanila!

Kaso, kahit ayaw nila akong payagan na kalikutin itong kusina, wala parin silang nagawa. Binantaan ko kasi sila na kapag hindi nila ako pinayagan, ipatatanggal ko sila kay Mr. Trexudos. Pero syempre, biro ko lang 'yon.

Wala kasi akong magawa rito. Nakaka-bored! Gusto ko nga sanang magbasa ng libro doon sa library niya, kaso naka-lock. Ano naman meron do'n? Bakit kailangan pang e lock? Tapos, doon naman sa kwarto niya, may isang pinto na kagaya lang rin ng kulay ng kanyang wall. Itim rin ito at talagang hindi mo mahahalata.

Nilapitan ko naman 'yon kagabi, kaso hindi ko alam kung paano buksan. Ang dami naman yatang sekreto dito sa bahay niya. Ang daming pintuan, kaso bawal Naman pasukin. Ang sabi ng mga kasama ko rito, si Mr. Trexudos at ang kanyang mga kaibigan lang raw ang pwedeng makapasok doon.

May kaibigan pala siya?

"Ay, nako, Anteh! Sinabi ko naman sa'yo na magaling talaga 'yang si, Kc!" Pag-ma-ma-yabang pa ni Mariel.

"Hoy, ano ka ba? Tama na nga 'yan, naiilang ako sa inyo, eh," sabi ko at tumawa lang sila.

"Ang sabihin mo, nahihiya ka lang. Tapos, pa humble, gano'n!" Biro pa ni Mariel.

"Tumahimik ka na nga, hindi talaga kita bibigyan nitong caldereta," biro ko pabalik.

Napangiwi naman ito na ikinatawa ni Manang Arya. "Grabi ka naman, Kc! Ang pangit mo ka-bonding!" Nakangiwing ani nito.

"Hay, nako! Tumahimik ka na nga lang, Mariel! Kahit ano pa ang gawin mo, hindi kana magiging kagaya ni Kc. Masarap naman ang luto mo, kaso mas masarap kay Kc," sabat naman ni Manang Arya.

Tumawa nalang ako ng mahina. Ganyan talaga silang magtiyahin, laging nagbabangayan. Pagkatapos kong magluto, inihain ko na ito. Tinulungan rin ako nina Mariel.

"Mariel, pakitawag naman si Manong Adones, at pari narin sila Lari at Pert. Please," utos ko sa kanya.

"Sige, wait lang, ah? Baka pagbalik ko ubos na 'yan!" Sabi pa nito at umalis rin ng kusina.

Si Lari at Pert ay ang mga bodyguards rito sa Villa niya. Actually, marami sila, kaso tinawagan daw sila ni Mr. Trexudos na papuntahin ng Russia. Noong nakaraang araw lang iyon.

Pagbalik ni Mariel, kasama na niya sina Manong Adones, Lari at si Pert na kaakbay si Mariel.

Hm... I smell something fishy...

"Pst, hoy, Mariel! Magsitigil ka ngang bata ka! Ang bata bata mo pa, malantod ka na? Nako, Mariel, ha? Sinasabi ko sa'yo!" Pagsuway ni Manang Arya kay Mariel.

Napairap nalang ito at napanguso sabay bitaw sa pagkakaakbay ni Pert. Napatawa nalang ng Mahina si Pert dahil sa inasta ng dalaga.

Gwapo rin itong si Pert at Lari. Malalaki rin ang katawan at matatangkad. Palagi rin nitong nakasuot ng itim gaya lang din ng ibang mga bodyguards.

Ba't puro itim ang kulay sa bahay na'to? Buti nalang at puti ang labas, hindi talaga ako papasok rito.

"Sige, na. Kumain nalang tayo," sabi ko nalang at agad naman silang nag-si-upo.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagprisintang maghugas ng mga pinagkainan namin. Ayaw nila akong payagan pero waley parin sila.

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay pumunta ako sa sala nila upang manood sana ng TV, kaso bigla nalang akong may narinig na mga baritonong boses.

Sino kaya ang mga ito?

Mr. Trexudos Obsession (Ongoing) [TGA Mafia Series #1]Where stories live. Discover now