Chapter 14

235 9 6
                                    

Kimaeyl's P.O.V.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin, parang gusto ko nalang lamunin ng lupa ngayon dahil sa hiya. Pinagtitinginan na kasi ako ng mga tao rito dahil sa pagbu-buntot ni Lari sa akin eh.

Hindi ko nga rin alam na pwede palang makapasok ang kung sino rito kahit hindi estudyante ng TGA University. Pero wala na akong paki roon. Ang paki ko ngayon ay kung paano ko itatago ang hiya dahil sa nangyayari.

"Lari, pwede mo naman akong hintayin doon sa sasakyan eh."

Mahinang sabi ko sa kanya.  Nasa gilid  ko kasi siya.

"Pasensya na ma'am, pero utos ni Boss na bantayan kita,"

Sagot naman nito.

"Pero kasi... Nakakahiya,"

"Hayaan niyo na po sila,"

"Pero, Lari—"

"Beks! AHHH!"

Bigla akong napalingon ng may tumawag sa akin. Si Jezar lang pala.

She run towards me and hugged me tightly. "Omg, beks, I miss you!"

"Miss you too, beks!"

Tugon ko pagkatapos naming mag-yakapan.

"Ay, sino 'to?"

"Ah, siya si—"

"I am Lari Bien Amid. Ms. Kimaeyl's bodyguard,"

Pakilala naman ni Lari sa sarili.

"Ay, taray. May pa-bodyguard ka girl? Bakit naman? Kailangan pa ba 'yon?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Jezar.

Yumuko ako dahil sa hiya.

"Kasi..."

"Kailangan pa iyon dahil 'yon ang utos ni boss,"

Sabat pa ni Lari. Bigla tuloy akong napalingon sa kanya dahil hindi naman alam ni Jezar kung ano man ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon.

"Boss? Sinong boss?"

"Ah, HAHA. Si Tita ang ibig niyang sabihin, 'di ba, Lari?"

Sabi ko at nilingon si Lari habang pinandidilatan siya ng mata.

"Si Boss Trina, ang tita ni Ms. Kimaeyl,"

Jusko! Salamat naman at nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"Ah, 'yong tita na sinasabi mo?"

"Oo,"

"Well, halika ka na sa room. Miss you talaga beks!"

Hinila ako ni Jezar papunta sa room namin. Si Lari naman ay nakabuntot lang sa amin.
Nang makarating na kami sa room, tumigil si Lari sa labas at doon lang nakatayo.

***

"Hoy, beks! Infairness ah? Ang pogi nung kasama mong bodyguard,"

Jezar whispered. Narito kasi si prof. Kaya pabulong nalang kami kung mag usap.

"Bakit? Type mo ba?"

I asked her. Gwapo naman talaga si Lari, hindi ko itatago iyon. Makisig at malaki ang katawan. Matangkad din siya at maputi. Medyo feel ko may lahi ito eh. Singkit din ito. Sa tingin ko koreano ito.

"Gaga hindi ah! Iba ang type ko 'no?"

"Sino ba type mo? 'Yong nasa kwarto mo?"

Ang tinutukoy ko ay 'yong pamilyar na lalaking nasa kwarto niya. Pakiramdam ko adik siya doon.

Mr. Trexudos Obsession (Ongoing) [TGA Mafia Series #1]Where stories live. Discover now