66

157 9 2
                                        

TUMBLR

palaruman.tumblr.com

mga dahilan kung bakit ako napagod sa kasal ng pinsan ko kahit hindi naman ako yung kinasal:
1. kabadong-kabado ako na naglakad sa processional kasi baka matipalok ako (good news: hindi ako natipalok)
2. ang init ng simbahan (buti nalang off shoulders yung damit namin)
3. dapat asal babae kanina kaya naipon yung kanal energy ko on the inside #mapagpanggap
4. ang sakit sa panga nung picture taking kasi sunod-sunod yung pag-picture ng photographer
5. sumakit din ulo ko nung reception kasi buong akala talaga nina mama, manliligaw ko si alvin. jusko 😭
6. ang alam din ng mga tiyahin ko, jowa ko si alvin. migraine malala talaga.
7. hindi na nag-deny si alvin. napagod na rin siguro.
8. pinasayaw pa kami na nakasuot ng heels. talaga naman. 💀
9. lahat ng yon ginawa ko ng nakasuot ng heels.
10. HEELS (uulitin ko kasi ampanget pag 9 lang)

tags: #wedding #paradise fam #par

palaruman.tumblr.com

ayun nga. hindi na niya dineny kanina na manliligaw/jowa ko siya kahit hindi naman talaga.

tuwang-tuwa pa sina mama at papa kanina dahil kay par. at nag-catch up pa nga sila. kaloka. ngayon ko lang nakita si papa na ganun ngumiti. inakbayan pa nga niya si par.

sabi pa ni ja sakin, "kung pakakawalan mo yan, paniguradong iiyak si mama."

paano pakakawalan kung hindi naman talaga siya akin in the first place?

tags: #par

Problems We Can't Solve (Love on Call, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon