Kanina pa pinoproblema ni Alvin ang ayos ng buhok niya. Hindi niya naman kasi madalas inaayos yung buhok niya. Kaunting hawi lang ng buhok niya, ayos na para sa kanya. Kaso nakakahiya naman para kay Lara, at kina Gerona at Maya kung hindi siya mag-aayos, 'di ba?
Sa kanilang tatlo, si Trey ang mahilig mag-ayos ng buhok. Palagi pa nga siyang may dalang wax dati. Sa totoo lang, sa kanya natutunan ni Alvin 'tong paggamit ng wax eh.
Since hindi sumasagot sina Trey at Nico, si Lara ang inabala niya. Dalawang ring pa lang, sumagot na agad ito.
"Hello, par?" bungad nito. "Sorry, hindi ako makapag-on ng video. Busy pa kasi kami mag-ayos dito. At saka, mga naka-bra lang 'tong mga babae rito eh."
Natawa na lang si Alvin sa pagka-honest ng kaibigan. "De, ayos lang. Tatanong ko lang sana kung paano ko aayusin yung buhok ko," sabi ni Alvin saka napakamot sa ulo.
* * *
Hindi alam ni Lara kung bakit pinoproblema ni Alvin ang ayos ng buhok niya. Sa totoo lang, gustung-gusto niya ito kapag medyo magulo. Hindi niya rin alam pero parang mas gumagwapo siya kapag hindi nag-aayos ng buhok.
Ngayon na kailangan nitong mag-ayos ng buhok, hindi rin alam ni Lara kung paano sasagutin ang tanong ni Alvin. He looks like a lost puppy with those eyes. Mas naging cute ito sa paningin niya nung nagkamot ito ng ulo.
Kung alam lang nito kung gaano na ito kagwapo sa paningin niya, paniguradong lalaki lang ang ulo no'n. Syempre hindi niya sasabihin sa kaibigan niya 'yon.
Hinawi nito ang buhok sa kanan. "Ganito?"
"Ayan, mukha kang matino d'yan," pang-aasar ni Lara. Hindi niya pwedeng sabihin na gwapo ito. "H'wag sa gitna. Magmumukha kang katsupoy n'yan."
Sabay silang natawa sa sinabi ni Lara dahil totoo naman. Alvin, being the silly person that he is, tried to part his hair in the middle. Lara bursted into laughter upon seeing Alvin's hairdo. Sa sobrang tuwa niya, she captured a screenshot of it.
Dahil napalakas ang tawa niya, napatingin sa kanya ang mga pinsan niya. "Sorry." She even added a peace sign.
* * *
Even if Lara's camera wasn't on, it was enough for Alvin to hear her laugh from the other line to make his day complete.

BINABASA MO ANG
Problems We Can't Solve (Love on Call, #2)
RomanceLove on Call, #2 Problem 1: Lara is being pressured to bring a date to her cousin's upcoming wedding. For a single person like her, where would she look for a decent date she could bring to the wedding? Problem 2: Alvin can't deny that he has fallen...