Chapter Three

3.1K 143 50
                                    


"Tol gising na!" Kalabit sakin ni Ralf.

Wala pa kong balak bumangon. Masakit pa yung ulo ko. Magkakahang over pa yata ako.

"Tol gumising ka na. Nasa baba na yung dati nating classmates." Ano naman kung nasa baba pa sila? Mamaya na ko babangon.

"Tol paakyat na sila. Nakapagroom assignment na rin. Bumangon ka na jan at baka mahalay ka pa ng kung sinong magkukwarto dito," hinila na ni Ralf yung kamay ko.

"Sige tol, babangon na rin ako." Sabi ko sa kaniya kahit sa loob loob ko wala pa kong balak bumangon.

"Hindi nga pwede tol, nanjan na yung mga classmates natin! Paakyat na sila! Bumangon ka na!" Naramdaman kong tumabi siya sa kama at hinihila yung kamay ko. Pilit niya kong pinapatayo.

"Tol gisi-"

"WHAAAAAAAAAH. SORRRY!"

Napadilat ako dahil sa babaeng sumigaw ng malakas. Nasa tapat siya ng pintuan at nakatakip ang mga mata. Ano bang trip niya?

"Shit! It's not what you think Robi," Rinig kong sambit ni Ralf. Anong it's not what she think ba ang sinasabi nito? Inalis nung babae yung kamay niya sa kaniyang mga mata.

Napako ang paningin ko kay Ralf. Nasa ibabaw ko siya nakatayo. Nakaboxers lang at pilit akong itinatayo. Sa unang tingin para kaming may ginagawang kababalaghan. Holy crap!

Napatayo ako bigla kaya naman nahulog yung kumot na tumatakip sa katawan ko. Damn. I wear nothing.

Narinig ko ulit siyang sumigaw. F*ck.

Pinulot ko yung kumot at saka ibinalabal sa katawan ko.

"Hey Robi, you're not thinking of something malicious, aren't you?" Tanong ni Ralf sa kaniya.

"H-ha? A-ano, okay lang naman yan. Tanggap naman na sa lipunan ang gaya niyo," nakayuko niyang sabi. What the heck. Is she thinking that we did that thing? Crap.

"Hoy, kung ano man yang iniisip mo. Tigilan mo." Nabalot ng inis yung pakiramadam ko.

"O-okay lang naman. H-hindi ko naman sasabihin sa iba yun-"

"Hindi mo ba ko narinig? Sabi ko mali yang, iniisip mo," hindi ko na siya pinatapos. Napataas na rin yung boses ko. Naiinis ako sa kaniya dahil napakamalisyosa niya mag-isip.

Yumuko siya ulit habang nilalaro-laro yung teddy bear na hawak niya.

"Honey, gising ka na pala." May lumabas na babae sa banyo tapos tumakbo palapit sakin. Inangkla niya niya yung kamay niya sa braso ko at saka ako hinalikan.

"See that? Oh, confirmed. Wala kaming ginawang masama." Saad ni Ralf habanag napapailing dun sa isa isang tabi. Nakita ko namang nanlaki yung mata ni You-Know-Who nang makita niya yung ginawang paghalik sakin nung babae.

"What? Napagkamalan kayo? Oh come on. This girl ba? Ang manly mo kaya Baby, hihi I want more of you pa," sabi nung babae habang nakatingin kay You-Know-Who.

"All cleared na dito? Babalik na ko sa kwarto ko. Dude magbihis ka na. Alamin mo sa baba yung room assignment mo," tumayo na si Ralf at saka nagtungo sa banyo. Nagsisilbi rin kasi yung connecting door para sa dalawang kwarto.

"Bye Robi! Lalaki ako! Hahaha." Pahabol niya bago tuluyang sinara yung pintuan ng banyo.

"Time to go, babe." Bulong ko dun sa babaeng kasama ko kagabi sabay kagat sa tenga niya. Sinadya ko yun para makita ni You-Know-Who.

"See you around," matapos ang isang halik, lumabas na yung babae. So it leaves me and You-Know-Who in the room.

Isang ideya ang pumasok sa isip ko.

"Ano? Tatanga ka na lang ba jan?" Sita ko sa kaniya sa naiinis na boses. I have to show her that I am the alpha now.

"A-ano, dito yung kwarto ko." Tss. How come na ganto ka messed up yung una naming pagkikita after so many years? Hindi ito yung plinano ko.

"So? Tatayo ka na lang jan sa tabi ng pinto? O gusto mong buhatin pa kita papunta dito?" Nakita kong napakislot siya. Ramdam ko ang tagumpay! Bwahahahaha. Natatakot siya sakin.

I slowly walk towards her. Napakunot noo siya dahil marahil hindi niya alam kung anong dahilan bakit ko siya nilalapitan.

Pilyo ko siyang nginitian at saka binuhat. Napasigaw siya. Pero wala akong pakialam. Yung mukha niya tumatama na sa likuran ko. At ramdam kong may kalmot ako sa likod dahil sa pagpupumiglas niya. Yung paa niya naman tumatama na sa mukha ko. Ang gaslaw ng babaeng to.

Binitiwan ko siya sa kama. Tatayo siya pero hinarangan ko yung magkabilang gilid niya ng mga kamay ko.

"Hoy, anong problema mo?"

Unti-unti kong inilapit yung mukha ko sa kaniya.

"B-bakit? S-sorry. Hindi ko naman sinasadya yung nakita ko."

What? Until now, iniisip niyang bakla ako? Anong utak ba meron tong babaeng to?

Inilapit ko pa yung mukha ko sa kaniya. Ilang pulgada na lang, maglalapat na yung mga labi namin. Napapikit na siya. So feeling niya, hahalikan ko siya?

Bakit ayaw mo ba? What the ef. Anong klaseng pag-iisip yan.

Mas lalo ko pang inilapit yung mukha ko.

"LALAKI AKO." bulong ko sa kaniya.

"ISIPIN MO PANG BAKLA AKO, MAY KAPUPULUTAN KA." I said those words in a very seductive way. Naramdaman kong napalunok siya sa ginawa ko.

I was about to stand up when my body move involuntarily. I automatically bit her ear.

That's not a part of my teasing plan. F*ck. Tumayo agad. Kinuha ko yung mga damit ko at nagtungo ako agad sa banyo para magbihis.

Paglabas ko ng banyo, nandun pa rin siya sa kama. Nakahiga. Nakatulala.

Ramdam ko ang tagumpay! Bwahahahaha. Making her fall isn't hard. Tsk.

[On-Going] When A Gay Becomes A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon