Chapter Five

2.6K 133 93
                                    

Dahil sa pagod sa maghapong ginawa namin, pagkatapos ng hapunan dumiretso na ko sa kwarto. Naglinis agad ako ng katawan at nagbihis pantulog.

Wala pa dito si You-Know-Who. Sana mamaya pa siya umakyat pag nakatulog na ko. Hindi ako sanay matulog ng may ilaw.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkakahimbing ko ng maramdaman kong may pumasok sa kwarto. Si You-Know-Who na siguro. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na tignan siya at baka mawala pa yung antok na nararamdaman ko.

Naramdaman kong sumabit yung paa niya sa kama ko at bumagsak sa sahig. Pigil yung tawa ko.

"Bobo ka ba o ano? Turn the lights on nang hindi ka mag-ingay jan," medyo inis na sabi ko sa kaniya kahit na hindi naman talaga ako naiinis.

"Sorry naman." Sabi niya sabay binuksan yung ilaw. Nagtungo siya sa kama niya. Nag-aayos ng gamit marahil.

Ang tagal naman niyang matapos magbihis. Gusto ko nang matulog. Wala ng energy yung katawan ko. Kailangan ng mapatay yung ilaw.

Pagkalabas na pagkalabas niya, binulyawan ko agad siya.

"Pakipatay na yung ilaw. Gusto ko ng matulog," sabi ko sa maawtoridad na boses.

"S-sige." Nang makahiga na siya pinatay na niya yung ilaw. Mukhang wala naman akong magiging problema kay You-Know-Who.

Bakit parang sobrang tahimik? Bawat pagkilos niya naririnig ko. Magkahiwalay naman kami ng kama pero bakit nararamdaman ko yung paggalaw niya. Pucha.

Hindi ko to matatagalan.

"Hoy, ano bang problema mo? Pwede wag kang umikot-ikot jan sa kama mo?" Sita ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot pero tumigil siya sa paggalaw. Hindi rin nagtagal at nagpabaling-baling na naman siya.

"Ano ba? May balak ka bang magpatulog?" Sita ko na naman sa kaniya.

Tumigil ulit siya sa paggalaw pero wala pang limang minuto nagkikilos na naman siya.

Hindi na ko nakatiis. Bumangon ako at pumunta sa kama niya. Binuksan ko yung lamp shade sa tabi ng kama niya at saka ko siya binalingan.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kaniya na ngayon may halo na talagang pagkainis.

"Hindi ako makatulog."

"Alam ko. Kaya nga tinatanong ko kung anong problema mo," ang slow niyang kausap.

"Hindi pa kasi ako nagtu-toothbrush." she pouted.

"Anak naman ng tokwa! Ang lapit lapit ng CR, tinamad ka pang magtoothbrush," tss. Anong klaseng babae na ba siya ngayon? Tamad siya dati pero mas tamad siya ngayon.

"Hindi naman kasi yun eh. N-nakalimutan kong magdala ng toothbrush," nakayukong sabi niya sakin.

"Edi bumili ka. Labas!" Sinasagad na talaga niya yung pasensya ko. Simple lang naman yung problema niya hindi niya pa masolusyunan.

"Naghanap na ko kanina kaso sarado na yung convenient store," she looked at me.

"Magmumog ka na lang," mauubusan na ko ng pasensya sa kaniya.

"Antok na antok ka na ba talaga?" Hindi ba halata? Maaga nga akong umakyat dahil gusto ko ng magpahinga tapos ngayon tatanungin niya ko.

"Hindi ba obvious?"

"Halata ko naman eh. PEHEREM NE LENG EKE NG TEETHBRESH ME." Nabibingi ba ko o may mali lang sa dila niya?

"Ano?"

"SABI KO PAHIRAM NA LANG AKO NG TOOTHBRUSH MO para makatulog na rin ako," baliw ba to?

"Ano ko siraulo? Bat ko ipapahiram sayo yung toothbrush ko? Manigas ka jan," baliw na yata to. Tumayo na ko at nagpunta na sa kama ko.

Makikinig na lang ako ng music baka sakaling hindi ko na siya maramdaman.

Pagkahiga ko, naramdaman ko siyang kumalabit.

"Sige na please! Papalitan ko na lang bukas! Maaga akong gigising! First thing in the morning, pagbili ng toothbrush yung aatupagin ko. Sige na please." she pleaded tapos pinagsalikop niya pa yung dalawang kamay niya.

"A-YO-KO." Nagtalukbong ako ng kumot at saka nagsalpak ng earphones.

"Reycon, please. Gusto ko na ring matulog. Hindi naman ako choosy. Alam ko namang malinis ka. Girl to girl naman yung connection between us. Pleaaaase." What the hell. After what I did to her kanina ganto pa rin yung nasa pag-iisip niya.

An idea came up in my mind. Tinanggal ko yung pagkakatalukbong ko. Ewan ko lang kung makatulog pa siya sa gagawin ko.

"Please."

Hinila ko siya papuntang CR. Kinuha ko yung toothpaste at saka naglagay sa daliri ko.

"Magmumog ka," utos ko sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"B-bakit?"

"Gusto mong makapagtoothbrush diba?"

"Para san yang toothpaste sa daliri mo?"

"Para dito," I put the toothpaste in my mouth. Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya.

Unti-unti kong inilapit sa kaniya yung mukha ko.

"Nganga," nakita kong napatulala siya sa sinabi at ginawa ko.

"I said, open your mouth. Gusto mong magtoothbrush diba?" Unti-unti pa kong lumapit.

"Let's make some alternative." Plano kong takutin siya.

"I can brush it through my kiss."

=•=•=•=•=•=•=•=•=


-Robi's POV-

Naiwan akong nanginginig ang tuhod sa banyo. Lahat ng lakas ko nawala, nasaid.

Hindi pa nga ako nakakarecover sa ginawa niya kaninang hapon ngayon ito naman.

Anong nangyari sa bakla kong kaibigan? Naliligaw na ba siya ng landas? Kailangan niyang matagpuan muli ang sarili niya. Tutulungan ko siya.

Pero paano ko naman gagawin yun eh halos tumalon na yung puso ko sa kaniya? Nung makita ko siya kanina kasama si Ralf, ang laking disappointment yung naramdaman ko. Pero mas nadisappoint ako ng may lintang kumapit sa kaniya!

Nadisappoint ako kasi kailangan niyang itago yung tunay na siya sa pagpapanggap na lalaki siya. Hindi niya naman kailangang humalik ng babae para lang maitago yung pagkabakla niya.

Napasama lang siya sa tropa ng mga kalalakihan kaya siya nagkaganyan. Naitago niya tuloy yung tunay na siya. Paglabas ko ng banyo, mahimbing na siyang natutulog. Nahiga na rin ako sa kama ko.

"Reycon, hindi ko alam kung anong nangyari pero promise, tutulungan kitang magladlad."


=•=•=•=•=•=•=•=


A/N: Huwag po kalimutang magvote and comment! ^_^ Nakakagana kasi yung mga feedback niyo :) Basahin niyo rin yung dalawa ko pang stories.

WAGBAM: #25

MA: #34

DNC: #57

[On-Going] When A Gay Becomes A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon