Chapter Twenty-Seven

1.6K 47 9
                                    



Bigla na lang akong nakaramdam ng sakit ng ulo. Sobrang sakit. Pakiramdam ko rin nasa dagat ako, tinatangay ng alon. Kahit nakapikit ako, nararamdaman kong umiikot yung paligid ko. Ang sakit sa ulo. Ang sakit sa sikmura. Ang sakit sa bangs.

Mariin pa akong napapikit ng tamaan ng liwanag yung mukha ko. Lalo akong nahilo.

What happened last night?

Napahawak ako sa noo ko.

The last thing I remember is that we're shouting at each other. Hindi ko na maalala kung anong pinagtatalunan namin basta nagsisigawan kami.

Tapos... tapos ano ba?

Putek. Mas lalong sumasakit yung ulo ko sa pag-iisip.

Suddenly, I remember hugging her when she burst into tears. Napatahimik ako, yakap-yakap ko lang siya. Pilit siyang pinapatahan, pilit kong ipinaparamdam sa kaniya na okay lang ang lahat pero tungkol saan? Ay putek! Bakit ngayon pa ko memory loss?

Pinapatahan ko siya.. tapos..

"HALA! Did we kiss?" Bigla akong napabangon sa kama kaso bigla rin akong tumumba. Ang sakit talaga ng ulo ko. At lalo pang sumasakit dahil yung mga rumerehistro sa utak ko eh hindi kaaya-aya. Hindi naman siguro naming ginawa yun. Hindi ko magagawa sa kaniya yun kahit pa lasing ako. Hindi, diba?

Napasabunot pa ko sa buhok ko nang mapagtanto ko yung sitwasyon. Lasing kami parehas kagabi, ibig sabihin hindi siya nakauwi. Dito talaga siya natulog. Magkatabi kami? M-may nangyari ba? Syeeeet. I can feel that I'm still wearing my boxers.

Paano kung may nangyari nga? Nag-ingat ba kami?

Natatakot akong magmulat ng mata.

How can I face her?

Shit.

"Hey, bro. Wake up. Are you having a nightmare?"

Napamulat ako ng mata. Teka, teka, teka. What are they doing here? Was last night just a dream?

"Napasarap yata." Ju chuckled.

"She left. Nakasalubong namin siya sa gate. Saktong pagdating namin, yung pag-alis niya naman."

How long? Gaano katagal akong tulog? Anong oras na ba?

"She left about 20 minutes ago, right Ralf?"

"Oo men. Gising-gising din kasi. Masyado ka bang napagod kagabi?"

Binato ko lang si Ralf ng masamang tingin.

"O-order lang ako ng pagkain," sabi ni Arvin sabay labas ng pinto ng kwarto. "Teka! Sama ko, ako mamimili kung saan tayo o-order."

"Oy mga ugok, sasama ng taste niyo, ako oorder."

"Rey, mag-ayos ayos ka na." Sabi ni Jai sabay labas din ng kwarto.

Medyo nakahinga ako ng maluwag. Umalis na siya, ibig sabihin wala naman talagang nangyari samin. Diba, diba? Kung meron, aalis na lang ba siya basta-basta?

Kumikirot-kirot pa rin yung ulo ko sa sakit.

Makaligo na nga ng mahimasmasan.

Tatayo na sana ako ng may makita ako sa gilid ng kama.

Kinabahan ako.

Tinitigan ko maigi.

O___O

Napalunok ako.

[On-Going] When A Gay Becomes A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon