Chapter 34

52.6K 1.2K 112
                                    

Zach POV

“Let’s go, baby,” aya ko kay Chim na inaayusan ng mama niya.

We’re going out today to spend our time together. We don’t have a time bonding since I was busy preparing for me and Xiara’s wedding. Xiara isn’t coming with us because she wants to rest. Her belly is now obvious.

Lumapit ako sa kanila. “Are you sure na ayaw mong sumama?” tanong ko sa kaniya.

Tumango siya at ngumiti at pinagpag ang suot kong t-shirt. “Yup. Enjoy your trip saka gusto kong magkaroon kayo ng oras ng anak natin since wala pa kayong bonding...” She kissed me. “Go. Seize the day.”

“I love you so much,” I said.

“I love you more.”

Bumaling ako sa anak ko na handang-handa ng gumayak. Hinawakan ko na ang kamay niya at nagsimula na kaming magtungo sa pintuan. Nang maisakay ko na siya sa kotse ay binuksan ko muna ang bintana.

“Bye, mama!” paalam niya.

Ngumiti naman siya si Xiara. “Bye, baby. Enjoy the day!”

Nagsimula na akong magmaneho at nagtungo kami sa isang ocean park. I bought two tickets for us to enter the place.

“Papa, marami po ba akong makikitang sea creatures po?” tanong ng anak ko habang papasok kami.

“Yes, baby.”

Nagtatalon-talon naman siya sa tabi ko at ngiting-ngiti. “Yey! Papa, gusto ko po maraming pictures po, ah tapos ano po picture po tayong dalawa.”

Kinarga ko na siya nang malapit na kami sa entrance. Humalik ako sa pisngi niya. “Anything you want, baby.”

Chim is a type of kid that enjoyable to be with and like to explore. Palagi rin siyang matanong at mabilis matuto. Pagdating sa akin ay malambing siya, pero mas malambing pa rin siya sa mama niya. Minsan kapag wala talaga ang mama niya ay panay ang sunod niya sa akin at lagi akong tinatanong kung may pupuntahan ba ako or may lakad daw ako kasi sasama raw siya.

Minsan ay hindi ko siya naisasama lalo na kung busy talaga ako at alam kong hindi ko siya talaga siya maaasikaso. Naiintindihan naman niya minsan at kay kuya Adamian niya siya sumama at nakikipaglaro.

Nagsimula na kaming pumasok doon at manghang-mangha siya sa nakikita siya. Mapagilid, mapataas. It’s like an aquarium at maraming sea creatures.

“Papa, look! May fish!” Itinuro niya ang isdang hindi naman makakain. “Papa, want ko po ‘yan kainin po,” aniya.

Tumawa ako. “Hindi kinakain ‘yan, baby,” sabi ko sa kaniya.

“Pero papa! Gusto ko pong kainin ‘yan,” naiiyak niyang sabi at nagsimula nang humikbi.

”We can’t eat that. Bibilhan na lang kita mamaya ng fish na p’wedeng kainin.”

Umiling siya at pumalahaw ng iyak. “Gusto ko po no’n!” nagmamaktol niyang sabi.

“Baby, no... Hindi natin p’wedeng kainin ‘yan. Gusto mo ba sumakit tiyan mo?” Umiling siya at napatigil sa pag-iyak. “Good. Bibilhan na lang kita ng fish na kakainin mo mamaya.”

Niyakap ko siya at ipinatong naman ang ulo niya sa may balikat ko. Minsan talaga ay nagtatrantrums siya, pero kinakaya kong i-handle iyon dahil nga bata siya at kailangan niyang maintindihan ang mga bagay-bagay. Hindi naman ako istrikto sa kaniya, pero ayaw ko rin namang masiyadong maluwag.

Break the Spotlight (Career Series 1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon