Chapter 31

56.6K 1.1K 56
                                    

Xiara POV

Simula no’ng umalis si Zach ay hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko. I’ve keep staring to a television. Pinakaba ako lalo ng balita.

“News Flash! Kapapasok lamang ng balita, Alon acting workshop founder, Chiro Alonzo arrested earlier this afternoon dahil sa mga umanong kasong murder, rape, fraud, at assault...” Nakita ko ang pagtatakip ng mukha ng daddy ni Zach habang pasakay ng mobile ng pulis. “Isang lalaki rin ang natagpuang wala ng buhay sa kanilang bahay. Iyan lamang po para sa hapong ito.”

Hindi ko alam kung bakit nanginig ako bigla dahil sa balita. Si Zach? Nasaan si Zach?! Hindi ako p’wedeng nakaupo lang dito.

Tumingin ako kay ate na abala sa pagpapakain kay Chim. “Ate, kailangan kong pumunta sa bahay nina Zach.”

“Bakit po, mama?” inosenteng tanong ng anak ko.

Lumapit ako sa kaniya. “Pupuntahan ko lang ang papa mo. Nag-aalala ako, e.”

Tumango siya. “Iuwi mo po si papa po, ah.”

“Opo, baby.”

Humalik ako sa noo niya bago ako tumayong muli at kinuha ang bag ko sa loob ng kwarto ko. Dali-dali akong lumabas ng bahay at si kuya ang naghatid sa akin.

“Okay lang naman si Zach, ‘di ba kuya?” tulala kong tanong sa kaniya.

“He will be okay, Xiara. Walang masamang nangyari.”

Kinukumbinsi ko ang sarili ko na walang nangyari kay Zach. Na okay lang siya at inaasikaso niya lang ang kaso para sa tatay niya. Pinaglaruan ko ang sarili kong kamay at napapikit na lang habang hinihintay kami na makarating sa bahay nina Zach.

Dali-dali akong bumaba ng kotse nang makarating kami roon. Maraming mga pulis ang nasa labas ng bahay. Pilit akong pumasok, pero hinarang kaagad ako ng pulis.

“Madam, bawal po ang pumasok,” aniya.

“Sir, nasa loob ang asawa ko,” umiiyak kong saad sa kaniya.

“Sino po ba ang asawa n’yo?” tanong niya.

“S–si Zach Alonzo... Si Zach!”

“Sandali po, madam. Nilalabas na po ang katawan niya.”

Para akong nanlumo sa sinabi niya at patuloy ang pag-agos ng mga luha ko sa aking pisngi. Nabibingi rin ako sa sinabi niya.

“A–ano po nangyari sa asawa ko?” nanghihina kong tanong at halos mabuwal sa kinatatayuan ko, pero inalalayan ako ni kuya.

“Xiara, kumalma ka muna,” aniya. “Tandaan mo at buntis ka.”

Napatingin ako sa pulis. “Sabihin mo, ano nangyari sa asawa ko?”

“Nabaril po ang asawa n’yo, misis.”

Tuluyan na akong napaupo sa sahig dahil sa sinabi ng pulis. Napapikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko at halos kinakabahan na ako. Ang bilis ng kabog ng puso ko.

“Emergency! Make a way!” sigaw ng pamilyar na boses.

Napatingin ako sa gate ng bahay at nakita ko si mama Che na umiiyak habang sinusundan ang mga rescuer na may dalang stretcher. Mabilis akong napatayo at halos matumba pa ulit sa pagkataranta.

Tiningnan ko kung sino ang naroon. Nando’n si Zach at walang malay. Lalapitan ko sana siya nang pigilan ako ni kuya. “Sundan na lang natin sa hospital.”

Break the Spotlight (Career Series 1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon