CHAPTER 8---HULI KA

14 0 0
                                    

CHAPTER 8—-HULI KA

TRHYS POV

+Kinabukasan+

Wala akong ganang kumain hanggang ngayon kasi wala pa rin ang I.D ko panu ako papasok sa skul ng ganito. Hindi ako basta basta makakapasok dahil may detector dun na kailangan mo munang iswipe yung I.D. mo para makapasok kung sa guard makakalusot sa detector hindi dahil tutunog yun mas nakakahiya kung tumunog yun hindi lang mga estudyante ng queen high ang makakakita sakin pati na rin yung sa king high.

"Nikki, nakita mo na bag yung I.D. mo?"

"Hindi pa nga po eh ma!" ayst! Eto na naman siya.

"alam mo ate kung di ka burara hindi naman mawawala yung I.D. mo" isa pa tong sabat!

"HOY! TRINA MAGTIGIL KA JAN! KUMAIN KANA NG KUMAIN! MALELATE NA KAYO NG ATE MO!" BOOM AGA NEH!

"Ma? Bakit ang unfair nyo? Trina yung tawag niyo sa kanya samantalang may Nicklyn siya  tapos ako Nikki." Ang totoo niyan bata ng lima taon sakin si Trina dalawa lang kaming magkapatid pero kahit mas matanda ako sa kanya mas maldita naman sakin yan.

"kaya Trina ang tawag ko sa kanya kasi mahirap bigkasin yung second name niya at kung bakit Nikki ang tawag ko sayo? Dahil nagiging cute ka kapag yun ang pangalan mo. Para kahit sa pangalan maging cute ka."-______- grabe ang sama!

"ok whatever you say!"

+after 10 mins+

Umalis na kami ng bahay ni Trina at nandito na ko sa skul paano ko kaya sasabihin sa guard toh panigurado namang di maniniwala yun bakit ba kasi di ko agad naisip na ireport sa office toh. Hayst! Ang engot ko kasi. Pagbasta-basta naman akong pumasok jan mas nakakahiya kapag yung buzzer ay tumunog.

"Guard? Good morning po."

"No I.D.  No entry." Eh nawawala nga yung I.D. ko eh anung gagawin ko.

"Eh guard kasi po nawawala yung I.D. ko kahapon po hinanap ko na po sa lahat ng lugar na pinuntahan ko pero wala po eh."

"walang nakasulat sa excuse list ko kaya meaning walang nawawalan ng I.D."

"Guard kaya nga po pumasok ako para iinform sa office tung nangyari."

"hindi ka pwedeng pumasok dapat guardian mo na ang gumawa niyan kung gusto mo umuwi kana papuntahin mo ang mama mo dito para makapasok ka."

"po?"

"kailangan ulit ulitin ko pa? kasalanan mo yan kaya ikaw ang gumawa ng paraan"

"Ok po salamat na lang"

Uuwi na ba ko? Kapag umuwi ako paniguradong magagalit si mama tapos considered na absent ako sa skul dahil aayusin pa yung papers ko para magawan ako ng bagong I.D madami kasing arte sa skul na toh madaming nagsasabi parang skul daw to sa ibang bansa wow lang ah ang daming arte pero ang quality ng education dito hay naku wala kanang masasabi pa.

"Hoy! Trhys!" hay naku si Yzhelle talaga late kung pumasok samantalang mas malayo ang bahay ko sa kanya.

"Yzhelle bilisan mo na magsasara na yung gate!" Tignan mo toh sinabihan ko ng bilisan lalo pang binagalan.

"yaan mo yan?! Isara nila kung gusto nila. Teka bakit nandito ka pa?" kung ako burara siya ulyanin!

"Di ako pinapasok kasi nga po nawawala yung I.D. ko at hind na ko nagbalak dahil mas nakakahiya hahahaha. Ikaw lang naman ang may lakas ng loob na gumawa ng mga ganun bagay naalala mo nung 2nd year tayo."

SKUL WARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon